***Cheska's POV***
New Year.
New Life.
Mag-isa na lang ako dito sa San Francisco. Paminsan-minsan na lang ako dinadalaw ni Papa dahil sa Pilipinas na sila ngayon naninirahan ni Mama.
Sila na ang tumatayong parents ni Codie... and that makes him my little brother now. Napapayag din nila si Chris na ampunin muna namin ang kanyang anak. Kasalukuyan naman nitong tinatapos ang kanyang kurso dito sa university namin. Dangan nga lamang at sa sarili nitong bahay siya umuuwi.
Malaki ang nabago sa pagkatao ko simula noong umalis ako ng Pilipinas. I become more tough and bold..... and carefree!
I go on dating. Parang nagpapalit nga lang daw ako ng t-shirt sa dami ng gustong maki-pag date sa akin. I want to give everyone of them the chance na maka-bonding ako........ but with limitation of course. Gusto kong mahanap na rin ang taong makakapag-pasaya sa akin.
Nagagawa ko na ang mga bagay na hindi ko ginagawa dati.
Anyway, this is United States... Wala ako sa Pilipinas.
Maya't-maya naman ang pangaral sa akin ni Laurent. Nagmistula itong tatay sa madalas nitong paninita sa mga lakad ko. I just smiled at him. Wala naman siyang magagawa. Though I assured him and my parents na tatapusin ko ng maayos ang pag-aaral ko para makabalik na rin ako kaagad ng Pilipinas. And I want to have fun living here. Gusto kong magpakasaya na lang! Ayoko ng ipagkait sa sarili ko ang kalayaang matagal kong itinago.
"Cheska, why did you date that Denver? Alam mo bang member iyon ng gang? They're drug users. Hindi ka ba natatakot? Mamaya niyan kung saan ka na lang pulutin."
"Don't worry about me. I can take care of myself. Nag-aral naman ako ng self-defense."
"Hindi iyon sapat. Kung gusto mong makipag-date doon sa alam mong safe and secured ka."
"Gaya mo?"
"Concerned lang ako saiyo. Kung kani-kanino ka na lang kasi sumasama. Minsan hindi mo pa ipinapaalam sa akin... You're close to ruining your life, don't you know that?"
"I know what you're gonna say kaya di na kita sinasabihan..."
"Tsk! You should listen to me from time to time... Oo di ka na bata but with your decisions now? Nakakatakot. You really are stubborn."
"Eh Ikaw nga ang mas madalas kong ka-date di ba? Oh tulad ngayon... Every Friday after school dito ako sa bar mo tumatambay... That's your advantage over them. Sila one time lang tsupi na!" pamimilosopo ko pa sa kanya na lalo lamang nitong ikinaasar.
"Alam mo hindi na kita kilala...."
"My name is Maria Franchesca Thompson. Philippines!" at nagawa ko pang mag-pose ng ala-Ms Universe.
Napapailing na lang ito.
I just wanna be free. Mas masaya pala kapag ganito. Wala kang ibang iniisip kung hindi ang sarili mo. No stress!
---
Usual day na sa school ang maka-kita ako ng post it or card na nakasingit sa locker ko... Galing sa kung sino-sino na nag-aaya ng date. Mas madalas, sa mismong date ko na sila nakikilala. Mas exciting.Ngunit medyo kakaiba ang araw ngayon.... Isang white rose ang nakasingit sa locker ko?
Hmmnn.
Ang sweet naman ng naglagay nito. Di ko mapigilang kiligin. Ngunit wala akong makitang kahit na anong note man lang na pagkakakilanlan sa nagbigay.
Weird.
---
I got curious sa naglalagay ng white rose. Araw-araw ang paglalagay nito at walang paltos. Kaya lalong dumagdag ang kagustuhan kong makilala ang sinumang iyon. Minsan, para na akong nag-i-stalk sa sarili kong locker, trying to catch the person. Ngunit masyado itong matinik at nalalaman yata ang lahat ng kilos ko.

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...