Chapter 21

677 55 4
                                    

***Cheska's POV***

Nagising akong wala si Dale. Hindi ko alam kung anong araw na.

"Oh gising ka na pala ganda. Eto nilutuan kita ng sopas. Nagdala na rin ako ng mga prutas para gumaling ka agad."

"Salamat po."

"Ahh ako nga pala si Patricia."

"Hi po."

"Di mo na talaga ako nakikilala." parang bumulong ito.

"Po?"

"Ah ang ibig kong sabihin hindi mo naman talaga ako kilala. Si DJ nga  pala nasa school, dami niya pang hahabuling lessons kasi late enrollee siya di ba? Pinapasok ko muna. Wag kang mag-aalala ako na ang magbabantay saiyo."

"DJ?"

"Si DJ. Si Dale John."

"Ahhh. Dale lang po kasi ang tawag ko sa kanya."

"Ah ganoon ba?"

"Nasaan nga pala parents mo, Cheska?"

"Ahm patay na po si Nana."

"Sinong Nana?"

"Si Nana Carmen po."

"Nanay mo?"

"Parang ganoon na nga po. Napulot niya lang po ako dati tapos siya na ang nagpalaki sa akin."

"Nakakalungkot naman. Gusto mo pa bang makita ang mga magulang mo?"

"Syempre naman po."

"May idea ka ba kung nasaan sila?"

"Hindi ko na po matandaan eh. Pati mga mukha nila, sa panaginip ko na lang nakikita. Siguro kapag nakita ko na lang po ang mga mukha nila sa personal."

"So ngayon mag-isa ka na lang?"

"Opo. Nag-aaral po ako sa umaga tapos nagtatrabaho po ako sa hapon. Sa ngayon po doon muna ako nakikituloy kay Dale kasi pinalayas ako ng kapatid ni Nana sa bahay."

"Naku kawawang prinsesa, di ka naman kasi dapat naghihirap ng ganyan."

"Po? Bakit naman po?"

"Ah eh.,, Malay mo mayaman pala ang mga magulang mo di ba? Itsura mo pa lang, oh. Kaso di ka nila mahanap-hanap."

"Hindi po siguro. Kung mayaman po iyon nahanap na nila ako. Advance technology na po tayo ngayon eh. Tsaka kung gusto talaga nila ako hanapin."

Pinilit kong ngumiti para mapagaan ang pakiramdam ko.

"Okay naman na po ako. Kaya ko namang mabuhay na mag-isa."

"Naku para ka nga talagang si May mag-isip."

"May? Sino po iyon?"

Alam kong narinig ko na ang pangalan na iyon? Saan nga ba?

"Mommy ni D--ale."

"Ah iyong lagi niya pong kinukwento sa akin. Lagi niya po iyong pinagmamalaki sa akin. Mama's boy po ata si Dale."

"Sinabi mo."

Napatawa naman ako sa reaksiyon niya.

"Naging mama's boy lang iyan simula noong aksidente."

"Aksidente po?"

"Ay wala. Sorry... bawal pag-usapan sa pamilya iyon... Pasensiya na."

So may sikreto ang pamilya ni Dale?

"Okay lang po. Can I call you Tita Pat?"

Lumiwanag ang mukha niya.

"Oo naman, iha. As always."

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon