***Cheska's POV***
End of my last class.
Nasanay na rin akong di ko napagkikita si Dale pagkatapos ng klase dahil madalas na nga itong nasa kompanya ni Tito Marco. Bihira na rin itong mag-text. Ayoko rin naman kasing ako ang unang nangungumusta.
Wala din si Luke ngayong araw dahil dumating ulit ang mommy niya.
Lumabas na ako ng campus at balak kong dalawin sana si Alex sa coffee shop.
Nagulat ako dahil biglang may humintong sasakyan sa tabi ko. Agad ko namang napagtanto kung sino ang nagmamay-ari nito.
Dali-dali siyang bumaba at binuksan ang pintuan sa banda ko.
"I'd like to talk to you." at sinenyasan ako nitong pumasok.
"Nakabukas agad? Siguradong sigurado kang sasama ako saiyo?"
"Why not? May lakad ka ba? This won't take a while. Ihahatid na lang kita sa pupuntahan mo after."
Naguguluhan ako sa kanya. Tila napaka-importante ng gusto nitong pag-usapan.
Napilitan akong sumakay. Pagkapasok ko ay agad naman siyang bumalik sa driver's seat at tahimik na nag-drive.
Matagal na katahimikan.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Pwede bang doon sa dati?"
Kaya pala palabas na ng Maynila ang tinatahak niyang daan.
"This won't take a while pala ha? Heler! Pa-Batangas to! At wala ka namang balak na pag-commute-in ako ulit? Wait, check ko muna kung may cash ako dito ha... mahirap na... Swerte lang ako noon dati dahil nakauwi pa ako..."
"I'm sorry, okay... I didn't mean to do it."
Ngumiti na lang ako. Napatawad ko na rin naman siya sa nangyari noon.
"Parang napaka-seryoso naman yata iyang pag-uusapan natin."
"Wait 'til we get there."
"Okay."
"By the way...."
May inabot ito sa likod ng upuan.
"Here... for you..."
Di ako makapaniwala sa inabot niya sa akin.
Isang bouquet ng bulaklak.
This is my first time na maka-receive ng bulaklak. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Alam kong nag-init ang mukha ko. Di ko mapigilang mapatitig sa mga bulaklak sa harap ko.
"T-thanks... A-anong okasyon?"
"Wala... I just want to give you that... Matagal ko ng gustong gawin iyan... Ngayon lang ako nagkalakas-loob... Hope you like it..."
"I... I like it.."
"Buti naman... Hindi kasi ako marunong pumili ng flowers... kaya binili ko na lang iyong pinaka-special nila..."
Tunay ngang espesyal at mamahalin ang mga bulaklak. Pastel colors ang mga ito at alam kong bibihira lang ang mga ganitong roses sa Pilipinas.
"Ang gaganda. Thank you."
"You are like those flowers... beautiful, unique and special..." pero nakatingin lang ito sa daan.
Hindi ko alam kung bakit pero kinilig ako. Alam kong namumula na naman ang mga pisngi ko.
Nakarating kami sa Batangas. Sa abandonadong resort kung saan din kami nag-away noon.

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...