Chapter 86

685 58 13
                                    

***DJ's POV***

Alam kong nagulat siya nang malaman niyang ihahatid ko siya.

This is the only chance I have to speak to her. I want to settle everything now... Para na rin sa katahimikan ng lahat, bago man lang ako bumalik ng Germany.

As soon as we came out of the main door ay tumigil siya sa paglalakad.

Nakatalikod pa rin siyang nagsalita sa unahan ko.

"You don't have to do this. Kaya kong umuwi ng bahay ng mag-isa. Bumalik ka na lang doon sa syota mo."

She sounds mad?

"Don't worry, siya ang nag-suggest na kausapin kita."

Napalingon siya sa sinabi ko.

"What?!"

"Hindi raw kasi tayo nag-uusap. Naturingang mag-bestfriend pero parang estranghero sa isa't-isa..... Hmmmnnn.... Bakit nga ba, Tsiko?"

Bumuntong-hininga ito ng malalim.

"I... I don't know what you're talking about."

Muli siyang tumalikod.

"See? Kahit iyong pangdi-deadma mo ayaw mong aminin?"

"I'm--- I'm just busy.... You're also busy... Kaya hindi na tayo nakapag-usap."

"Really? Yun ba talaga ang dahilan? For Godsake Tsiko! Once and for all! Tapatin mo naman ako... Ano bang nangyari? Ano bang nangyari sa atin?"

I hold her on both of her shoulders at pinaharap ko siya sa akin.

"Why did you let all of these things happen, Tsiko?"

"Ano ba kasi ang gusto mong sabihin?" nakita kong nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.

Yumuko na lang ito.

"Bakit mo ako kinalimutan ng ganon ganon na lang? Ba't ang bilis?"

I'm trying to control my temper. Gusto ko nang ilabas ang lahat ng nararamdaman ko..... Ang mga naipong hinanakit sa loob ng ilang taon.

"You don't know what you're saying..." at naririnig ko na ang paghikbi niya.

"Ikaw ang tuluyang nakalimot! Ayan o may isang Tiffany ka na, di ba? May girlfriend ka na."

"Because you pushed me to do it."

"Ahhh ganoon? Oo nga naman pala. Sinabi ko nga pala saiyo na you'll have a lot of opportunities there in Germany that you can take advantage of.... and you really did! Actually you did well!!" sarkastikong sagot niya habang malayang dumadaloy ang kanyang mga luha.

"Kasalanan ko nga pala talaga! Sorry ha? Akala ko kasi iyon ang paraan para mawala ang atensiyon mo sa akin at makapag-focus ka sa studies mo eh! Pero mukhang masaya ka naman eh..... You have a beautiful girlfriend na inspirasyon mo sa pag-aaral?"

"Tsiko..."

Somehow I feel guilty.

"I guess okay ka na naman so wala na tayong dapat na pag-usapan pa. I can see that you're happy now. Yun naman ang importante." pinahid nito ang kanyang mga luha.

"I wanna know bakit mo ako ganoon kadaling kinalimutan."

"Did you open my gift for you?" tanong niya sa akin.

Napailing na lang ako. Di ko pa nga pala nabubuksan ang regalo niya.

"See?... wala ka na talagang pakialam.... But probably that would answer your question."

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon