***DJ's POV***
Sinamahan niya akong magdinner. Nagpa-deliver na lang ako ng pagkain dahil nakakahiya namang paglutuin ko pa siya. Mukhang pagod na masyado sa trabaho. Napakasipag naman ng babaeng ito. I remember my mom in her.
Tahimik lang siyang kumain sa harap ko. Me too, wala akong maisip na topic na pwedeng pag-uusapan. Sabi ni mommy madaldal ako pero ewan ko kapag kaharap ko ang isang ito, parang nawawalan ako ng dila minsan.
I was looking at her intently habang kumakain. Nakayuko lang siya at sunod-sunod ang subo. Akala mo hindi pinakain ng ilang lingo. Pero I'm amused of her. Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap niyang pagmasdan.
"Kumain ka lang diyan. Nako-conscious ako pag may nakatitig sa akin habang kumakain.." she suddenly uttered.
Oh! I thought she's not aware of it.
Nagpatuloy na lang din ako sa pagkain pero di ko mapigilang mapasulyap pa rin sa kanya pag minsan. Di pa rin nito inaalis ang nakabaliktad na cap sa ulo.
"I'm done. Ako na maghuhugas niyan mamaya. Akyat lang ako sa kwarto. Salamat sa pagkain." sabi nito sabay tayo.
"Nope ako na. Okay magpahinga ka na. Ako na ang bahala dito."
Sinundan ko siya ng tingin hangang makapasok ng kwarto. Sobra sigurong napagod. Mukhang wala rin sa mood.
---
It's almost eleven in the evening pero di pa rin ako makatulog. Nasa living room lang ako at nagpapa-antok.
I decided to call mom.
"Mom, what are you doing?"
"Nandito ako sa therapist, love."
"Oh... that's good. Sino po kasama mo?"
"Daddy mo, andun sa labas. May kliyenteng kausap sa phone. Gusto mo kausapin?"
"Wag na po. How are you, mom?"
"Eto medyo masaya... sabi ng therapist sa akin, malapit na raw akong makalakad without any aid."
"Really mom? Wowooohhh!!! Mas happy ako mom! Thanks God!"
"Oo salamat talaga sa Panginoon. Akala ko di na ako gagaling. He's really great, son."
"So papaano iyan, susunod ka dito sa akin pag nakalakad ka na?"
I couldn't contain my excitement.
"Yes, love. Yan ang plano ko. Don't worry malapit na tayong magkita."
"Yeheeyyy! Great to hear that mom. I miss you so much. Sana katabi kita ngayon sa pagtulog."
"Kasi naman ba't lumipat ka na diyan ng mag-isa? Pasama ka kaya kay Tita Pat mo."
"Mom... actually po I'm with a friend. Sorry hindi ko po naipaalam agad sainyo. Wala kasing mauwian itong friend ko, naawa naman ako kaya dito ko muna pinatuloy, parang pinalayas yata sa bahay nila.. Pero maghahanap daw siya ng boarding house sa Thursday. We go to the same school, mom."
"Okay, that's fine. Kawawa naman pala iyang friend mo. Baka mabigat ang pinagdadaanan niya. Okay lang sa akin, love. At least may acquaintance ka na diyan..,, O sige na. Nandito na iyong therapist. Tawagan kita bukas, love."
"Sige, mom. I love you po!"
"Love you more, love. Goodnight!"
Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Lalo pa't nalaman kong mommy is on her final recovery. Makakasama ko na ulit siya.
Umakyat na ako sa kwarto after a while. Pero bago ako pumasok ay may kung anong nagtulak sa akin para tignan ang kabilang kwarto. Nagdalawang isip akong katukin si Tsiko. Malamang tulog na ito. Pero parang may boses akong naririnig pero sobrang hina.

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...