***DJ's POV***
Eto na nga ba ang sinasabi ko.
Ang hirap ng ganitong sitwasyon.
"Tsiko wait!"
Pero tuloy-tuloy lang ang pag-alis niya.
Tumakbo na ako para maabutan siya. I won't let her leave alone like what happen the last time.
Naabutan ko siya at niyakap ko siya sa likod.
"Please..."
Pilit niyang tinatangal ang mga braso kong nakapulupot sa kanya. Alam kong umiiyak pa rin ito.
"I want to go home now. I want to be alone."
"Okay... Okay.... Uwi na tayo. Iuuwi na kita. Stop crying please....."
Kumalma naman ito. Binitawan ko na siya pero kinuha ko ang kamay niya at inalalayan siya papunta sa kotse.
Tahimik naman siyang sumakay.Wala kaming kibuan sa buong biyahe. It's so painful for me to see her cry. Di niya maitago ang patuloy na pag-agos ng kanyang mga luha kahit sa side ng bintana siya nakatingin. I respected her silence. Maybe sa ibang araw na lang namin ito pag-uusapan. I realized na nabigla ko siya. I feel so guilty.
Nakarating kami sa tapat ng bahay at tamang-tama namang papalabas sina mommy at daddy. Tipong maglalakad-lakad ito sa loob ng subdivision. Gawain na rin ito ng dalawa tuwing hapon.
Nabigla ako ng kusang lumabas ng sasakyan si Tsiko at patakbo itong pumasok ng kanilang bahay.
Napalabas na rin ako at balak ko sana siyang habulin.
"What's that?"
"Anong nangyari?"
Halos sabay ang reaksiyon nina daddy at mommy.
Huminga ako ng malalim at nagkibit-balikat na lang.
"Hi Mom, hi Dad..."
"Anak... Nag-away ba kayo ni Cheska?"
"Kinausap ko na po siya tungkol doon sa pag-alis ko Mom.... Ayun nag-walk-out... Panay ang iyak..."
"Hayaan mo muna siya, love. Malamang nabigla lang iyon... Pasasaan ba't matatangap niya rin iyang desisyon mo." paliwanag ni mommy.
"Sana nga po."
Tinapik naman ako sa balikat ni Dad.
Ipinasok ko na lang ang sasakyan sa bahay. Hahayaan ko muna si Tsiko na mag-isip. Sana nga ay maintindihan niya ako.
Pero hindi pa rin talaga ako mapakali. Iniisip kong nasaktan ko siya. Isang lingo nga naman akong walang paramdam sa kanya tapos bigla kong sinabing aalis ako...
Lumabas ako ng terrace at tinignan ko kung nasa kwarto na ito. Pero nakasarado pa rin ang kanya.
I tried calling her pero hindi nito sinasagot ang tawag ko.
Hayyy Tsiko...
Sa huli ay hinayaan ko na muna siya.
In a week ay aalis na ako. Nakakalungkot. Matagal akong mawawalay hindi lang kay Tsiko... Pati kina Mom at Dad. Ayaw din kasing iwanan ulit ni Dad ang negosyo niya dito habang si Lolo Mario pa ang nagmamanage.
Si Mom naman ay nagpatuloy na rin ulit sa pagpipinta at nilalagay naman ito sa gallery na pinamamahalaan ni Tita Pat.
Sobrang mami-miss ko talaga sila lalo na si Tsiko. Nasanay na akong kasa-kasama ito palagi. Kapag hindi naman kami magkasama ay kampante pa rin ako dahil alam kong nasa kabilang bahay lang siya. Anytime ay pwede ko siyang puntahan.
BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...