***Cheska's POV***
Nagising ako sa ingay ng mga nag-uusap.
Nandito pa rin ako sa hospital room ni Mommy Ninang at naghihintay ng paggising niya. Sabi ng doctor ay medyo stable naman na daw ang lagay ng baby at ni Mommy Ninang.
Sa kasalukuyan naman ay inooperahan si Tito Edward sa puso. Wala ni isa man na nakaka-alam na may sakit na pala ito sa puso at delikado ang kanyang lagay ngayon.
"What are you doing, here?" narinig kong tanong ni Dale sa bagong dating.
"Where's Edward? Where's your Dad?"
Nagulat ako dahil nandito si Tita Lizzy.
"Bakit mo hinahanap si Dad? Para sirain ang pamilya namin, ha Tita Lizzy?"
"Please... ipakausap mo sa akin si Edward... please..."
Ni hindi man lang nito tinanong ang kalagayan ng dati niyang kaibigan, si Mommy Ninang na walang malay na nakaratay sa kama.. at si Tito Marco na natutulog din sa kabilang kama dahil kinuhanan ito ng madami-daming dugo para kay Mommy Ninang.
"Well, sad to tell you... Nag-aagaw buhay sila ni Mom dahil sa kagagawan mo... Ano po bang gusto mo Tita? Dad doesn't love you... Kailangan niyo na pong tangapin iyon. Si Mom ang mahal niya... We're a happy family pero sinisira ninyo..."
"Hindi... I know your Dad loves me too, magkakaroon na kami ng anak... Babalikan niya ako... at magiging isang pamilya na tayo. Kasama ka.."
"Another lie, Tita? No one believes you... Si Dad ang makakapag-patunay ng kasinungalingan mo and we believe in him... Kaya kung pwede tumigil ka na... Hindi pa ba sapat ang ginawa mong ito? Nasa critical condition sila pareho nang dahil saiyo."
"Ayaw mo ba akong maging mommy? We will be a happy family DJ, kasama si Angel... di ba mahal mo naman siya?"
"Tita please, Stop this. Angel is just a friend... May mahal po akong iba and I have my own family... Kahit masakit... I'd rather see my mom and dad die together dahil alam kong magiging masaya sila na magkasama kesa makasama nila ang ibang tao at malulungkot lang sila... Dad's happiness is my Mom, Tita... Only my mom... Kaya itigil ninyo na po ang pag-iilusyon ninyo."
"Hindi totoo iyan! Hindi totoo iyan! Ako ang unang minahal ng daddy mo at babalikan niya ako.." and she goes hysterical.
"Tita Lizzy.... You can never win my Dad's heart dahil para sa mommy ko lang iyon."
"Hindi totoo iyan.." and she cried.
Dahil sa sigaw niya ay nagising si Tito Marco. Nanghihina pa rin ito.
"Lizzy... what are you doing here?"
Hindi nito sinagot si Tito Marco.
"You can leave now, Lizzy. Wala kang pwesto dito. Stop bothering my friends... You keep on hurting them... and us... So please, if you can't accept that Edward won't love you... hindi na namin problema iyon... Mas gugustuhin pa nun mamatay at makasama si May kesa ang makasama ka... So please... Leave as alone now! Wag mong hintayin na kaladkarin kita palabas dito o maabutan ka ni Kyla.. Baka may mangyari lang saiyo... Please lang." I could see anger in Tito Marco.
Tinignan siya ng masama ni Tita Lizzy at lumabas na ito ng kwarto.
Tahimik ulit na napapikit si Tito Marco ngunit nagsalita ito.
"I think your Mom needs some security here.. Mahirap na."
I somewhat agree with Tito Marco.
Mukhang nakakatakot nga ang obsession ni Tita Lizzy kay Tito Edward.

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...