Chapter 10

719 52 4
                                    

***Cheska's POV***

"Let's go to the canteen. I haven't eaten yet." si Luke na hawak-hawak ang tiyan niya.

"Sorry bro but I ate before I went here. I need to go to the library."

"Okay, see you in the classroom later then!"

"Yeah."

Ang totoo ay nagtitipid ako. Ngayon pa na nabawasan pa ng dalawang araw yung trabaho ko... Pambili ko din iyon ng mga gamit sa school.

Pumunta pa rin ako sa library para mag-research. Wala kasi iyong Prof namin sa unang subject. Isang oras din iyon... at least ay hindi nasayang ang oras ko. Ang mahal din kaya ng tuition fee sa unibersidad na ito. Mabuti na lang at full scholarship ang nakuha kung hindi, di ko alam kung kakayanin kong makapagtapos dito.

Isa ito sa mga universities na mataas ang passing rate sa licensure examinations. Dito rin kalimitan ang mga topnotchers nangagaling.

Pero malaki pa ang bubunuin ko. First year pa lang ako... Limang taon bago ko matapos ang kursong kinuha ko. Pero pasasaan ba't makakapagtapos din ako. Maipagmamalaki na rin ako ng mga barkada ko sa lugar namin at sana ay maenganyo rin silang mag-aral at magsikap.

Nagbabasa ako ng libro nang may umupo sa harapan ko. Saglit akong napatigil at tinignan ito.

Isang maganda rin namang nilalang. Dangan nga lang ay halos lumuwa na ang harapan nito sa sobrang fit ng blouse niyang may plunging neckline. Ang pula pa ng mukha at labi dahil sa make-up. Tsk! Hulaan ko ang ikli din ng palda nito.

Tinignan niya ako nang masinsinan. Nakipagtitigan rin ako sa kanya ngunit bigla akong nagulat ng dilaan nito ang kanyang pang-ibabang labi.

Tsk! Kala siguro nito tomboy ako. Wait! Sakyan ko kaya ang trip nito.

Kinindatan ko ang babae ngunit laking gulat ko ulit nang dumukot ito ng papel sa loob mismo ng kanyang dibdib at iniabot sa akin.

"Call me later, lover boy!" at pakendeng na naglakad ito palayo.

Tss! Talandi!

Di hamak na mas maganda ako sa kanya. Iyon nga lang kinulang ako sa hinaharap. Pero alam kong nasa tamang proportion naman ang katawan ko kahit ganoon.

Ano kaya ang itsura ko kapag nakabihis ako ng pambabae? Never in my life na nagpalda ako o nagsuot ng blouse or dress. Undies lang ang tanging pambabae kong saplot.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang may umupo ulit sa aking harapan.

Bigla akong napasimangot nang mapagsino ito.

Ba't dito pa ito naupo?

Nilingon ko ang kabuuan ng library at nakita kong occupied ang lahat ng upuan.

"See, I got no choice."

"I don't care." mataray na sagot ko sa kanya.

Ibinalik ko ang tuon sa pagbabasa nang nagngingitngit.

"You're uncomfortable having me around, yeah?"
sarcastic na tugon nito.

"Tumahimik ka kung ayaw mong upakan kita.... Yeah?!" Ginaya ko ang maarteng accent nito.

He smirked.

May mga araw talagang malas ang mga tao, tulad ko ngayon... Kaharap ko na naman ang antipatiko.

Wala akong choice kung hindi ang lumayo sa lalaking ito. Baka magdulot pa ito ng karagdagang kamalasan.

"See you around.... tsiko."

Ano daw? Tsiko? Sounds like the fruit.... Nakumpirma ko pa ng may ipakita itong hawak-hawak habang nakangisi... walang iba kundi ang prutas na tsiko.

Inirapan ko lang ito at lumabas na ng library.

Papasok na ako ng room para sa sunod na subject ng magkasalubong kami ni Luke sa may pintuan.

"Here. I bought you this."

Naks! Binilhan ako ng pagkain.

"Oh! Thank you."

"You're welcome!" sabay ngiti nito at ginulo-gulo pa ang ulo ko.

Natapos ang tatlo pang subjects, hudyat na uwian na.

Ilang saglit lang din at papasok na uli ako ng trabaho.

"Are you going home now?"

"Nope. I'm gonna work."

"Seriously? Straight from here?"

"Yup! See you, buddy!"

"Alright. Take care! Eat first before working."

"I will. Thanks again."

Ngumiti ito at kumaway na. Nilalakad lamang niya galing school ang condo unit nito.

Nag-abang na ako ng sasakyang jeep papunta sa palengke.

"Hmmnn. Bestfriends huh?!"

Napatingin ako sa nagsalita.

Anak ng!

"Sinusundan mo ba ako?"

"What? Hey! Don't be so assumptive! Who do you think you are para sundan ko?"

Kapal talaga ng mukha ng lalaking ito.

Tumahimik na lang akong nagtitimpi. Maya't maya ay pumara ang jeep sa tabi at sumakay na ako. Di ko namalayang nasa likuran ko pala ito at tumabi pa ng upo sa akin.

"You're not following me..." sabay tingin ko ng masama sa kanya.

Ngumisi lang ito.

"Miss.., I mean Mister... I don't have any intention to follow you. I'm riding this jeepney everyday going home as well."

Parang bigla akong napahiya. Pwede nga naman. Di lang naman ako ang pasaherong sumasakay sa jeep na iyon galing eskwelahan.

Nakasimangot akong tumahimik. Ngunit hindi ako naging komportable sa byahe hangang sa makababa ako sa tapat ng palengke. Tumigil ako at lumingon nang makatawid sa pag-aakalang bumaba din dito. Ngunit nakita ko pa rin siyang lulan ng jeep.

Hayyzz... Nakakainis talaga ang antipatiko na iyon.

Tumuloy na ako sa trabaho.

***DJ's POV***

What is she doing in there? Ba't doon siya bumababa?

Teka? Why so suddenly......? No! Wala akong paki sa tomboy na snatcher na iyon. Malamang doon sila nagkikita-kita sa palengke ng mga kasamahan niya. She could be a part of a syndicate.

"O pamangkin, kumusta ang school? May nakita ka na bang maliligawan?"

"Tita Pat talaga, oh! Wala po. Wala namang maganda sa school namin."

"Weh?! Daming magandang kolehiyala akong nakita noong magpunta ako doon ah? Tsaka sikat iyang school niyo dito sa Pinas."

"I know Tita pero wala po akong magustuhan sa kanila. They're not my type..."

"Mana ka sa daddy mo sa lagay na iyan!"

"Tita..."

"Oo napakasuplado noon sa ibang babae. Ang nanay mo lang ang nakikita noon."

"At least...."

"Papaano ka magkaka-girlfriend niyan..."

"Tita... Darating din iyan.... Wala pa kasi akong nakikitang kasing bait at kasing ganda ni mommy."

"Ayun! Naku! Humanda ka ng maging matandang binata. Dahil walang katulad ang nanay mo."

"I know.... I miss her." Bigla akong nalungkot.

"Eh di tawagan mo. Sigurado ako nagngangawngaw na rin iyon doon dahil wala ka...."

I want to call her pero madaling araw pa lang doon. Baka natutulog pa ito. Maybe later....

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon