***Cheska's POV***
Hindi ako matahimik dun sa aksidenteng pagkikita namin ni Tito Edward.
Sobrang nag-aalala ako ngayon kay Mommy Ninang. Sabi ni Tita Pat ay nasa malayo daw ito. Malamang nag-iisip.
Alam ko na ang pinagdadaanan niya at naaawa ako sa kanya.
Si Dale kaya may alam? Pero sinabi naman nung mommy ni Angel na nakakausap na nila si Dale so I assume alam niya rin ang nangyayari.
Hayyzz. After all ng pinagdaanan nila eto na naman ang bagong dagok sa buhay. I felt sorry especially for her. Napakabait nito para dumanas ng ganoong klaseng sakit. If I was her, baka sinugod ko na ang mag-inang bruhang iyon at pinagsasampal. Kakagigil!
Pero parang balewala naman yata ang lahat kay Dale. Mukhang masaya pa nga ito nung sabihin niyang nasa bakasyon si Mommy Ninang. He seemed to be happy about it.
May alam nga ba talaga siya?
Gusto kong tulungan si Mommy Ninang. Makaganti man lang ako sa lahat ng tulong at kabutihang ipinakita niya sa amin lalo na kay Mama. She deserves to be happy. She doesn't deserve to be cheated on.
---
I decided to go back to Mommy Ninang's gallery. Gusto kong makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya.Only Tita Pat is my key dahil mukhang wala akong mapapala kay Dale, lalo naman kay Papa.
Mag-isa lang si Tita Patricia na naabutan ko sa gallery. Wala itong customer na inaasikaso.
"Hello Tita Pat."
"Ay naku salamat naman at binisita mo ko dito ganda."
"Wala din po akong magawa sa bahay. Naisipan ko sanang magpinta kaso.... naalala ko si Mommy Ninang... I'm concerned about her Tita Pat... May sinabi po kasi siya sa akin noong magkasama kami sa mall."
"Anong sinabi niya saiyo?"
"Ahm. Tungkol po dun sa kung sino yung Lizette na iyon sa buhay nila dati..."
"Ikinuwento niya saiyo iyon?"
"Opo."
"Naku. Bibihirang tao lang ang pinaglalabasan ni May ng kanyang sama ng loob. Special ka sa kanya kung ganoon.,, Pero ano pang sinabi niya? Anong reaction niya? Paano niya ikinuwento?"
"Ahm... Nag-walk out po siya noong makausap niya yung Lizzy na iyon pati iyong anak.. Nagkasalubong po kasi kami sa loob ng mall. Tapos kinausap niya si Mommy Ninang. Para kasing sinabi niya na madalas silang magkita ni Tito Edward, tapos sabay nagla-lunch ganoon.. and close na daw pati si Dale sa kanila... Sabi pa nga si Dale daw is actually dating Angel, yung anak po nung Lizzy. Kaya ayun, walk-out si Mommy Ninang tapos nag-break down sa sasakyan."
"Bakit hindi niya sa akin sinabi?"
"Ayaw niya sigurong mapahiya si Tito Edward. I know how much he loves him... Very proud pa naman sa kanya si Mommy Ninang tapos..... tapos.... ganoon lang pala..."
"Salamat sa impormasyon na 'to, Cheska. Kailangang mahanap ko ngayon si May. Di ko nga lang alam kung papaano kasi di niya sinabi kung saan siya pupunta tapos pinatay niya talaga iyong cellphone niya."
"Hay papaano kaya natin siya makakausap?"
"Ay saglit.... Parang alam ko na kung saan siya matatagpuan... Recently kasi nasabi niyang gusto niyang bumalik doon sa Cebu."
"Cebu po? Ganoon kalayo?"
"Hay naku kapag inabot iyon ng depression, nagagawa noon pumunta ng America... Cebu pa kaya?"

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...