Chapter 17

679 57 3
                                    

***Cheska's POV***

"San ka pupunta?"

Nakabihis panglakad si Dale at bumababa ng hagdan.

"Kila Marla. Baka doon na rin ako mag-dinner. Luto ka na lang diyan ng food mo."

"Okay."

Okay lang.

Mag-isa na naman ako dito. Kung sana'y may trabaho pa ako tuwing Sabado di sana ako mabo-bore ng ganito.

Buti pa siya pagala-gala lang. Kagabi pa ito pumunta sa Marla na iyon. Anong oras na umuwi. Tapos ngayong gabi na naman ulit. Iba na talaga kapag may nililigawan. Wala ng pakialam sa iba. Hayyss.

Makapag-aral na nga lang.

Hindi na ako nagluto. Nakakawalang-ganang kumain. Nasanay na kasi akong may kasalo. Dati naman hindi.

Pagkatapos kong mag-aral ay pumasok na ako sa kwarto. Naisipan kong matulog na. Disoras ng gabi na naman iyon darating malamang.

***DJ's POV***

"Oh DJ, ready ka na sa Monday?"

"Yes, Tito. Excited na po ako."

"Pero 'wag mong pababayaan ang pag-aaral mo ha. Malalagot ako sa mommy mo lalo na sa daddy mo, naku."

"Don't worry Tito, I know how to manage my time. Iyon ang naituro sa akin ni Dad."

"Good."

"Oh dinner is ready." si Tita Kyla.

"Marla, sweetheart! Dinner is ready!"

"Laters momshie!"

"Hindi, halika na. Sabay ka na. Nandito ang Kuya DJ mo."

"Momshie, I'm busy. Mamaya na lang po. Makisabi kay Kuya DaleJohn enjoy the food!"

Napatawa na lang kami ni Tito.

Batang ito talaga oh. Napapailing na lang akong pumunta sa dining kasama ni Tito at Tita.

"Hon, nagtatampo ka pa rin ba?" tanong ni Tito Marco kay Tita Kyla.

"Hay naku, mamaya na tayo magtutuos."

Napatingin ako sa dalawa at napatingin sa akin si Tita Kyla.

"I'm sorry DJ. Wag mo na lang pansinin ang sinabi niya."

"Kasi naman bakit mo ko pag-iisipan ng ganoon?" si Tito Marco.

"Aba, malay ko? Isang office nga lang tayo nakakalusot ka pa?"

"Hon, it's not true, okay? Hindi ko kilala ang babaeng sinasabi nila. Mas lalong wala akong ideya kung bakit niya ako hinahanap."

"Wag ko lang malalaman na si Lizette iyon."

"My God, hon ang tagal na noon. Binata na nga itong si DJ oh... Hmmnnn selos ka noh? Uy! Selos ang asawa ko..."

"Tse! Wag na wag kang magpapahuli sa akin. Puputulin ko iyang ipinagmamalaki mo."

Nasamid ako sa sinabi ni Tita.

"DJ, okay ka lang?"

"Yeah, I'm fine Tita Kyla."

Natatawa na lang si Tito Marco. Hindi na ito sumagot dahil tingin ko hahaba lang ang usapang iyon at magtatampo lang lalo si Tita.

I can see that they are a happy couple. Sabi nga ni mommy nahanap na din daw ni Tito Marco ang katapat niya, si Tita Kyla nga who is my dad's cousin.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon