***Cheska's POV***
Tinawagan ko si Papa para ipaalam din ang nangyari kay Mommy Ninang. Sobra din itong nag-alala. Gusto niya nga ring pumunta ng Cebu pero sinabi kong may plano sina Dale na ilipat agad si Mommy Ninang sa Maynila pagkatapos ng operasyon nito.
Mas maiging doon na lang niya ito dalawin. Sumang-ayon na rin siya basta't i-update ko lang daw siya sa mga nangyayari. Mommy Ninang is a dear friend to Papa.
Nanatili naman kami sa private room habang inooperahan si Mommy Ninang. Si Tito Edward naman ay mas piniling sa labas mismo ng operating room maghintay.
Lumabas ako saglit para sana magpahangin pero nadaanan ko si Tito Edward na nakaupo sa isang upuan sa gilid ng aisle.
Tatlong oras ng nasa loob ng operating room si Mommy Ninang at alam kong hindi na rin siya mapakali.
Sobrang haggard na ng itsura niya at namumugto pa ang mga mata. Malayo sa seryosong businessman na kilala ko.
Hindi pa rin yata siya kumakain simula ng dumating sila.
Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Naiintindihan ko rin naman ang kanyang pinagdadaanan. Lalo na't alam kong siya ang sinisisi ng lahat sa mga nangyari.
Di ko na napigilan ang sarili kong lapitan ito. Kahit papaano ay kaibigan pa rin naman siya ni Papa at tatay naman siya ni Dale.
"Ahm... T-tito... Tito Edward..."
Umangat naman siya ng tingin.
"K-kain po muna kayo... or magpahinga po muna kayo doon sa room."
Tinignan niya lang ako. Pero parang nadurog ang puso ko nang makita kong biglang pumatak ang mga luha nito.
This is the first time na nakita ko ang weak side ni Tito Edward. Nakilala ko na siya bilang napaka-seryoso at matatag na tao. Ngunit kabaliktaran sa ngayon.
"She'll make it, right?..... I hope she'll make it..." tanong niya sa akin at tuluyan na itong napaiyak.
Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko sa kanya. Punong-puno ng pangamba ang mga salita niya.
I tapped his shoulders. Nag-alangan ako noong una pero mas nanaig sa akin ang awa para dito.
Napaluha na rin ako.
"Wag na po kayong mag-alala Tito.. Gagaling po siya... Kayang-kaya po iyan ni Mommy Ninang..." pagbibigay ko ng lakas ng loob sa kanya. I know he's breaking down.
"Hindi ko kakayanin..... kapag nawala siya.... o ang... ang baby namin... Hindi ko kaya...."
Nagulat ako sa sinabi niya. Tama ba ang dinig ko? Baby?
"Po? Ano po ulit ang sinabi ninyo?"
"We... We're having a baby... Buntis ang ninang mo... Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ang isa man sa kanila... I'd rather die... keysa mawala ang mag-ina ko..."
Hindi ako makapaniwala. Kaya din siguro naging masyadong emotional si Mommy Ninang nitong mga nakaraan dahil buntis pala ito.
Magkakaroon pa ng maliit na kapatid si Dale... Nakakatuwa naman sana... Pero sa kabilang banda ay nakakalungkot dahil nasa bingit pa rin sila ng kamatayan... Wala pang kasiguraduhan.
"I pray that they'll survive. Kahit ako na lang ang mamatay... wag lang sila..." at umiyak na naman ito.
"Tito... Don't say that... Makakaya iyan ni Mommy Ninang. We know how strong she is... Lalo na't may baby na pala ulit kayo... Alam kong lalaban siya... And they will need you on that... Mas higit ka po niyang kailangan ngayon Tito Edward. Don't give up on them... like what you did before..."

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...