***Cheska's POV***
Pagkatapos ng huling klase ay sinundo ako ni Papa sa school.
May pupuntahan daw kami.
Tinahak namin ang daan palabas ng Maynila.
Parang pamilyar sa akin ang mga dinadaanan namin. Marahil ay nakapunta na rin ako dito noong maliit pa ako pero di ko na matandaan.
Papa was just silent while driving. Tila napakalalim ng iniisip nito.
Tumigil kami sa tapat ng isang medyo katamtamang bungalow.
Bumaba kami ni Papa ng sasakyan at tinungo ang gate ng bahay.
He pressed the doorbell. Tila alam na alam niya kung sino ang pupuntahan namin dito.
Maya-maya ay lumabas ang isang babae sa gate. Halos kasing edad lang din ni Papa.
Gulat na gulat ang babae pagkakita sa amin... Lalo na ng tinignan niya ako... mas lalong lumaki ang mga mata nito.
"Ruby... now tell me the truth! What really happen to her?" may diin ang bawat salita sa tanong ni Papa sa babae.
"Buhay ka?" sa akin ito nakatingin.
Napakunot ang noo ko.
"She's your aunt. Your mom's sister, can't you remember?" baling ni Papa sa akin.
"Himalang nabuhay ka pa! Di ba nauna ka na sa kanila?"
"Ano hong sabi ninyo?"
"Dapat patay ka na di ba? Kasama ng magaling mong nanay at mga kapatid!"
Anong klaseng kamag-anak ba ito? Kamag-anak ko nga ba ito? Eh mas gusto niya pang patay na kami.
"Bakit po kayo ganyan? Nasaan po si Mama?"
"Di mo alam? Patay na ang nanay mo. Kasamang nasunog ng mga kapatid mo."
"No! Hindi totoo yan! Nagsisinungaling kayo!"
Di ko na mapigilang sumigaw. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya. Pero sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko.... Papaano nga kung totoo?
"Hindi! Hindi totoo yan! Sabihin mong hindi totoo iyan!"
"Hah! Buti nga nangyari iyon sa nanay mong malandi!"
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.
"Hindi malandi ang nanay ko! Bawiin mong sinabi mo! Anong klaseng kapatid ka ba niya!?"
Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako sa galit. Hindi ko matatangap na ganoon ang isipin niya sa nanay ko.
"Malandi siya! Mabuti nga't di siya nakaligtas sa sunog na iyon." may gana pa itong magsisigaw.
"Papa? You did you listen to her? She's wicked! She's crazy Papa! She wanted Mama to be dead!"
"I understand all that she said, baby... I'm sorry if I didn't believe your mom. I don't know why she hates your mom like that... Why Ruby?"
"Dahil kinuha niya ang lahat sa akin... yung mga dapat na sa akin.. siya ang nakinabang! Ampon lang siya! Ampon! Pero siya ang minahal at binigyan ng atensiyon nina Mama! Buong buhay ko inagawan niya ako ng mga bagay na dapat ay sa akin!"
Maya-maya ay may lumabas na lalaki sa gate.
"Ruby, bat nagsisigaw ka?" Tanong ng lalaki.
Ngunit bigla akong nagulat ng makilala ko ito.
"T-ito Andy?"
Hindi ako makapaniwala... Bumangon ang galit sa dibdib ko.
"Walanghiya ka! Nasaan ang Mama ko?! Anong ginawa mo sa Mama ko?"
Pinagsusuntok ko siya at hindi pa rin siya nakakabawi sa pagkagulat.
"S-ino ka?!"
"Ang dali mo namang makalimot Tito Andy?" at binigyan ko siya ng nakamamatay na titig.
"I-kaw? B-uhay ka pa?"
Bigla na lang siyang inundayan ng suntok ni Papa. Kabilaan hangang sa sumadsad ito sa semento. Hindi pa ito nakakabangon pero muli itong pinagsusuntok at pinagsisipa ni Papa.
Nang makitang lugmok na ito ay binalingan naman niya si Auntie Ruby.
"You fooled me Ruby! You'll pay for everything you did to my family!"
"Ikaw ang karelasyon ni Tito Andy Auntie? Niloko at ginamit ninyo si Mama?! Anong klase kang kapatid? Napakasama mo!"
Isang mag-asawang sampal ang pinakawalan ko sa mukha niya. Wala akong pakialam kung kapatid ang turing ni Mama sa kanya.
Kulang pa sa kanya iyon. Kahit kamatayan niya ay kulang pa sa paghihirap at kasawiang dinanas ng nanay ko.
"Enough baby.. We'll make sure that these two will be put in jail.. We're not yet done Ruby!" sigaw ni Papa habang hila niya ako pabalik sa kotse.
Nang makapasok sa kotse ay saka nag-iiyak si Papa. Pinagsusuntok nito ang manibela.
I couldn't comfort him dahil ako man ay mismo ay di ko mapigilang umiyak. Ayaw tangapin ng utak at puso ko ang sinabi ni Auntie Ruby... na wala na si Mama at ang mga kapatid ko....
"Papa?"
"This is all my fault! This is all my fault!" puno ng hinagpis na sabi nito habang nakatitig sa harapan ng sasakyan.
Pinalipas lang nito ang ilang sandali at umalis na kami sa lugar na iyon.
Maya't-maya ay naririnig kong sumisinghot ito habang nagda-drive.
Tahimik kami hangang makauwi.
Hinayaan ko muna siya sa pananahimik niya. Dumiretso na ako sa kwarto at doon ko naman pinakawalan ang sariling nararamdaman.
Mama... mga kapatid ko.... Anong nangyari?
Hindi ko kayang tangapin ang katotohanan... Ngayong naalala ko na ang lahat... Sakit at kalungkutan naman ang kapalit...
Sana hindi na lang ako nakaalala. Sana hindi ko na lang nalaman ang lahat...
Bakit ganito ang buhay... Panay na lang kalungkutan?
Ang tagal kong nag-iiyak sa kwarto nang marinig kong kumatok si Papa.
"Baby... open the door."
Pinahid ko ang luha ko at binuksan ang pinto.
Nagulat ako dahil hindi si Papa ang nabungaran ko.
Si Dale.
Nasa likod niya si Papa.
Nakita niyang puno ako ng luha sa mukha. Bigla niya na lang akong niyakap. Mas lalo akong napaiyak. Tila nakakuha ako ng kakampi.
Narinig kong bumaba na ng hagdan si Papa.
"Just cry it... It will help a little." sabi ni ya habang yakap ako at hinahaplos ang aking buhok.
"Upo tayo.." sabi nito at umupo kami sa kama.
"Si... si Mama... at ang mga kapatid ko.... They're gone..." Hindi ko na namang mapigilang magpalahaw ng iyak.
"I'm sorry."
Niyakap niya lang ako hangang sa mapagod ako sa kaiiyak.
"You better sleep.... Mamaya gisingin kita para kumain."
Inihiga ako nito sa kama at kinumutan. Pinahid niya ang mga luha sa mata ko. Hinaplos niya rin ang aking ulo. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Di ko na namalayang nakatulog na ako.

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...