***DJ's POV***
Ngayon lang ako isinama ni Tito Marco sa site. Sa may bandang Quezon province ito.
"Gabi na tayong makakabalik nito. Di ka ba nagsisisi na sumama?"
"Why should I, Tito? Matagal ko na po 'tong hinihintay."
"Grabe rin ang obsession mo sa engineering, noh. 'Musta na nga pala ang kaibigan mo?"
Saglit akong natigilan. Ngayon nga pala ang dating ni Tito Blake. Hindi ako sumama kay Cheska para sunduin ito. Gusto kong magkaroon sila ng quality time na mag-ama. Kausap ko si Tito Blake bago binigay kay Cheska ang flight details nito.
"Ahm Tito, do you happen to know Cheska?"
"Cheska.... Cheska.... Ito ba iyong kalaro mo nung maliit ka? Why? Nasaan na nga kaya ang batang iyon? She used to be in our office.. Madalas iyon dalhin dati ni Chery sa trabaho."
"Chery? Right Tito.. anak nga siya ni Tita Chery... Siya po iyong sinasabi kong kaibigan ko ngayon."
"What?! Really? Eh di ba nawawala sila? I really don't know what happen. Bigla na lang noon nag-resign si Chery sa opisina. She used to be your mom's secretary tapos naging secretary din ni Luis nung umalis ang mommy mo... Paano kayo nagtagpo? Saan? Kumusta na siya?"
"She's fine Tito, by now masaya na po iyon. Finally magkikita na sila ni Tito Blake.."
"Oh si Pareng Blake... You mean umuwi siya ulit dito? Kailan pa?"
"Today po."
"Matagal ding hinanap ni Blake ang mag-ina niya. Pag umuuwi siya ng Pilipinas, pumupunta rin siya sa opisina... Nagbabakasakaling bumalik sa pagtatrabaho doon si Chery.. Kaso hindi... Never na siyang nagpakita. Di niya naman nakwento kung bakit sila naghiwalay.... Ang hirap naman kasi ng long distance relationship."
Hindi ako nakapagsalita. Swerte pa rin pala ng parents ko. Kung nasaan si mom ay laging nandoon din si dad.
"I'm glad to know that. Magkakasama na ang mag-ama. Pero bakit si Cheska lang? Nasaan daw si Chery?"
"Hindi rin po alam ni Cheska. May umampon daw po sa kanya noong umalis siya sa bahay nila."
"Umalis? You mean nilayasan niya si Chery?"
"Sad story, Tito... Tita Chery had a relationship with someone noong naghiwalay ata sila ni Tito Blake.. then Cheska's stepfather was a drunkard... Sinasaktan niya si Tita Chery and si Cheska... Til the time came na papatayin ata si Cheska kaya pinatakbo siya ng mama niya para tumakas... Then everything is history.."
"Oh... Never heard of it. Kawawa naman pala ang mag-ina lalo na si Cheska. Swerte niya mabuting tao ang nakapulot sa kanya?"
"Yeah. But her Nana passed away two years ago... kaya binuhay niya na lang ang sarili niya..."
"Grabe... Kawawang bata. Parang nanay mo lang... Ang daming pinag-daanan noon... But she survived... Really a tough woman."
Bigla niyang ikinumpara si mommy kay Cheska.
"Your friend is a great woman... I'll bet on that... Dapat ganyang mga babae ang hinahanap mo."
"Eh sabi mo po mahirap ma-bestfriendzone?"
Tinignan niya ako saka pilit na ngumiti.
"Iba-iba naman ang kapalaran ng tao... try your luck!"
"Hay naku, Tito."
Nakarating kami sa project site.
Nakita ko ang ginagawa nilang spillway sa tabi ng lawa.
Ang ganda ng lugar... Katabi nito ang bundok na sobrang green dahil sa mga puno.
"Tumataas kasi ang tubig dito kapag bumabagyo... kaya importanteng malagyan ng spillway. Parte pa ito ng Laguna Lake."
Napahanga ako sa mga trabahador ni Tito Marco. Sobrang sipag ng mga ito at walang tigil sa pagtatrabaho... Kahit yata walang nagbabantay ay tuloy tuloy itong nagtatrabaho.
"Engr... nandiyan po pala kayo."
"Mang Erning. Kamusta po?"
"Eto malapit na ring matapos... Bago mag-Byernes ay tapos na ito.."
Head Foreman si Mang Erning sabi ni Tito.
Nag-inspect lang si Tito Marco at kinausap ang ibang mga trabahador.
Maya-maya ay nagyaya na itong umalis.
"Balik na tayo... Baka gabihin tayo sa dahil sa traffic. Sige po, Mang Erning. Kayo na po ang bahala dito."
"Opo Engr. Mag-iingat po kayo."
Gabi na nang makarating kami ng Maynila.
Bago ako pumasok sa gate ay tinanaw ko ang kabilang bahay. May ilaw na sa labas nito. Malamang nandito na sila.
Bukas ko na lang sila kukumustahin.
I feel a bit lonely nang makapasok na ako sa bahay.
Wala na akong kasama. May sarili na rin siyang bahay.
Wala na akong kasabay kumain. Wala ng magluluto para sa akin. Wala ng mangigising sa akin sa umaga.
I feel a sudden emptiness... Lalo na nang mapadaan ako sa kwartong inuukupa niya noong mga nakaraang araw.
Binuksan ko ito at napangiti ako nang makita ko ang ilan pa sa mga gamit niya. Pati ang mga libro ay nandirito pa rin.
Tumuloy na rin ako sa kwarto ko at binuksan ang ilaw. Lumabas ako ng terrace. Nagbabakasaling nasa dati niya siyang kwarto na katapat lang ng akin.
Pero nanlumo ako dahil nakapatay ang ilaw. Marahil ay tulog na ito o sa ibang kwarto siya tumuloy.
Wala pa man din ay nami-miss ko na ito. Bigla akong nagsisi na hindi ko siya sinamahan sa airport.
Nagpasya akong pumasok na at isinarado ko na rin ang sliding door. Pagkatapos kong mag-shower ay nagdecide na akong matulog. Nakakapagod din iyong biyahe kanina.
Pero bago ako natulog ay may kinuha ako sa cabinet. Matagal itong nakatago doon.
Isang malaking light blue teddy bear na may nakasulat sa harapan nito.
Isang guhit ng puso at nakasulat sa loob nito ay, Ma. Franchesca Thompson.. ang kanyang pangalan.
Mayroon din siyang ganito... Eto iyong Christmas exchange gift namin noong maliliit pa kami. Madalas kasing nagsa-salo-salo kami tuwing Pasko. I don't know if it's mom's idea na bilhan kami pareho ng teddy bear na may nakasulat na mga pangalan namin... at nagpalit kami... Nasa kanya ang pink at naka-sulat doon ang pangalan ko.
"I'll kiss you if you won't stop pinching me..."
Naaalala kong sabi ko sa kanya noon.
Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto at natulog akong may ngiti sa labi habang yakap ko ang teddy bear.
---
Nagising ako sa lakas ng ring ng cellphone ko.
Aabutin ko na sana ito pero may narinig akong tila nambabato sa glass door.
Binuksan ko ito at agad lumabas ng terrace. Umaga na pala.
"Hoy! Anong petsa na? Anong oras mo na naman balak gumising?!"
Nagsisigaw ito habang hawak ang cellphone niya at tila may hawak pa ito sa isang kamay.
Binato niya ang sliding door para magising ako... At siya rin malamang ang walang habas na nagpa-ring ng cellphone ko.
Napapa-iling na lang akong napapangiti.
Naka-pajamas pa rin siya.
"Punta ka dito! Breakfast na tayo. Kanina ka pa namin hinihintay ni Papa."

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanficBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...