***DJ's POV***
I called mom.
"Love, buti naman tumawag ka. Namimiss ka na namin."
"Namin?"
"Syempre pati ng daddy mo."
I smirked.
"I'm fine mom. Don't feel lonely there. Pwede mo naman po ako tawagan dito sa Pilipinas anytime."
"Ayaw ko din kasing makaistorbo sa pag-aaral mo."
"Mom, hindi pagdidistorbo pag ikaw po ang tumawag."
"Hmmn. Siyanga pala. I recently talked to your Tito Blake. Hangang ngayon daw hinahanap pa rin nila si Cheska. Di raw siya naniniwala na patay na ito ayon dun sa kapatid ng Tita Chery mo."
"Sana nga mahanap na siya. Kawawa naman po si Tito Blake. Kaso mom, madami ng foreigners dito sa Pilipinas. Maraming may blue eyes. Sa school nga namin parang international school na siya. Ang daming foreigners. Kaya mahihirapan talaga si Tito Blake niyan."
"Kaya nga kawawa naman. Sana magkita pa silang mag-ama. Pati daw kay Chery ay wala ng balita ayon sa kapatid niya."
"Hope Cheska is in good hands mom. She's a nice friend before. Hope she didn't change."
"Oo nga mabait na bata iyon. At masayahin pa."
"Anyway mom, makikibalita rin ako dito. Uuwi po ako minsan doon sa dati nating bahay. Maybe I can find an information about her. I'm willing to help Tito Blake."
"Oo anak, pag libre ang oras mo... try mo rin siyang hanapin. She's your bestfriend naman eh."
"Right, mom. I'll do that.... Sige po, rest ka na muna... I'll call back some other time. Take care of yourself, mom! I love you."
"Kaw din lagi mag-iingat diyan. Love you too, love!"
After a while ay dumiretso na ako sa bar ng pinsan ni Tito Marco. Mag-uusap kasi kami tungkol doon sa part time job na ino-offer niya. Mangagaling pa kasi siya ng provincial site kaya naisipan niyang sa bar na lang kami magkita bago siya umuwi.
***Cheska's POV***
Hayyss nakakapagod ang maghapon.
Laglag ang balikat ko na umuwi ng bahay pagkagaling sa trabaho.
Nagulat ako dahil may tila nag-aabang sa akin sa harap ng aming bahay. Tatlong tao na tila isang pamilya. Hindi ko kilala ang mga ito.
"Ahm. Ano pong sadya nila?"
"Ikaw ba ang ampon ni Carmen?"
Napatango na lang ako. Tila hindi ko gusto ang ugali ng babaeng nagtanong sa akin.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay dito sa labas ng bahay."
"Po? Sino po kayo? Ano pong sadya ninyo sa akin?"
"Ako ang nakatatandang kapatid ng umampon saiyo. Gusto ko ng bawiin ang bahay na ito. Dalawa lang kaming magkapatid ni Carmen at itong bahay lang ng magulang namin ang tanging natitira sa akin. Ngayong wala na siya ay ako na ang dapat makinabang nito."
"Po?" Wala akong maapuhap na ibang sasabihin dahil sa pagkabigla.
"Wala kang karapatan sa bahay na ito. Sa mga magulang namin ito. Kung gusto mo ng katunayan nasa akin ang titulo ng lupang ito."
"Pero bakit wala po kayo noong nagkasakit at namatay siya."
"Hindi kami magkasundo ng kapatid kong iyon.
BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanficBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...