***Cheska's POV***
"Hi Chikko, I brought you this. Hope you like it. Mom brought it from the US."
"Uy prunes! Thank you, buddy!" napangiti akong kinuha iyon sa kanya ngunit bigla itong napawi nang makita kong matalim na nakatitig sa akin si Angel sa kabilang upuan.
Ano bang problema ng babaeng to?
"Ahm Chikko..."
"Hmmnnn?"
"Can I ask you again to teach me on one of our lessons? But it's fine if you don't have time... I know you're busy..."
Tinignan ko muna ang mukha ni Angel bago ko sinagot si Luke.
"Sure... but maybe on a weekend?"
Tumango naman si Luke.
Nakita kong mas lalong tumalim ang titig ni Angel. Nangingiti ko naman siyang tinignan.
Masarap din palang mang-asar.
"We'll have it in your condo, buddy! Just like the old times."
Tila nagulat si Luke sa sinabi ko.
Success!
Biglang tumayo si Angel at nagdadabog na lumabas ng room.
Nagawa pa nitong ihulog ang notebook ko sa armchair nang mapadaan sa upuan ko. Agad naman itong pinulot ni Luke.
Maldita! Tss!
"Sorry. Don't mind her." paliwanag ni Luke.
"I don't." Napataas na lang ang kilay ko.
Natapos ang huling klase ng tahimik. Medyo nalate akong nakalabas ng room dahil may pinagawa pa sa akin si Prof.
Bigla kong naalala na sasabay pala akong uuwi kay Dale ngayon.
Patay! Malamang kanina pa naghintay iyon. Nasa canteen pa kaya siya?
Nakita ko ang phone ko na madaming missed calls.
Bakit di ko napansin 'to kanina?
Pumunta pa rin ako ng canteen sa pagbabakasakaling nandoon pa siya.
At nandoon pa nga siya.
Pero biglang nagsalubong ang kilay ko nang makitang hindi ito nag-iisa.
Ang malala pa ay tila masaya itong nakikipagharutan.
Teka!
Biglang kumulo ang dugo ko nang mapagsino ang babaeng kaharap niya sa upuan.
Lalo akong nangigil ng tila susubuan nito ng pagkain si Dale na agad namang nagbuka ng bibig.
"Hindi ka naman pala na-bored sa paghintay sa akin, Pre." sarkastiko kong bangit dito.
Biglang natigilan si Dale at napatingin sa gawi ko.
I'm not sure if he sensed the sarcasm.
"Eyy nandiyan ka na pala. Kanina pa kita hinihintay... By the way... meet---"
"Kilala ko na iyan." agad kong putol sa sasabihin niya at agad kong tinapunan ng tingin si Angel.
"Really? You know each other?"
"We're classmates." sagot ko.
"Oh!" tila gulat na reaksiyon ni Dale.
Tinignan naman ako ni Angel ng masama.
Tinaasan ko din siya ng kilay.
"Kailangan ko ng umuwi. Mauuna na ako. Mukhang nagi-enjoy ka pa dito."
BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...