***May's POV***
"Love... magsa-shopping nga pala ako bukas."
"Okay. Samahan kita. Ano bang bibilhin mo?"
"Ahm... ano kasi... bibili ako ng gamit sa pagpinta. Sira na kasi iyong mga nakatago.."
"Okay. What time ba? Sasaglit muna sana ako sa office ng morning."
"Wag ka ng sumama love, okay lang ako."
"Eh sinong kasama mo? Si DJ?"
"Hindi..."
"Eh sino?"
"B-baka si Pat..."
"Okay. Eh di sunduin ko na lang kayo after."
Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya na ang sasamahan ko ay si Cheska.
I really don't know kung galit pa rin siya dito. Ayoko rin namang maungkat pa ulit ang mga nangyari.
"Hindi ko alam kung anong oras kami makakauwi. Pero sige love, I let you know na lang."
"Time to pamper yourself, love. Shopping ka ng mga damit mo. Pa-parlor ka kung gusto mo. Sagot ko."
"Talaga?" I smiled to him. That's what I love about him. Gusto niyang lagi akong masaya.
"Yeah. I want you to look and feel good and fresh."
"Bakit, di na ba ako fresh sa paningin mo?" nagtatampo kong tanong sa kanya.
"Di sa ganoon, love. Syempre ikaw pa rin ang pinamaganda sa paningin ko... but I want you to be pampered... para mawala lahat ng stress sa katawan mo."
"Gusto ko sana magpa-massage."
"No! Wag lang iyan. Ako na lang ang magmamasahe saiyo. Kahit buong araw pa. I just don't like anyone touching you."
Pamper daw pero massage ayaw. Tsk! Kahit kailan talaga 'tong asawa ko.
"Kahit magpa-massage tayo ng sabay?"
"Ayoko nga. Love, wag mo na ipilit please. Kung gusto mo talaga ng massage... ngayon umpisahan ko na... I have the entire day.."
"Sira... wag na nga lang."
"You don't like my massage.... hmmnnn?"
At nagsimula ng maglakbay ang kamay nito sa katawan ko.
"Dapa ka na, love." utos nito.
"Nope... wag na nga lang."
"Bakit... ibang massage ba ang gusto mo? Hmmnnn? Okay lang din sa akin..."
"Edwardo tumigil ka ha..."
Pero hindi ito nagpapigil hangang sa tuluyan na rin akong nadarang. Ibang masahe nga ang nangyari.
***DJ's POV***
Biyernes ngayon pero nagpaalam ako kay Tito Marco na hindi ako papasok.
Hindi kasi ako mapakali. Inaalala ko lagi si Tsiko. Mag-isa lang itong umuuwi. Baka maharang na naman siya ng masasamang loob tulad ng mga ikinikuwento nito noon.Paglabas ko ng classroom ay agad akong dumiretso sa room nila. Tamang-tama namang labasan na sila at agad ko siyang nakita. Himala at mukhang hindi nito kasabay si Luke.
Bago ko pa siya matawag ay may humila na sa braso ko.
"DaleJohn, thanks you're here! Masasamahan mo ako sa mall. Wala kasi akong kasama. Si Mommy kasi busy. Please? Wala ka na rin namang klase di ba?"

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...