Chapter 51

605 51 10
                                    

***Cheska's POV***

Dalawang araw na akong hindi pumapasok simula nang makita ko si Dale at ang Angel na iyon sa canteen.

Sila na ba? Bakit sila nagyayakapan?

Sobrang nasaktan ako nang hindi ako pansinin ni Dale pagdaan niya sa amin ni Luke. Tila excited pa itong umalis sa lugar na iyon.

Balewala na ba ako sa kanya?

Napaiyak ako noon ng pagka-alis nila ng canteen.

Luke comforted me.

Nakahawak lang ako sa mga braso nito habang umiiyak.

He knows what I'm going through.

Alam kong nasaktan rin ito sa eksenang iyon dahil mahal niya pa rin ang Angel na iyon hangang ngayon.

Nawalan ako ng ganang kumain dahilan para madapuan ako ng sakit.

I never told anyone... kahit si Papa. Akala niya ay pumapasok pa rin ako.

Si Luke lang ang nag-alala sa akin.

Nandito ito ngayon sa bahay. May bitbit na pagkain at gamot.

"How are you feeling precious?"

"Pretty fine... thank you."

"Why don't you ask him?" seryoso nitong tanong sa akin.

"Ask him of what?"

"If they're really into a relationship."

"And why don't you that to her?" ibinalik ko lang sa kanya ang tanong.

Wala rin siyang lakas ng loob na tanungin si Angel kung sila na nga ni Dale.

Napabuntunghininga ito.

"I'm more concerned about you... 'coz with Angel... I'm used to being hurt... I feel numb already."

Naawa ako dito. Nagmamahal ito sa maling babae. Hindi karapat-dapat sa kanya ang Angel na iyon.

"Why don't you try courting other girls?"

"Same question I'm gonna ask you... why are you not entertaining other guys?"

Sapul ako doon.

Pareho nga kami... Dahil mahal pa rin namin sila kahit hindi nila kami mahal.

Ang sakit lang.

Sabay kaming kumain ni Luke at sinigurado niyang uminom ako ng gamot bago ito umalis.

I really appreciate his concern.

Samantalang iyong sarili kong bestfriend...

Bestfriend pa nga ba siyang maituturing?

Nagkulong lang ako sa kwarto. Masama pa rin ang pakiramdam ko.

Naisipan kong mag-paint.

Dito ko na nga lang din ibubuhos ang feelings ko.

Parang may sariling isip ang mga kamay ko nang ipinta ko ang mukha ni Dale. Hindi ko inakalang magagawa ko ito. Dahil ba siya lang lagi ang laman ng isip ko?

Not as perfect as the work of Mommy Ninang... pero si Dale ang lumabas na imahe sa painting ko...

Indeed mahal ko nga talaga ang mokong na iyon.

Matagal kong pinagmasdan ang painting.

Para akong tangang kinausap ito.

Gwapo ka sana pero nakakainis ka. Nandito lang naman ako sa tabi pero sa iba ka pa tumitingin. Ano bang wala sa akin na meron siya?

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon