***Cheska's POV***
Hindi pa rin nagigising si Mommy Ninang. Malapit ng mag-24 hours pagkatapos ng operation niya. Lahat kami ay naka-antabay sa paggising niya.
Lahat puyat. Si Tito Marco at si Tita Pat ay nakaupong natutulog sa isang couch. Kami naman ni Dale ay sa kabila. Ako ang nakaupo at siya naman ay payapang naka-unan sa mga binti ko. Di rin naman ako makatutol dahil wala na rin itong ibang mahihigaan. Kahapon ay siya ang nasa upuan sa tabi ni Mommy Ninang.
Ngayon ay si Tito Edward ang nandoon na nakabantay. Magdamag na yata ito doong nakaupo at nakahawak lang sa kamay ni Mommy Ninang. Ni hindi ko ito napansin na umidlip man lang.
Sa tuwing titignan ko sila ay para akong nanonood lang ng isang nakakalungkot na eksena sa pelikula. Isang lalaki na puno ng pagsisisi sa tabi ng nakaratay na asawa... naghihintay ng paggising nito para humingi ng tawad.
"May...?" bigla kong narinig ang boses ni Tito Edward. Kaming dalawa lang ang gising sa mga naroon.
"May...?" inulit niya ito.
"Tito Edward?" at tumingin siya sa akin.
"She moved her hand... I felt it."
Umalis ako upuan at inayos ang higa ni Dale. Pumunta ako kina Tito Edward.
"I felt her hand move..."
Tinignan ko si Mommy Ninang pero hindi pa rin ito gumagalaw.
"Hintayin na lang po natin Tito Edward... Baka maya-maya gigising na po siya.."
Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ni Mommy Ninang at hinalikan ito sa noo. Ang sweet niya.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.
Maya-maya ay nag-ring ang phone nito.
Sinagot naman niya ito na hindi man lang yata tinignan kung sino ang tumawag.
"Lizzy?"
Bigla akong napatingin sa kanya at tumingin din siya sa akin. Na-curious ako bigla sa usapan nila.
"What? Where are you? Hospital? Anong nangyari sa baby?"
Parang kumabog ang dibdib ko na hindi ko maintindihan.
"Don't stress yourself too much, okay? As much as I want to... Pero hindi pwede dahil nasa hospital din si May... We're here in Cebu... I can't... Sorry but I can't..."
Hindi ko masyado maintindihan ang usapan nila.
"Lizzy... You know I can't.., I'm waiting for May to be awake... Sana magising na siya... Look Lizzy.,, I hope you understand... Oo pupunta ako diyan... as soon as maging stable na ang condition ni May... Yeah... tell your Dad.,.. Okay.,, Bye.."
Ibinaba niya na ang phone. Ngunit pareho kaming nagulat dahil nakatayo na pala si Dale sa tabi ko at tila nakinig din sa pakikipag-usap ni Tito Edward.
Tinignan ko ito at puno ng galit ang mga mata niya. Hindi siya nagsasalita pero I could feel the building tension.
"Son.."
Pero tila hindi siya narining nito.
Tumabi ito sa kabilang side ni Mommy Ninang at umupo.
"Mom... gising ka na please... I love you and I miss you Mom... gumising ka na...."
Para akong maiiyak sa ginagawa ni Dale.
Pero maya-maya lamang ay nakita kong gumalaw ang kamay nito sa banda ni Tito Edward.
"May?"
Hangang sa unti-unti na siyang nagmulat ng mata...
"May... You're awake!..."

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...