***May's POV***
Hinatid kami ni Edward sa clinic ni Dr. Martinez, isa sa mga psychotherapists na kakilala ni Tita Annie.
Isang in-house clinic din ito. Pwede dito magstay ang pasyente habang nasa therapy lalo na iyong mga malapit na sa severe case. Kapag malala na talaga, sa malaking mental institution na sila niri-refer ng doctor.
Umalis din kaagad si Edward para puntahan ang dati niyang kompanya. Tumawag ulit kasi si Daddy Kevin at nagpa-follow up na ng ginagawa ni Edward sa naging issue doon.
---
Pinasama ako ng doctor sa loob ng kwarto habang tsini-chekup si Chery dahil ayaw nitong pumayag na sa labas lang ako maghintay.Nagsimula siyang interview-hin ng doctor.... habang nakikinig lang ako sa tabi niya.
Nalaman kong naabuso siya physically, mentally at emotionally ng kanyang partner pagkatapos niyang umalis sa bahay nila ni Blake. Halos araw-araw daw siya nitong sinasaktan at kinukuhanan ng pera. Hangang umabot ang kwento niya noong pinatakas niya si Cheska at namatay nga sa sunog ang dalawa niya pang anak at tuluyan na siyang tumira at nagpalimos sa kalsada.
Parang ako ang sinaksak sa sakit ng mga pangyayari sa buhay ni Chery. Wala siyang kalaban-laban at walang naging sandigan ng mga panahong nagdurusa siya.
Napaka-swerte pa rin pala namin ni Mama dahil may mga taong dumamay sa amin noong mga panahong dinapuan kami ng matinding depression.
Ngunit kay Chery ay wala. Ang nag-iisang kapatid nito na dapat sana'y dumamay sa kanya ay panay galit pa raw ang ipinakita.
Kawawang Chery....
Di ko mapigilang lumuha habang hawak ang mga kamay niya. Kasalukuyan pa rin siyang nagkukwento sa doctor ng mga nangyari.
Nagsuggest ang doctor pagkatapos, na ipa-inhouse muna si Chery. Sa una ay hindi ito pumayag pero nang sinabi kong dadalhin ko sa kanya si Cheska ay sumang-ayon na rin agad ito.
Sabi ko sa doctor na di naman siya naging bayolente simula ng makuha namin siya pero ang sabi nito ay may mga oras daw na nagiging bayolente ang mga pasyenteng katulad ng kaso ni Chery. Mas maigi raw kung ma-confine muna siya pansamantala para mamonitor.
"Mare, wag kang mag-alala... Maayos din natin ang lahat... Tutulungan kita... Nandito lang ako at ang anak mo para saiyo... Dadalhin ko siya dito baka bukas... Kaya magpagaling ka ha... Sundin mo lahat ng sinasabi ng doctor... Hayaan mo kapag okay ka na.... Magbabakasyon tayo... Kasama ng anak mo. Magsisimula ka ng bagong buhay... Yung masaya..." pilit kong ngumiti sa kanya kahit naiiyak na ako.
Naluluha lang itong tumango.
Nagpa-alam na ako sa kanya at nagpasundo na ulit kay Edward.
---
Tahimik si Edward nang sinundo niya na ako. Tila malaking problema nga ang nakaharap nito sa opisina.Hinawakan ko ang kamay nito at napatingin siya sa akin.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
Tumango lang ito.
"Do you want to talk about it?" tanong ko sa kanya.
"I thought we're here for a vacation... Pero parang lahat problema yata ang pinuntahan natin..." paninimula niya.
"Hindi natin maiiwasan ang mga ganitong bagay, love."
"Dagdag pa iyan si Chery. I know you're her friend but.... May... ang dami din nating problema... I mean..."
"Galit ka ba dahil tinutulungan ko siya?"
"No... hindi ako galit... pero I need you also... Lalo na ngayong sunod-sunod ang problema sa negosyo... I need your support, love... Kaso nandoon sa kanila ang focus mo... I understand that you're helping them... Pero sana i-prioritize mo rin kami... ako..."
Bigla akong natigilan sa sinabi ni Edward. All this time pala ay nababalewala ko na siya. Sila ni DJ. Yun ang pakiramdam niya... Gusto kong sumagot pero di ko magawang magalit... 'coz partly it's true dahil natuon na nga kay Chery ang atensyon ko simula noong makita namin ito.
"I'm sorry, love... yeah alam ko nagkulang ako sayo these days... Pasensiya na... Di ko lang kasi pwedeng pabayaan si Chery... You just don't know how much she suffered bago natin siya nakuha. Feeling ko kung ako iyon, baka tuluyan na akong nabaliw o di kaya'y nagpakamatay na lang..."
"Why? Ano ba talaga ang nangyari sa kanya?"
"She was abused.... physically, mentally, emotionally... ng naging partner niya after Blake. Pati si Cheska ay binalak ng partner niyang patayin kaya at the age of 8 ay pinatakas niya ito at tuluyan ng nawala sa poder niya ang anak niya. She suffered everyday gawa ng lalaking iyon... hangang isang araw ay nasunog daw ang bahay nila at namatay ang dalawa niya pang anak. Then doon na siya nagsimulang maging taong kalsada... and no one helped her kahit iyong nag-iisa niyang kapatid. Hindi na ako magtatakang mawala siya sa katinuan.... Alam natin ang dulot ng matinding depression sa tao... we both suffered it, di ba?"
Bigla niyang itinabi ang sasakyan at hinarap ako.
"I-I'm sorry.... Hindi ko alam... Hindi ko alam na ganoon ang nangyari sa kanila, love... I'm sorry... Yeah... definitely alam ko ang bigat ng pinagdadaanan niya... I don't want other people to undergo such experience anymore... dahil sobrang hirap... I know the pain... Kawawa naman pala si Chery..... at ang batang iyon... I'm sorry kung naging selfish ako... Di ko alam ang nangyari..."
Napatingin ako sa kanya... Somehow ay kita kong natinag na ang galit sa puso nito para kay Cheska.... Sana nga.... because Cheska and Chery need our help...
"Thanks for understanding, love... and sorry na din kasi di kita nadamayan sa mga problema natin... Don't worry tutulungan kita sa mga problema mo sa opisina, okay? Maaayos din natin iyon... Mamaya mag-usap ulit tayo tungkol doon.."
And I gave him a peck on the lips.
"Wag ka na po magtampo ha?"
"Yun lang?"
"Anong yun lang?"
Hindi na ako sinagot nito. His lips covered mine at pinagbigyan ko naman ito. He really needs attention.
Sana mawala na agad ang tampo niya sa akin.
"Wait 'til we get home." bigla nitong bitaw sa akin saka pinaharurot ang kotse pauwi.

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
ФанфикBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...