Chapter 65

705 57 5
                                    

***Cheska's POV***

Naiintindihan ko ang galit niya. Pero ang ipamukha niya sa akin na mas kinakampihan niya pa ang Angel na iyon... that's too much.

He doesn't trust me... Nabilog na ng Angel na iyon ang ulo niya...

Nilakad ko magmula sa beach hangang sa sakayan ng papuntang Maynila... Hindi ko ininda ang sakit ng paa at pagod... Mas naiirita ako sa nangyayari. Siya na nga ang tinutulungan... Ako pa ang biased? Wow lang!

Naiiyak ako sa bus... sa sobrang inis... Pero mas nananaig sa akin ang tulungan si Mommy Ninang. Bahala si Dale sa paniniwala niya... At least I'll be doing my part para makatulong kina Mommy Ninang na magka-ayos sila ni Tito Edward.

Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Angel... It's a lie... Sinungaling ang mahaderang iyon. I could see Tito Edward's sincerity... Hindi niya magagawang gaguhin si Mommy Ninang up to that point.

I texted Papa to ask for Tito Edward's number... He replied without question. Buti naman... akala ko tatanungin pa ako kung bakit hindi ko na lang kay Dale hiningi ang number.

I dialed Tito Edward's number habang nasa bus ako.

Sumagot naman agad ito.

"Who's this?"

"Si Cheska po ito, Tito Edward."

"Oh Cheska... Are you with DJ? Bakit ka napatawag? Nakapasok ba kayo kanina sa school? Nailipat na pala namin ang ninang mo dito sa St Lukes... Sama ka na lang kay DJ papunta dito.."

"Ahm Tito... May problema po..."

"Huh? Anong problema?"

"Tito... I know about Tita Lizzy's pregnancy---?"

"Huh? Paano mo nalaman?"

"Si Angel... Don't get me wrong Tito... I'm not here to judge... Hindi po ako naniniwala doon sa sinabi niya.... But the real problem is... kay Dale po sinabi ni Angel... And he's so mad at you..."

"Oh no! Sh*t! Kailan pa ito? Kanina lang?"

"Opo Tito... I think you need to tell Mommy Ninang agad bago niya pa malaman sa iba... "

"Okay, Cheska.,, I appreciate your concern... Thank you.., sige kakausapin ko na si May about it... God! Why it has to be complicated like this?.."

"Sige po, Tito... Baka bukas na lang din po kami ni Papa dadalaw kay Mommy Ninang..."

"Thank you Cheska..."

Dumiretso ako sa clinic. Kailangan ko si Mama ngayon. Pinapasok pa rin ako kahit beyond visiting hours na. Kilalang-kilala naman na ako ng mga tao doon.

Naabutan kong nagbabasa si Mama ng libro. I can also see the fresh flowers sa bedside table nito. For sure kagagaling lang ni Papa dito.

"Anak! Mabuti naman at dinalaw mo ako... Miss na kita baby..." bumangon siya ng kama pagkakita sa akin. Niyakap at pinupog niya ako ng halik. I miss my Mama so much. Niyakap ko rin siya.

"Sorry po kung madalang akong nadalaw dito... Busy lang po sa school... Tsaka nagkaproblema po..."

"Oo alam ko na anak... Sinabi na sa akin ng Papa mo... Naaawa naman ako kay Mare... Ba't siya nagkaganoon?"

"Mama... Hindi lang po sila nagkaintindihan ni Tito Edward... Nagtampo lang si Mommy Ninang... Nabalewala naman ni Tito... kaso nagkanda-komplikado na ngayon ang lahat..."

"Bakit?"

"Mama kilala mo po ba si Tita Lizzy?"

"Hay naku. Ba't nasama na naman ang pangalan ng babaeng iyan? Iyon ba ang dahilan ng di nila pagkakaintindihan?"

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon