***May's POV***
Pagkatapos kong dalawin si Chery sa in-house clinic ay nagpagpasyahan kong sorpresahin ang asawa ko sa opisina niya.
Sasabayan ko na lang siyang maglunch.
Gusto ko ring malaman kung ano talaga ang lagay ng kompanya ngayon, baka sakaling may maitulong ako.
Wala na rin naman akong ibang ginagawa sa bahay kaya medyo bored na naman ang pakiramdam ko.
Inuna ko munang daanan ang aking gallery na kasalukuyang minamanage ng pinsan kong si Patricia. Halos nasa kabilang kalsada lang nito ang building at opisina ni Edward.
"May! Ano ba iyan, ba't ngayon ka lang napadpad dito? Ang tagal mo nang nakauwi. Nakakatampo ka naman." bungad agad ni Pat.
"Sorry na. Ang dami naming inaasikaso kasi. Kilala mo si Chery di ba? Yung asawa ni Blake? Ayun nasa ospital siya."
"Hah? Nahanap ninyo na siya? Eh di ba siya iyong nanay ni Cheska? Naku, nagkita na sila?"
"Oo..., ba't alam mo nga pala ang tungkol kay Cheska?"
"Eh syempre siya yung kasama ng anak mo sa bahay noong wala kayo. Kung hindi nga lang tomboy iyon eh mapapagkamalang magjowa sila ng anak mo."
"Hindi tomboy si Cheska, Pat. Boyish lang iyon manamit. Nararamdaman kong di siya tomboy."
"Ah bahala ka. Pero kung di siya tomboy malamang mahulog ang loob nun kay DJ mo. Boto ka ba sa kanya para kay DJ?"
"Bakit nililigawan ba siya ni DJ?"
"Naku kung alam mo lang. Mahal na mahal iyon ng anak mo. Lalo na nung maospital iyon, pati ako pinagbantay ng isang linggo."
"Really? Naospital si Cheska? Ba't di ko alam iyon?"
"Eh di ba nagkwento ang anak mo?"
"Hindi siya nagkwento. Pero bestfriends lang sila ni DJ, Pat. Parang magkapatid na iyong dalawang iyon eh."
"Sus! Di ka naman ipinanganak kahapon, May. Mamaya malalaman mo na lang na magiging manugang mo na iyang si Cheska. Sa akin, okay lang naman... boto ako sa kanya. Napakandang dalaga at mabait pa. Madadagdagan pa ang lahi ninyo ng magaganda. Ang tanong... si Edwardo ba kaya siyang tangapin?"
Hindi ko alam ang isasagot kay Pat. Una sa lahat, hindi pa ako handang magkaroon si DJ ng kasintahan.
Sabagay binata na rin naman ito.
Wala naman akong tutol kung si Cheska nga ang napupusuan ng anak ko. Mas kampante pa nga ako dito. Kaso nga lang ay baka hindi sumangayon si Edward. Malaking problema nga pag nagkataon.
---
Iginala ko ang paningin ko sa loob ng gallery. Tinignan ko ang mga paintings at artworks ko na naroroon. Sobrang konti na lang ng mga ito."Paubos na iyong mga display natin, May. Ilang piraso na lang iyan. Handa ka na ba ulit gumawa ng mga bago?"
Napatingin ako kay Patricia. Sa loob kasi ng mga panahong nagkasakit ako ay hindi ko ginustong humawak man lang ng kahit lapis.
"Oo Pat. Handa na ako ulit." Nakangiti kong tugon sa kanya.
Mamaya ay ilalabas ko lahat ng mga dating gamit ko sa pagguguhit at pagpipinta. Kailangan ko lang ng isang matinding inspirasyon para magsimula.
Panahon na para maging makulay ulit ang mundo ko.... namin.
"Hay salamat! Bumabalik na ang dating May namin." niyakap ako nito.
"Gusto ko ngang bumalik doon sa resort, Pat."

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
Fiksi PenggemarBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...