***Cheska's POV***
"Cheskie, mag-break ka naman. Ako na diyan." si Alex na kasamahan ko sa trabaho at pareho ko ring cashier sa malaking tindahan sa may palengke.
"Sige tapusin ko lang 'tong mga nakapila."
Minsan kasi hindi ko na nagagamit ang break time ko sa dami ng mamimili sa tindahang pinagtatrabahuhan ko. Wholeseller kasi ito ng iba't ibang produkto.
Si Alex or Alexandria ay tatlong taon ko ng kaibigan at kasama sa trabaho. Kinse anyos pa lang kami ng ipasok kami ng kaibigan ni Nana Carmen dito. Palibhasa malaking bulas kami kaya di nahalatang menor de edad pa kami noon. Dati mabibigat ang mga nauna naming trabaho. Taga-buhat at taga-salansan ng mga paninda pero dahil nakitaan nila kami ng galing sa pagkukuwenta ay sa cashier na lang kami ipinwesto ni Alex.
Pang-umaga lang ang pasok ko sa eskwela kaya sa hapon hangang gabi ay nagtatrabaho ako.
Di naman ako pinagkaitan ni Nana Carmen ng mga pangunahing pangangailangan sa buhay. Lalo na ang edukasyon na masyado raw importante sa isang tao, sabi pa nito. Kahit saan ka mapadpad basta may pinag-aralan ka ay mabubuhay ka.
Lahat public schools ang pinasukan kong mga eskwelahan dahil kapos din naman sa buhay si Nana Carmen. Bukod sa matanda na ito ay maya't-maya ay nagkakasakit pa hangang sa natuluyan na nga siya. Kaya't pagtungtong ko ng kinse anyos ay nagpaalam na ako sa kanyang tumulong sa pagtatrabaho. Kahit ayaw niya ay napilitan na rin siya dahil malimit na noon ang pagkakasakit niya.
Lagi akong nangunguna sa klase simula elementarya hangang high school kaya tuwang-tuwa sa akin si Nana. Ito rin ang dahilan kaya nakakuha ako ng scholarship sa isang malaking universidad ngayon. Nasa first year pa lang ako ngayon sa kursong Civil Engineering. Ito lang kasi ang natatandaan ko sa Papa ko. Alam kong isa siyang enhinyero at gusto kong marating ang narating niya. Lahat masasayang alaala lang ang natira sa akin kasama si Papa. Pareho kami nitong may asul na mga mata.. na laging pinagkakaguluhan ng mga nakakakilala sa akin.
Ang pagkakaroon ko ng asul na mga mata at american features ay ngdudulot sa akin ng dalawang bagay. Akala ng iba ay foreigner ako at maykaya sa buhay kaya ang iba ay mataas ang tingin sa akin. Sa kabilang banda naman ay ito lagi ang ikinapapahamak ko sa magulong lugar dito sa Maynila. Hindi lang iilang manyakis na ang nagtangka sa akin at sa awa ng Diyos ay wala pang ngtatagumpay. Kaya mas pinili kong magpakalalaki na lang para medyo malayo sa disgrasya. Nagiipon nga rin ako ng pambili ng murang contact lens, kahit iyong peke para matakpan ang asul kong mga mata.
---
Pauwi na ako nang madaanan ko ang mga kaibigan kong nakatambay na naman sa kanto. Dito sa lugar namin na medyo iskwater ay mas ligtas pa ako. Paano ba naman eh halos lahat kaibigan ko ang mga tambay ditong halos kasabayan ko ring lumaki.
"Tol! Aga-aga naman niyang inuman niyo."
"Tisay, dito ka muna. Bibihira ka naming makasama ah."
"Busy na sa pag-aaral mga tol. Kailangan ko pang kumayod. Ang mahal ng mga kailangan sa eskwelahan eh. Kayo, wala ba talaga kayong balak mag-aral sa kolehiyo?"
"Tama na ang highschool Tisay. Yun din naman ang bagsak namin. Sekyu o di kaya'y construction worker. Yaan mo pag enhinyero ka na, kukunin mo naman kami di ba? hahahha!"
"Mga loko talaga kayo. Pero seryoso mga Tol, dapat iniisip ninyo din ang hinaharap ninyo.... Gusto niyo bang maghirap din katulad natin ang magiging anak ninyo?"
Natahimik bigla ang mga kaibigan ko.
"Ayoko na rin kasing maranasan pa ang ganitong buhay pagtanda ko. Kung magkakaroon man ako ng bagong pamilya ay gusto ko iyong hindi na sila maghihirap."
Muli silang natahimik. Sana lang ay maisip nila ang mga sinasabi ko kahit alam kong lasing na ang mga ito.
"Sige na mga tol. Mauna na ako. May pasok pa ako ng maaga bukas. Tama na iyan ha. Magsiuwi na kayo. Aling Cora, wag niyo na pong bibigyan tong mga ito."
"Sige Tisay, ingat. Magsarado ka ng maigi sa bahay mo. May mga bagong salta dito sa lugar hindi pa natin kilala."
"Salamat mga tol! Ingat din kayo."
Kahit mukhang halang ang kaluluwa ng mga itsura ng mga ito ay mababait naman sila. Lalo na kapag may emergency sa lugar namin... sila agad ang unang maasahan.
Lahat panlalaking laro ang natutunan ko sa mga ito noong bata pa ako kaya si Nana ay inakala din na isa akong tomboy. Pero mas gusto ko at mas komportable talaga ako sa damit at ayos panlalaki. Ligtas pa ako sa disgrasya. Pero ang puso ko ay isang natural na babae. Dangan nga lamang ay walang nakakaalam nito. Si Alex kasi ay isang tibo at akala niya ay katulad niya rin ako.
---
Kinabukasan sa eskwelahan.."Oooppss! Sorry!"
Napatingin ako sa bumanga sa akin. Isang gwapong lalaking sa tingin ko ay kasing-edad ko rin.
"It's okay."
"Bro... I'm Luke and you are?"
"Ch--- Just call me Chikko!"
"Chikko! Nice name... Ayt bro! Nice meeting you! Sorry again. See you around!"
Tumango na lang ako. Ang gwapo niya. Ang sarap pagmasdan ng maamo niyang mukha. Sana lang ay hindi niya ako nahalata kanina.
Pumasok na ako sa room namin at naghihintay na lang ng pagdating ng aming professor.
Maya-maya...
"Eyyy! Chikko! We're classmates?"
Nagulat ako at bigla akong napaunat sa upuan.
"Ohh! L-uke, right?"
Tumango at ngumiti siya. Eto na naman siya.
"I was late to enroll here. I came from the U.S."
"Ah kaya pala."
"What?"
"Oh sorry, you can't understand Tagalog yet."
"Yeah, not much... So I need your help on that..."
"Hahaha. Sure."
Ewan ko rin ba. Kapag englisero ang kaharap ko ay awtomatiko akong napapa-ingles. Alam ko kasi noong bata ako ay naturuan akong magsalita nito bukod sa Tagalog kaya nakaka-intindi at nakakapagsalita ako nang hindi nahihirapan.
"You're also an American, right?" tanong nito sa akin. Kaya niya siguro ako gustong makilala.
"Uhmmn. Half. Half-Filipino half American."
"Me, half Italian, half American."
Kaya pala ang gwapo mo.
"Where are you staying here, bro?"
"Ha?"
Sasabihin ko bang sa iskwater ako nakatira?
"Ahmm. Just nearby..."
"Can you help me find a place to stay? Maybe a condo or an apartment? Currently I'm staying in a hotel."
"Really? That will cost you a lot. Okay, later after class we'll look for one, okay?"
"Thanks, bro! You're really kind."
Basta ikaw!

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanficBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...