***Cheska's POV***
"Ba't nakabusangot ka diyan?" tanong sakin ni Alex habang nagpa-punch ng mga binili ng isang customer.
"Wala naalala ko lang iyong kanina sa school.... Naalala mo pa ba iyong kinuwento ko noong isang araw? Iyong napagkamalan akong snatcher?"
"Oo, bakit?"
"Doon din pala nag-aaral sa school ko ang antipatiko na iyon!"
"Ay talaga? Ano, gusto mo ipatira na natin?"
Napatingin sa kanya ang customer na kaharap ko.
"Baliw."
"Anytime 'pre. Magsabi ka lang. Papaabangan natin yan sa mga tropa. Para maturuan ng leksiyon."
"Yaan mo na. Mukha namang bakla eh. Mag-iiyak pa iyon."
"Mukhang bakla o gwapo?"
"Iyon? Antipatiko iyon! Singsama ng ugali iyong mukha niya."
"Kala ko bibigay ka na eh."
"Hoy, kahit pa si Channing Tatum o si Adam Sandler ang maghubad sa harapan ko, di ako bibigay."
"Sino naman ang mga iyon?"
"Tsk! Wala... mga hollywood actors iyon, pre."
"Ah kala ko may mga ala-superman na sa school ninyo."
Hindi ko na siya sinagot. Kung alam lang niyang madaming gwapo sa university na pinapasukan ko. Hindi ko pa nga pala napapakilala dito si Luke. Isa na iyon.
Bigla ko tuloy naalala kanina....
"Why were you easy on him? He's the one who misjudged me the other day. He said I'm a thief and a snatcher." tanong ko kay Luke nang maka-alis na iyong lalaking iyon.
"He seemed nice. He really might have misjudged you... but he seemed fine."
Di ko alam kung mabait lang ba itong si Luke o nabakla at agad pinanigan ang antipatikong iyon.
"Easy, bro! Don't stress yourself. You'll be seeing him maybe the entire year or years here."
Hayyzz. Kasuya! Sana hindi kami magkita. Malaki naman itong university para magkasalubong kami araw-araw.
Nakakairita lang kasi. Hangang ngayon ganoon pa din ang tingin sa akin ng antipatikong iyon. Walang bahid ng pagsisisi na napagkamalan niya ako. Aba paninirang puri iyon! Ang yabang niya pa, sobra!
Naku! Wag lang siyang magagawi sa lugar namin... Ipapatira ko talaga siya kila Boknoy! Kaso nai-imagine ko ang itsura niya. Mukhang bakla... mukhang iyakin. Baka makita pa lang nito ang mga barkada ko ay tatakbo na agad ito.
"Eyy you're killing him in your mind, aren't you? Hahhaha! Just kiddin' bro! Come on! We're late already."
Napailing na lang ako kay Luke.
"Hoy! Natutulala ka! Daming customer na nakapila hoy!"
"Ay sorry po..."
"Lam mo mag-break ka na. Gutom lang iyan. Ako na diyan."
"Sige. Buti pa nga siguro."
Nag-break naman ako sa canteen.
"Cheska. Nasaan si Alex? Gusto ko kayong makausap."
"Ay ma'am, bakit po?"
"Kasi may mga pagbabago tayong gagawin. Iyong dalawang pamangkin ng asawa ko kasi magtatrabaho na din dito. Eh magiging sobra na kayo kaya kailangan kong magtangal. Eh alam ko naman na nag-aaral pa kayo lalo ka na... Kaya balak ko sana, hindi kita papapasukin na ng dalawang araw. Bale, apat na araw na lang ang magiging pasok ninyo... Yun ay kung okay sainyo... imbes na tangalin ko kayo, iyon na lang talaga ang maiibigay ko... Pasensiya na..."
Bigla akong nalungkot para sa amin ni Alex. Halos sapat nga lang sa akin ang kinikita ko rito... Papaano pa si Alex na may mga kapatid na binubuhay?
"Salamat po Mrs Chua. Pag-uusapan po namin ni Alex mamaya."
Nawalan na ako ng gana buong maghapon hangang sa pag-uwi ko.
"Tisay! Tagay ka muna dito!" sigaw ni Boknoy nang makita niya akong naglalakad pauwi.
"Sige lang mga 'tol. Kailangan ko ng magpahinga. Nakakapagod buong araw..."
"Mukha ka ngang stress. Shot na iyan!"
"Akin na nga..." tinagayan naman ako ni Boknoy ng gin bilog sa maliit na baso. Gumuhit sa lalamunan ko ang init.
"Salamat mga tol! Okay nako. Tamang pampatulog na ito..."
"Ikaw bahala... Sige pahinga ka na.."
Sarap sana magpakalasing. Pero ayoko namang magngangawa sa harap ng mga ito pag nalasing na ako. Baka akalain ng mga ito babae na talaga ako.
Pumasok na ako sa bahay at humilata agad sa sofa.
Hayyy Nana Carmen... Sabay tingin ko sa larawan niya sa ibabaw ng aparador.
Kung nandito lang siya ay sa kanya ako maglalabas ng mga hinaing ko sa buhay.
Napakabait ni Nana sa akin. Itinuring ako nitong parang tunay na anak. Nang makuha niya ako ay nagbalak siyang dalhin ako sa pulisya pero nagbago bigla ang isip niya. Baka daw saan lang ako mapunta at kung ano pang mangyari sa akin.
Pinapalitan niya ang apelyido ko. Dala-dala ko na ngayon ang sa kanya. Ako na si Cheska Dela Cruz.
Normal na bata naman akong lumaki sa lugar na ito. Yun nga lang karamihan ay mga lalaki ang mga kalaro at nakalakhan ko. Iginagalang nila si Nana sa lugar na iyon. Napakabait kasi nito sa mga tao.
Tuwing lingo ay nagsisimba kami at pag may extra siyang pera ay ipinapasyal ako nito noon sa parke malapit sa simbahan.
Nakaka-miss din si Nana lalo na ang masasarap na luto nito.
Di ko alam kung ilang balde ang iniluha ko nang pumanaw ito.
Nagtulong-tulong lang ang barangay para mabigyan siya ng maayos na burol at libing noon kaya laking pasasalamat ko sa mga tao lalo na sa mga tambay sa lugar namin.
Natangap ko na rin na wala na si Nana kaya lalo akong nagsusumikap para maiayos ang sarili kong buhay ng nag-iisa.
Yun nga lang... may problema na naman... Kailangan kong makahanap ng part time job para mapunan ko ang dalawang araw na nawala sa trabaho ko.
Kahit nga pati lingo ay gusto ko pang magtrabaho. Sayang kasi ang oras, wala naman akong ginagawa dito sa bahay.
Nakatulugan ko ang pag-iisip.
"DJ, be careful! Wag sa may hagdan, baka mahulog kayo."
Naririnig ko na naman ang boses na iyon.
"Mayyyyyyy!!!! Noooo!!!!!!"
Napabangon ako sa higaan. Pawis na pawis na naman ako.
Bakit ba ako laging binabangungot? At pare-pareho ang bangungot ko... Ano kaya ang ibig sabihin noon?
Tumayo ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Maya-maya ay parang naramdaman kong sumakit ang mga mata ko.
Nakalimutan ko nga palang hubarin ang contact lens. Bawal nga palang itulog ito.
Agad kong tinangal ang mga ito at nilinis at tsaka muling bumalik ng higaan.

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanficBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...