Chapter 83

584 46 10
                                    

***DJ's POV***

We let Tiffany rest for a while. Gamit niya ang guest room na dating na-occupied ni Tsiko.

Hayyss! Tsiko na naman...

Umakyat na rin ako ng kwarto pagkatapos kong makipaglaro kay baby Catelyn.

Walang nabago sa kwarto ko bukod sa bagong palit na beddings at kurtina. Naroon din sa ibabaw ng kama ang blue teddy bear na lalong nagpapa-alala sa akin ng nakaraan.

I picked it up at naisipan kong itago na lang ito. At least mabawasan man lang ang mga memoryang pilit na nangingibabaw sa aking isipan. Parang naninikip ang dibdib ko habang inilalagay ito sa loob ng malaking closet.

Nagbihis ako at pagkatapos ay humiga na.

Ngunit tila lalo lang akong nahuhulog sa malalim na pag-iisip.

Naisipan kong bumangon at tumambay na lang sa terasa.

Di ko mapigilang pagmasdan ang kabilang bahay.

Parang buhay pa rin ito kahit walang nakatira. Siguro dahil magaling ang nagmi-maintain ng kaayusan ng buong bahay at ng bakuran nito.

Ngunit biglang napako ang tingin ko sa sliding door sa katapat na kwarto ng terasa.

Bakit tila may tao sa loob?

My heartbeat suddenly becomes abnormal.

Hindi.

Hindi naman siguro.

Ang alam ko kasi nasa America na sina Tito Blake nakatira.

Hayysss.

Dahil lang siguro ito sa sobrang pag-iisip ko kay Tsiko at ngayon ay tila minumulto na ako.

Pero bigla na lang akong nagulat nang magbukas ang sliding door na iyon at iluwa nito ang taong laman ng aking isipan.

Nadoble pa ito nang makita ko ang itsura niya habang karga-karga ang isang..... bata?

Bata?

Paanong?

"Sshhh baby.... Don't cry please... Hmmn hmnn hmnnn hmmnn."

Nagha-hum pa ito ng kanta habang isinasayaw ang umiiyak na bata.

Napalunok ako ng ilang beses at ikinurap ko ang aking mga mata para siguraduhing hindi ako nananaginip.

Siya nga.

Naririto si Tsiko malapit sa akin....

Pero bakit..... may karga siyang bata?

......... At bakit kamukha niya?

Hindi kaya....?

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko...

Oo pilit ko na siyang kinakalimutan pero ang makita siya sa ganitong sitwasyon ....

... tila hindi yata kayang tangapin ng utak ko lalo na ng damdamin ko.....

Tila ito isang punyal na tumutusok sa dibdib ko.

..... Kaya niya ba ako tuluyang kinalimutan dahil dito?

... Eto ba ang dahilan ng lahat?

Parang pinipiga ang puso habang pinagmamasdan siyang isinasayaw ang bata.

Kamukhang-kamukha niya ang bata.

Naiipon na ang tubig sa mga mata ko at handa na itong tumulo......

.... nang bigla siyang mapahinto at mapadako ang tingin sa akin.

Kapwa kami natigilan....

Nakita ko sa kanyang asul na mga mata ang sobrang pagkagulat...

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon