Chapter 44

642 55 10
                                    

***Cheska's POV***

Paalis na ako ng bahay para magsimba nang makita kong palabas ang sasakyan ni Dale.

Alam kong nakita niya ako dahil ibinaba niya ang salaming bintana.

"Tsiko, where are you going?"

"Ahm. Magsisimba sana tapos may pupuntahan ako pagkatapos."

"Cheska, baby. Sabay ka na sa amin. Magsisimba din kami."

Hindi ko alam na kasama niya pala si Mommy Ninang. Ina-aninag ko ang loob ng sasakyan dahil baka kasama ng mga ito si Tito Edward.

"Dad is not with us, Tsiko. Come on. Hop in."

Ramdam ni Dale na iniiwasan ko si Tito Edward.

Sa backseat ako umupo at lumipat na rin doon si Mommy Ninang.

"Mag-isa ka nga lang palang nagsisimba. Si Blake kasi Adventist di ba?"

"Opo."

Kilala talaga ni Mommy Ninang si Papa.

"Saan ka pala pupunta sabi mo pagkatapos ng mass, Tsiko?"

Si Dale tinanong ako habang nagda-drive. Maya't-maya ang sulyap nito sa rearview mirror. Nako-concious tuloy ako. I'm wearing a dress today, isa sa mga binili namin ni Mommy Ninang kahapon.

"Ahm... Pupuntahan ko si Alex. Di ko na kasi siya nakikita."

"Who's Alex, baby? Boyfriend mo?" tanong ni Mommy Ninang.

"Naku... hindi po. Tibo po iyon, Mommy Ninang. Close friend ko po."

"Ah... Kala ko may boyfriend ka na."

"Wala pa po. Walang magkamali. Hehehe."

"Bakit naman? Ang ganda-ganda mo kaya. Bagay pala saiyo ang dress na iyan. Galing kong pumili no?"

Nakangiting sabi sa akin ni Mommy Ninang.

"Thanks po."

Nagsimba kaming tatlo.

Matapos ang misa ay nagpaalam na ako sa kanilang dalawa.

"Ihatid ka na namin." si Dale.

"Nope. Okay na ako. Diyan lang naman sa malapit ang bahay nila Alex."

"Dati lalaki ang itsura mo kaya okay lang. Pero ngayon, naka-dress ka tapos dadaan ka sa mga eskinita diyan? Delikado. Sasamahan na kita."

"Wag na okay lang naman. Pupunta pa nga ako sa dati kong lugar after nito. Dalawin ko rin ang tropa."

"Mom? May pupuntahan ka pa po ba?" tanong ni Dale sa mommy niya.

"Ihatid ninyo na muna ako, love. Then samahan mo na si Cheska sa pupuntahan niya."

"Ay wag na po, Mommy Ninang. Okay lang po ako. Una na po kayo ni Dale."

"Wag na matigas ang ulo, Tsiko. Hatid muna natin si Mom then punta tayo kay Alex. Gusto ko rin siyang makilala."

"Oo nga naman, baby. Baka delikado talaga doon. Sige na DJ, iuwi mo na ako."

"Okay, Mom."

Natahimik na lang ako sa upuan.

Nahihiya ako kay Mommy Ninang. Alam kong family day nila tuwing Sunday pero nakigulo pa ako.

Hinatid namin siya sa bahay. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Alam ko kung ano ang pinagdadaanan niya.

Sana matulungan ko siya. I don't wanna see her being lonely.

---
Narating namin ang lugar nina Alex. Mabuti na lang at nasa bahay ito ngayon.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon