Chapter 19

654 61 7
                                    

***Cheska's POV***

Sobrang sama ng pakiramdam ko pag kagising pa lang. Naalala ko kaninang madaling araw na dinalaw na naman ako ng bangungot na iyon. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

Nagawa ko pa ring magluto ng almusal kahit nanghihina ako.

Nang matapos ay kinatok ko na si Dale. As usual ay mahirap itong gisingin.

Nakailang tawag ako bago ito sumagot, napaos na yata ang boses ko.

Tahimik kami nang kumain hangang sa makarating kami ng school.

"Ingat sa pag-uwi Tsiko."

"Kaw din."

Nag-commute lang kami kasi dideretso pa siya sa kompanya ng Tito niya pagkatapos ng klase.

Natapos ang una, pangalawa at pangatlo kong klase pero nanghihina na ang pakiramdam ko. Wala pa man din si Luke ngayon, nagtext na dumating daw ang mommy niya.

Hindi na ako pumasok sa last subject at dumiretso na ako ng uwi. Feeling ko ay nasusuka na ako at anytime babagsak na ako. Bukas na ako magpapaliwanag kay Alex at kay Mrs Chua kung bakit hindi ako makakapasok.

Nagtext ako kay Dale na sa labas na lang din siya kumain mamaya dahil hindi ko kayang magluto sa sobrang sama ng pakiramdam ko.

Pagkapasok ko ng bahay ay inilapag ko na lang ang bag at hinubad na ID sa salas at nanghihina akong umakyat ng kwarto.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na ito inintindi.

Bagsak ang katawan ko sa higaan. Parang umiikot ang paligid sa paningin ko. Nagawa kong hubarin ang contact lense ko pero hindi na ako nakapagpalit pa ng damit.

Di ko na alam pero nakatulog na lang ako.

***DJ's POV***

She's sick. Agad kong naisip nang mabasa ko ang text niya.

Kaya pala ang tamlay niya kanina. Sana hindi na siya pumasok.

May gamot na kaya iyon?

I decided na pumunta ng drugstore pagkatapos ng klase at bumili ng gamot. Nagtake-out na din ako ng lugaw at iba pang pagkain sa isang resto bago umuwi.

Hindi na lang muna ako tutuloy sa work. I texted Tito Marco at um-okay naman ito.

Tinawagan ko si Tsiko pero hindi nito sinasagot ang phone. Lalo akong kinabahan.

Nagmamadali akong umuwi dahil baka sakaling nasa bahay na siya. Di naman niya sigurong iisipin na pumunta pa ngayon sa tindahan para magtrabaho.

Pagkapasok ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa dining para ilagay ang mga pagkain. Namataan ko ang gamit niya sa sala kaya alam kong nandito na siya. Medyo nakahinga na ako ng maluwag.

Ba't niya iniwan dito ang bag niya? Not the usual Tsiko.

Kinuha ko ang bag niya at balak kong iakyat ito pero nahulog ang school ID niya. Di ko mapigilang hindi tignan ang laman nito.

Dela Cruz, Cheska
BS in Civil Engineering-1

Biglang binundol ng kaba ang dibdib ko.

Imposible! Hindi kaya? Pero imposible!

Thompson ang apelyido ni Tito Blake. Ma. Franchesca Thompson ang pangalan ng bestfriend ko.

Pero nang tignan ko ang picture niya ay napanganga ako.

The blue eyes! Her blue eyes! Hindi ako maaring magkamali!

Di ko alam kung bakit pero napaluha ako.... Sa saya? Ewan pero tuloy-tuloy ang luha sa mata ko. At ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Tsiko! Asan ka? Tsiko?" tawag ko sa kanya.

Nanlalabo ang matang inakyat ko ang hagdan....

***Cheska's POV***

Nagising ako sa tawag ni Dale. Nandito na siya?

Nanghihina akong lumabas ng kwarto at nakita ko siyang papaakyat ng hagdan.

Pero bigla na lamang itong nawalan ng balanse.... at tila mahuhul-----

"Noooooo!!!! DDJJJJJJJJ!!!!!!!!!" Di ko mapigilang mapasigaw.

Biglang may memoryang pumasok sa utak ko.

"Noooooo!!!! Mommy Ninang!!!! Mommy Ninang!!! Mommy Ninang!!!! Huhuhuhu! Mommy Ninang!!!!!"

Nagsisigaw na ako at hindi ko na alam ang nararamdaman ko...

Napaupo ako at nagtakip na ako ng tenga dahil ang dami ko ng naririnig na sigawan...

"Mommy Ninang!!! Mommy Nina---" di ko mapigilang magsisigaw. Nakikita ko siyang nahuhulog ng hagdan. I can't stand the scene.

"Tsiko! Hey Tsiko! What's happening to you?"

"Si Mommy Ninang! Si Mommy Ninang! She fell off! She fell off!"

Niyakap niya ako habang nakabaluktot ako at nakatakip sa tenga. Iyak pa rin ako ng iyak.

"It's okay... It's okay now." ang tanging naririnig ko sa kanya.

Suddenly nawalan ako ng malay.

***DJ's POV***

This scene also happened more than ten years ago.

I can still see her reaction, her same reaction when mom fell off the same stairs.

Tsiko passed out kaya dinala ko siya sa room niya.

My poor bestfriend... Pero bakit nga ba itim ang mata niya lately?

Idinilat ko ang isang mata niya pero nagulat ako dahil blue na uli ito.

Hindi kaya? My questions were answered when I saw a pair of contact lenses sa ibabaw ng side table.

All along kasama ko na ang childhood bestfriend kong si Cheska nang hindi ko pa alam...

Mapaglaro talaga ang tadhana.

Napaluha ako ng titigan ko siya.

She used to pinch my face and nose. At magtatakbuhan kami sa buong bahay maghapon.... dito at sa bahay nila.

Pero bakit tila wala siyang naaalala? Nakita niya na ang bahay nila pero hindi niya naalala.

I touched her face... her innocent face... pero bigla din akong napaso.

Oh shoot! Ang taas ng lagnat niya. May sakit nga pala ito.

Di na ako nagdalawang isip na dalhin siya sa hospital. Tinawagan ko si Tita Patricia na sumunod na lang.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon