***Cheska's POV***
Naka-receive ako ng text message galing kay Mommy Ninang.
May pupuntahan daw kami after class. Sinabi niyang dadaanan na lang nila ako ni Papa sa eskwelahan.
Maya't maya ay si Dale naman ang nagtext.
'Tsiko.. I won't be able to join you. But please let me know what will happen, okay? Anyway Mom and Tito Blake will be with you. Take care, pre. Don't forget to text me... please....'
Sinagot ko lang siya ng 'okay' at naghintay na rin ako ng uwian.
Nag-aabang na ako kina Papa sa gate nang biglang tumabi sa akin si Angel, ang bago naming kaklase.
"There you are. Who really are you? Why are you so close with my ex-boyfriend?" ang mataray na tanong nito.
"What? Who?"
"Di mo kilala ang ex-boyfriend ko? Nilalandi mo pero hindi mo kilala?" nagulat ako dahil marunong naman pala itong mag-Tagalog. Sabagay mas halata ang Filipina features niya kesa pagiging... ewan ano nga ba ang half niya?
Pero nakakapag-pantig talaga ng tenga ang sinabi niya.
"Hoy! Watch your big mouth! Kung ang tinutukoy mo ay si Luke, we're just friends... and as far as I know eh kayo pa rin naman. Tsaka ano bang problema mo? Kaw maysabi EX mo na? Oh eh may pakialam ka pa sa kanya?"
Nag-iinit ang ulo ko. Kasing-init ng tanghali dito sa waiting area sa labas ng school.
"Yeah he's my EX now pero ayokong nakikita siyang nakikipaglandian sa kung sino-sino lalo na sa mga katulad mo na nagpapangap lang. I know what you are."
"Excuse me? You know what? I don't have time dealing with other people's insecurities.. So please... umalis-alis ka sa harapan ko kung ayaw mong ingud-ngod ko iyang bibig mong kasingkapal ng mukha mo dahil sa make-up."
"How dare---" bigla itong napatigil.
"Cheska! Baby... What's happening?"
Si Papa nakita niya ang pakikipag-talo ko sa malanding isda sa harapan ko.
Hindi na nakapagsalita si Angel at nangigigil na umalis, sabay tingin ng madilim sa akin. Sa halos isang taon ko sa eskwelahang ito ngayon lang ako naka-engkwentro ng ganito.
"Baby, what's that?" ulit ni Papa.
"I don't know either, Papa. She just came here and bugged me."
Nakaka-buwisit talaga! Akala mo anghel ang mukha. Akala mo confident sa ganda. May itinatago rin palang sako ng insecurities sa buhay. Hayss.
"Careful with the bullies."
"Oh I'm not gonna let anyone bully me, Papa. I'm the bully here."
Natawa na lang siya.
"Come on, your Mommy Ninang is waiting in the car."
Wala kaming idea kung saan kami dadalhin ni Mommy Ninang. Siya ang nag-drive ng sasakyan. Nag-alala pa nga ako kasi alam kong recently lang siyang nakapaglakad ulit ng normal.
"Baby... prepare yourself." si Mommy Ninang. Hangang ngayon baby pa din ang tawag niya sa akin.
Nagpunta kami sa tila isang maliit na hospital.
Sino naman kaya ang pupuntahan namin dito?
Dumiretso kami sa isang pribadong kwarto.
Nasilip ko agad sa maliit na salamin sa pinto ang babaeng nasa loob. Nakatalikod ito at nakaupo lang sa gilid ng kama. Tila tulala? Naka-hospital gown siya. Sobrang payat ng babae at tila may kaitiman ito.
BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...