***Cheska's POV***
Ilang buwan matapos ang insidente sa pamilya ni Dale, bumalik na rin ang dati nilang samahan.
Si Angel ay hindi ko na nakitang pumasok simula noong tumawag si Luke sa akin sa hospital. Nabalitaan ko na lang na bumalik na ito ng US kasama ang mommy niya. Nakunan daw si Tita Lizzy dala ng aksidente. Nalungkot din naman ako kahit papaano para dito.
Alam ko kasing malungkot din si Luke dahil sa pag-alis ni Angel. Gusto nga sana nitong sundan ito sa Amerika kung hindi ko lang napigilan. Pero sa ngayon ay unti-unti na rin nitong natatangap na hindi siya ang tunay na dahilan ng pag-uwi ni Angel sa Pilipinas.
"Bro, 'wanna have some coffee?" yaya ko dito nang matapos ang klase. Wala naman si Dale ngayon dahil nagpatuloy ito ng pagpapart-time kina Tito Marco.
Ngumiti ito.
"Sure. Let's go to the new coffee shop I've found."
Naglakad na lang kami dahil malapit lang ito sa labas ng school. Madadaanan muna namin ang condo ni Luke bago ang pwesto ng sinasabi niyang coffeeshop.
"It's a new coffee shop... I guess it's just two weeks since they opened."
"Oh, really? Okay, let's try it..."
Pumasok kami sa loob. Maganda nga. Tipong sosyalin din katulad ng SB.
Yun nga lang mag-oorder ka pa sa waiter/waitress tulad ng ibang resto.
"Hi Sir, Hi Ma'am good after----" bati ng isang waitress na ikinalingon at ikinagulat ko.
"Teka! Alex? Alexandria ikaw ba iyan?"
"Cheskie? Putragis! Ay sorry! Cheskie, ikaw nga! Kung di pa nakadilat iyang mata mo di kita makikilala."
"Ikaw din kaya! Ba't ka nakapalda? Wow girl na girl na si Alex, uy!"
"Ssshh wag ka ngang maingay... Kailangan eh... Di kasi ako pumasang waiter kaya waitress na lang inapplyan ko... Di nga ako komportable dito eh."
"Huy! Bagay kaya. Ang ganda mo Tol! Hmnnn balik-loob ka na para masaya!"
"Ikaw masaya kasi meron kang---" sabay tingin nito kay Luke na natulala lang sa amin.
"Ay sorry... Ahm, Luke... meet my friend Alex... Alex si Luke... bet mo Tol? Pede kita ilakad basta ituloy mo lang iyang pagpapalda mo..."
"Baliw! Nakakainis ka naman eh... Wag mo nga akong inaasar... Di ako sanay ng ganito eh."
"Hahaha... Okay sige... Na-miss lang kita... Sorry nga pala kung di na kita napupuntahan sainyo... Masyadong busy na..."
"Alam ko naman, tol! Lagi naman eh! Di bale sa sunod ako na lang ang dadalaw saiyo... Bigay mo na lang address mo... Sige maya na tayo mag-tsikahan baka masisante agad ako dito... Ano nga palang order ninyo?"
Nakakatuwa si Alex. Akalain mo iyon. Mukhang nagbabalik-loob na rin siya sa pagiging babae. Maganda naman si Alex kung tutuusin. Kutis morena at balingkinitan din ang katawan tulad ko. Mukha nga lang talaga itong lalaki kapag pumorma. Pero ibang-iba ngayon, parang total transformation. Nakapalda at nakatali ang buhok. Walang sombrerong naka-baligtad.
Bumalik na ito sa pagkukuha ng order sa ibang customer.
"She's pretty." nabigla ako sa biglang pagsasalita ni Luke.
"I know."
Napangiti ako. Mukhang magkakaroon ng kapalit si Angel sa puso ng mokong na ito...
Sana... 'Coz he really deserves someone better.
Iyon nga lang sana mapatino niya itong si Alexandria at mahikayat na magbalik-loob.
"I guess this will be my new place to hangout--"
"Here are your orders, ma'am sir.." sabay ngiti ni Alex na lalong ikinatulala ni Luke.
"Hahahaha... Tol, mukhang tinamaan saiyo ang isang ito..."
"Tumigil ka Cheskie ha..."
Pagkatapos naming magkape ay kinuha ni Alex ang number ko. Sa wakas ay may cell phone na rin ito. Medyo um-okay na din naman daw kasi ang kita niya... Nagta-trabaho pa rin ito tuwing Sabado't Lingo kina Mrs Chua.
Syempre alam kong aabangan ni Luke ang pagtext ni Alex para makuha niya rin ang number nito.
Di nga ako nagkamali dahil hindi pa kami nakakalayo ng coffee shop ay kinukulit niya na ako.
Somehow I feel happy for him.
***DJ's POV***
I continued to work in Tito Marco's company.
Hindi naman tumutol si Dad pero vocal pa rin siya sa kagustuhan niyang mag-shift na ako ng Business Management. Lalo na ngayong hindi na siya katulad ng dati.
After his operation ay nagpahinga muna siya pansamantala sa negosyo bagama't nag-a-update pa rin siya maya't-maya lalo na kapag may problema. Napilitan silang ipahawak muli ito sa kanyang Uncle Mario na kapatid ni Mamita.
I'm kind of confused na rin sa ngayon dahil ayaw ko rin namang makitang bumagsak na lang ang lahat ng pinaghirapan ni Dad. In time, ako at ang kapatid ko rin naman ang makikinabang ng mga iyon kung sakali.
"Gawin mo kung anong alam mong mas makabubuti para sa lahat. Magiging masaya ka rin naman kalaunan kapag nakita mong masaya sila sa ginawa mo." payo sa akin ni Tito Marco nang buksan ko ang topic tungkol doon.
"Pag-iisipan ko po Tito. Alam ninyo naman po kasing iba iyong pangarap ko... Isa pa, si Tsiko... mahihiwalay ako sa kanya kapag nagkataon."
"Mga bata pa naman kayo... Teka, sinagot ka na ba niya? I mean, niligawan mo na ba?"
"I told her about my feelings pero hindi pa po ako formally nanligaw sa kanya.. I already have her father's blessing..."
"Yun naman pala eh, ba't di mo pa ligawan?"
"Baka kasi iwasan niya na ako..."
"Sa nakita ko sainyo, lalo na noong mga panahong may pinagdadaanan ka... mahal ka rin nun... I know she loves you more than a bestfriend..."
"You think so?"
"Oo naman... Malakas ang pakiramdam natin sa mga ganyang bagay... Tsaka wala naman siyang manliligaw bukod dun sa pinagsiselosan mo... sino ba iyon.. Luke ba iyon?"
"Yun nga po. Magsisimula pa lang ako pero heto at maghihiwalay na kami agad."
"Bakit, saan mo ba balak mag-take ng business course?"
"Gusto ni Dad sa ibang bansa.. pumayag naman si Mom."
"Ba't di na lang dito? Okay naman dito. Ako dito lang din naman ako nagtake ng business course after ko ng engineering... Sabagay iyon ang gusto nila eh... Well, magsuggest ka na lang na you can take the basic course here tapos mag-masters ka sa ibang bansa..."
Mukhang mas maganda ang idea ni Tito Marco. At least makakasama ko pa rin si Tsiko kahit hindi na kami parehas ng course.
"I'll try to suggest that, Tito Marco. Thank you."
"Sana mapasagot mo na bago ka pa man mag-take ng masteral ha."
Natawa ako sa sinabi ni Tito Marco.
Napagpasyahan kong kausapin sina Mom at Dad pag-uwi. Saka na ako magsasabi kay Tsiko... Kailangang ilatag ko muna ang option na iyon kay Dad... Sana lang maintindihan niya ako.
BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...