***Cheska's POV***
Tok! Tok! Tok!
Agad kong binuksan ang pinto ng aking kwarto.
"Ahm. I ran out of Codie's diapers.. I need to buy---"
"Ako na. I mean... Let me take care of it. I'll be buying some groceries, too."
"Are you sure?"
"Yup. There's a lot of grocery stores nearby so it's fine."
"Thanks!"
Nagpalit lang ako ng damit at lumabas na ng bahay para pumunta sa malapit na grocery stores.
Pagkalabas ko ng gate ay siya namang tila pagpasok ng isang tao sa kabilang bahay.
"Cheska? Baby!"
Si Mommy Ninang.
"Mommy Ninang!"
Nilapitan ko siya at hinalikan. Niyakap naman agad ako nito.
"Hindi ko alam na nandito ka?! Kailan pa kayo diyan? Asan si Blake at Mama mo? Namiss kita!"
"Namiss din po kita Mommy Ninang! Ahm... Kahapon lang po. Sina Mama susunod after ng Holidays po. Nag-ha-honeymoon pa sila sa Paris, hahhaha."
"Kaya di ka sumama? Hahahaha. Kaw talaga! Halika! Gusto kong makita mo si Catelyn."
"Wahhhhh. Si Catelyn?! OMG! Sige po! Sige po!"
Agad nitong kinuha ang kamay ko at hinila na ako papasok ng bahay.
I'm more than excited to see her baby. Noon pa man simula nang ikwento sa akin ni Laurent ang tungkol kay baby Catelyn.
Dahil sa excitement ay nawala sa isip kong hindi lang si Catelyn ang makikita ko sa kabilang bahay.
"Baby Catelyn! Come on! Here's your Ate! Meet your Ate Cheska!"
Sigaw ni Mommy Ninang na nagpalingon sa lahat ng naroon sa loob ng bahay.
Hindi ko na tinignan kung sino-sino man iyon dahil agad na tumakbo papunta sa akin ang tinawag ni Mommy Ninang.
"Ate! Ate!" sigaw nito habang tumatakbo.
"Hello ganda! Ang laki laki mo na! Lika!"
Agad ko itong kinarga. Tuwang-tuwa naman siya. Tinititigan nito ang aking mga mata. Dahil siguro sa kulay nito.
Maya-maya naman ay pinaglalaruan na nito ang buhok ko.
"Ate gan-da..."
"Hmmmnnn. Mas maganda ka! Ang cute cute mo!"
"Ehem! Cheska, ba't di ka muna maupo?" nagulat ako sa tawag ni Tito Edward.
"Tito Edward! Ay sorry po. Nakakaaliw kasi tong si Catelyn. Hi po! Hello po sainyong lahat."
Lumapit ako para humalik dito. Nilapitan ko din ang sa tingin ko'y mama at papa ni Tito Edward. Nagmano ako sa mga ito.
Napatingin ako sa nakaupong si---
"Dale..." iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Katabi nito ang isang magandang babae na nakahawak sa mga kamay nito.
"Hi!" bati ko sa babae.
"Hi." sagot naman ng babae.
"S-siyanga pala Cheska... Si Tiffany... girlfriend ni DJ..." si Mommy Ninang.
Biglang natahimik ang lahat sa loob ng bahay.
Tila may dumaang anghel.
"N-nice to meet you, Tiffany.." pambabasag ko ng katahimikan at pilit na ngumiti.

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanficBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...