Chapter 42

594 53 7
                                    

***Cheska's POV***

Pumasok na ako ng bahay.

I feel relaxed and light dahil sa bago kong itsura but at the same time I'm quite bothered sa nangyari kay Mommy Ninang sa mall.

I still keep on thinking why and how Tito Edward hid that information from her. Eh sa pagkakakwento ni Mommy Ninang at ni Dale ay sobrang mahal ni Tito Edward ang asawa niya.

---
Paakyat na ako ng hagdan ng mamataan kong may nakaupo sa sala.

Kita ang pagkagulat nito pagkakita sa akin.

"T-tsiko? Is that you?"

Mataman ako nitong pinagmasdan.

"Dale? Ba't ka nandito?"

"Why did you change your hair color?"

"Pangit ba?"

"Ahm.... Nope. Pero I prefer the old one."

"Eto kasi ang gusto ko." Medyo nalungkot ako dahil hindi niya ito nagustuhan.

"Why?"

"Eh sa gusto ko nga. I don't care if ayaw mo o ayaw nila. Basta ako I like it like this..."

Nakita kong napapailing siya.

Ano nga bang ini-expect ko? Would he care? Eh may Angel naman siya?

Naalala ko tuloy ang sinabi ng mommy ni Angel. They're dating.

Bahagyang kumirot ang puso ko.

Naalala ko din na naglihim pa ito sa mommy niya. Para ano? Para hindi siya pagbawalan na i-date ang anak ng kaaway nito. He really likes that bitch.

I feel sad. Also for his mom. Bakit nila kailangang paglihiman ito? Sobrang bait ni Mommy Ninang. She doesn't deserve to be lied to.

"I think you need to go home now." pagtataboy ko sa kanya. Baka masabi ko lang ang inis at lungkot na nararamdaman ko.

"Pinapauwi mo na ako?"

"You need to settle something with your mom. She needs you now."

"Huh? May nangyari ba kay Mom?"

"Umuwi ka na nga."

"Can you tell me what it is?"

"Ask her so you'll know. I'm sorry, I'll take some rest. Goodnight, Dale."

Tahimik itong lumabas ng bahay.

I want him to be happy pero bakit nasasaktan ako sa nalaman ko? Of all the women sa campus, bakit ang mahadera pa na iyon kasi?

Unang beses ko 'tong maramdaman. Unang pag-ibig. Unang sakit.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-ayos ng mga pinamili namin ni Mommy Ninang.

Somehow I felt happiness lalo na nang makita ko ang mga gamit sa pagpinta. I'm more excited na gamitin ang mga ito kaysa sa mga damit na pinamili namin.

Now I found an outlet.

Sabi nga ni Mommy Ninang ginawa niya ring outlet ang pagdo-drawing at pagpipinta noong mga panahong malungkot siya. I can also divert my sad feelings through it.

---
Maya-maya ay nakatangap ako ng text galing kay Dale.

'Tsiko, Mommy looks happy. Pareho pa pala kayo ng hairstyle. You look like sisters now. Thank you sa pagpapasaya sa mommy ko.'

Napapailing na lang ako. Magaling nga magtago ng feelings si Mommy Ninang. Kanina lang ay nag-breakdown siya sa sasakyan. I feel sorry for her.

Nireply ko naman ito.

'Don't worry, I'll make her more happy at hindi ako gagawa ng kahit na anong bagay na ikakagalit o ikakalungkot niya. I love her like my Mama.'

Gusto kong ipa-realize sa kanya ang maling ginawa nila ni Tito Edward dito.

'Thank you Tsiko. I know she loves you, too.'


***DJ's POV***

She's very beautiful. Lalo siyang gumanda sa buhok niya. She looks like Mom now.

Pero iba ang nasabi ko sa kanya kanina.

Gusto ko lang kasing itago ang paghangang nararamdaman ko nang makita ko siya. Nagiging obvious na ako.

Nag-aalala din kasi ako na mas marami ng lalaki ang magkakagusto sa kanya lalo na sa itsura niya ngayon.

Madaming gwapo sa campus. Baka magkagusto siya sa isa sa mga ito. I don't want it to happen.

Pero kay Luke pa nga lang ay medyo tagilid na ako. Unang-una kasi kaklase niya ito at araw-araw silang magkasama.

How can I tell her that I like her? How can I tell her my real feelings for her?

Magagalit kaya siya pag nagtapat ako? Magpi-friendship over na ba kami pag nagkataon? I'm afraid of that possibility. Ayoko siyang magalit at tuluyang lumayo sa akin.

Kung alam lang niya na gusto ko siyang protektahan sa lahat... kahit na kay Dad pa.

Hay Tsiko!

"Love... musta ang school? Madami bang babaeng magaganda doon?"

Nagulat ako nang biglang magsalita si mommy.

"Of course, Mom. International school po iyon, karamihan sa mga babae doon ay magaganda. Pero sa department namin.. konti lang kasi ang babae.."

"May dini-date ka na ba, love? Gusto mo bang magkwento kay mommy? Malay mo mabigyan kita ng advice."

"Ahm... wala pa po, Mom. Pero malapit na po. Sana lang hindi siya magalit."

"Eh mukha namang malaki ang gusto saiyo ng iyong nagugustuhan, love?"

"Really, Mom? Paano ninyo po nalaman?"

"Basta... that girl likes you a lot... medyo mag-ingat ka na lang.... kasi..."

"Kasi?"

"Basta... Pero as long as na nakikita kitang masaya... Susuportahan kita. The past won't bother me."

"Ano pong ibig ninyong sabihin?"

"Wala. Nevermind. Kalimutan mo na iyon. Basta make sure na masaya ka sa ginagawa mo..."

"Of course, Mom!"

"Nice to hear that..."

"Thanks, Mom! Alam kong magugustuhan ninyo siya... Actually gusto ninyo siya."

Nakita kong kumunot ang noo niya pero pinilit niyang ngumiti.

What's going on? I can't understand her.

"Good evening! Oh! My beautiful wife! Wow, lalo kang gumanda, love!"

Si Dad. Kadarating lang. Niyakap at hinalikan niya si Mom.

But I felt different when Mom didn't answer my dad's warm greeting for her.

Pilit ang ngiting ibinigay ni Mom.

"Kumain ka na? Ako kasi kumain na sa labas. Halos kadarating ko lang din."

"Oh so hindi mo na ako sasabayan?"

"I'm full. Sabay na lang kayo ni DJ. Una na ako sa taas. Ayusin ko lang iyong mga pinamili ko."

"Alright, love." sagot naman ni Dad na hindi yata napansin ang tila pag-iiwas ni mommy.

What's happening? Hindi siya ganito. And one more thing... kanina...Tsiko seemed to give me a hint for something that's going on.

May nangyayari bang hindi ko alam?

But a while ago, Mom looks happy...

I'm confused.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon