Chapter 35

646 60 2
                                    

***Cheska's POV***

After dinner ay nagpaalam na agad na matulog si Papa. I understand what he's going through. Si Mama pa rin ang iniisip niya.

Umakyat na rin ako sa kwarto ko para dito ko na lang ipagpatuloy ang pag-aaral.

Medyo napagod ako ngayong araw.

Sana lang talaga mabilis ang paggaling ni Mama para makasama na namin siya.

Lumabas ako ng terrace ng kwarto upang sumagap ng sariwang hangin.

Gusto ko ring makakita ng mga bituin... baka sakaling makatulong pakalmahin ang bigat ng nararamdaman ko.

Bigla akong nagulat dahil may tao sa kabilang terasa.

Nag-wave siya sa akin.

Oo nga pala hindi ko na siya nareply kanina.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad ko siyang tinext.

'Sorry kanina. Hindi na kita na-reply.' ang sabi ko sa text na agad niya namang binasa.

Tumingin ito sa akin at nag-thumbs up.

Ngumiti lang ako sa kanya.

Maya-maya ay naka-receive ako ng reply.

'As long as makita kitang okay, okay na rin ako.' ang sabi sa text.

Hindi ko alam kung kikiligin ako pero napayuko ako dahil alam kong mataman siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang reaksiyon ko.

'Okay lang ako, Pre. Salamat.' ang sagot ko naman sa kanya.

Nakita kong napa-buntong hininga siya.

Maya-maya ay nagri-ring na ang cellphone ko.

Napangiti akong sinagot ito.

"Parang ang layo naman natin, Pre ah!" natatawang sagot ko sa kanya.

"Eh gusto mo bang sumigaw tayo habang nag-uusap? Tsaka medyo malayo ka na talaga..."

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang tono ng pananalita niya. Nagtatampo ba ito?

"Pre, is there something wrong? May problema ka ba?"

Bigla akong nag-alala sa kanya.

"Wala naman. Nami-miss ko lang iyong nandito ka sa bahay... noong magkasama tayo... yung may kumukulit sa akin..."

"So makulit ako?"

"Oo pero gusto ko iyon..."

"Gusto mo iy--?"

"G-usto ko iyong pagiging makulit mo. Ikaw lang kasi ang lagi kong nakaka-usap."

"Ahhh. Pwede mo naman ako kausapin anytime ah."

"Kahit di ka naman nagri-reply sa text?"

Nakita ko siyang ngumiti at tumingin sa akin.

"Hindi mo naman kasi kailangan mag-text. Pwede mo naman ako kausapin ng personal..."

"Eh ayoko kasing makadagdag pa sa mga pinagdadaanan mong problema... Nga pala I've heard na nakita mo na ang Mama mo. I'm so happy for you. Di ko akalaing siya din iyong babaeng nakita ko sa simbahan at sa office ni Tito Marco. Kung alam ko lang sana inuwi ko na agad siya noon para saiyo..."

"Okay lang. Salamat pa rin. Makisabi na rin kay Mommy Ninang na sobrang thankful ako sa tulong niya para sa amin... Naaawa lang ako kay Mama at Papa... Sana um-okay na ang lahat.."

"Don't worry everything will be fine... Pag kailangan mo ng tulong nandito lang ako... bestfriend.."

"Samalat Dale.... I really appreciate it... Natutuwa akong may bestfriend pala ako..."

"Anytime, Pre. Nandito lang ako."

"Okay. Thank you. Tatandaan ko iyan. Sige na... Para naman tayong long distance nito eh ayan ka lang naman sa harap ko..." at napatawa ako.

"I miss your laugh.. Cheska.."

Napatingin ako sa kanya at tila tumigil ang buong paligid. I know he's staring at me directly into my eyes.

Biglang kumabog ang puso ko.

"Pre! Please.... Tsiko is fine! Sige na, goodnight! See you tomorrow sa school." biglang bawi ko dito. Hindi ko matagalan ang mga titig niya.

"Wait... pede bang sabay na tayong umuwi bukas?"

"Di ka magpa-part time bukas?"

"Hindi muna..."

"Okay, sige... Meet na lang kita sa canteen. Di na rin ako magpapasundo kay Papa."

"Sige. Libre mo ko ha?"

"Anak ng---"

"Joke lang! Oo na. Bukas... sa canteen..."

"Goodnight Dale!"

"Goodnight Tsiko!"

I wave at him at pumasok na ako sa kwarto.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong kinikilig na ewan. Bakit parang lumakas ang tibok ng puso ko?

Pero at least... somehow, I know gumaan ang pakiramdam ko...

Wala ako sa sariling pumunta sa cabinet...

Alam kong dito lang nakatago iyon...

My pink teddy bear.

Natuwa ako nang makita ko ito... Tila nag-aanyayang kunin ko siya sa matagal na pagkakatago.

Naka-sulat pala ang pangalan niya dito.

Nakaukit sa puso ng teddy bear. Dale John Barber.

Napangiti akong kinuha ito at niyakap.

'If you won't stop pinching me, I'll kiss you!'

Kaysarap maalala ang masayang nakaraan.

Ang pikon kong bestfriend.

Tsk! Makulit nga pala talaga ako noon.

Napangiti na lang ako. Nakakatuwa naman kasi ang cute niyang mukha noon. Chubby cheeks na sobrang sarap pisilin. Umiiyak siya kapag kinukurot ko iyon.... Pero umiiyak din ako sa pananakot niyang hahalikan niya ako kapag di ako tumigil.

Iiyak kaya ako kapag hinalikan niya ako? Ano kayang pakiramdam noon?
Heh! Cheska! Tumigil ka... Anong pinagsasabi mo?

Napagpasyahan ko na lang na mahiga na sa kama habang yakap-yakap ang aking teddy bear.

Pero di ako makatulog.

Dale... ano bang ginagawa mo sa akin?

---
Hindi ko alam kung nakatulog pa nga ba ako dahil nagulat na lang ako sa tunog ng alarm sa side table.

Kahit mabigat sa katawan ay bumangon na ako... Baka gising na rin kasi Papa.

Nagulat ako dahil pagbaba ko ng kusina ay nagluluto na si Papa.

"Papa? Good morning! You're too early."

"Morning, baby. I'm cooking. I'll bring this to your Mama later..."

Parang hinaplos naman ang puso ko.

Indeed... mahal na mahal pa rin ni Papa si Mama.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon