Chapter 20

676 67 10
                                    

***DJ's POV***

Nakahiga na sa hospital bed si Tsiko. Under observation pa rin siya. Kinuhanan na siya ng lab samples at hinihintay ko na lang ang result.

Ngayon ay payapa na siyang natutulog. May dextrose lang na nakakabit sa kamay nito.

Hinihintay ko rin si Tita Pat na hangang ngayon ay wala pa din.

Nang biglang bumukas ang pintuan.

"Sino ba ang sinugo----"

Napanganga si Tita Pat nang makita si Tsiko sa kama.

"DJ? Umamin ka! Kailan pa ito? Nakabuntis ka na kaagad? OMG! Patay ako nito sa nanay mo! Sabi ko na nga ba eh! Dapat hindi kita pinayagang tumira mag-isa----"

"Tita!" I cut her off.

"Ano?"

"Sorry.... Tita hindi po siya buntis at lalong hindi ko siya girlfriend."

"Eh ano iyan?"

"Di mo ba siya nakikilala?"

"Sino siya?"

"Lika." Aya ko kay Tita sa tabi ni Tsiko.

Iminulat ko ang isang nakapikit na mata ni Tsiko.

"See that?"

"OMG! Wag mong sabihing----?"

"Yes Tita Pat. I found her. Pero wala pa siyang maalala. Wag ninyo po munang sasabihin sa kanya. Let's wait hangang maka-alala siya. I know something happened to her kaya wala siyang memories ng nakaraan niya."

"Kawawa naman pala si Cheska. Naku naaalala ko na naman ang kakulitan ninyong dalawa noon."

"Ssshhh baka marinig ka niya Tita. Please, let's pretend na di pa natin alam okay? Please?"

"Ikaw ang bahala. Pero nasabi mo na ba ito sa nanay mo? Tsaka kay... sa daddy niya?"

Umiling lang ako.

"Ako na po ang bahala doon, Tita."

"Okay.... Pero alam mo, ang ganda-ganda niya na. Parang artista sa Hollywood, tipong Kendall Jenner ba iyon na hinaluan ng Mary Dale."

"Hahahaha. Si Tita. Isinali mo pa si mommy."

"Oo may hawig siya kay May... Baka pinaglihihan siya ni Chery noong nagbubuntis siya..."

"Yeah may instances talaga na hawig niya si Mom. Pati na ang ugali niya."

"Hmmmnnn. Sus! Mukhang eto na! Di ba sabi mo kapag nakakita ka na ng tulad sa mommy mo......"

Natahimik ako sa sinabi ni Tita.

Yeah, I told her that.

Si Cheska na nga ba?

Pero naalala ko ang advise ni Tito Marco.... 'Tigilan mo ang bestfriend bestfriend na yan... masasaktan ka lang.'

"Oh natahimik ka?"

"She's my bestfriend, Tita. Alam mo iyan.... And.... she's a tomboy."

"Ano??!!! Sa gandang iyan, tomboy? Naku pamangkin! Hindi ako naniniwala. Believe me.... di siya tiborsiya."

"I've been with her for two weeks na Tita and she really is..., maganda rin po ang hanap niya."

"Let's see..." Di talaga kumbinsido si Tita Patricia.

Matagal nitong pinagmasdan si Tsiko.


***Cheska's POV***

Nagising ako sa puting kwarto...
Saan ba ito?

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon