Chapter 15

672 52 4
                                    

***DJ's POV***

Same with yesterday ay umuwi ito ng maga-alas-9 na ng gabi.

"Delikado na ang uwi ng ganitong oras, Tsiko."

"Chikko."

"Whatever. Pareho lang iyon."

"Sanay naman akong ganito. Minsan pa nga alas-diyes."

"Sunduin na lang kita bukas."

"Naku wag na 'Pre. Maghihintay ka lang sa akin ng alanganin. Okay lang talaga ako."

"Here, para di na ako mahirapang makipag-communicate saiyo."

"Ano ito?"

"Cellphone."

"Cellphone? Naku! Di ko matatangap iyan. Mahal iyan. Kulang pa nga ang ipon ko pambili ko ng gamit sa engineering." sabay balik nito sa akin ng kahon.

"Sinabi ko ba na babayaran mo? I bought this para hindi mo ko pinag-aalala."

"Ba't naman kailangan kang mag-alala?"

Bigla itong natahimik.

"You're staying here in our house so cargo de consencia kita."

"Pasensiya ka na kung nag-aalala ka dahil sa akin. Di kasi ako sanay ng may kasama sa buhay. Simula noong mawala si Nana wala naman ng nag-aalala sa akin."

"Sorry to hear that. Pero ngayon kasama mo na ako, so may nag-aalala na ulit saiyo, okay? Take this. Nandiyan na ang number ko. I also put Luke's number. Hihingiin mo rin naman eh."

"S-alamat, Dale. Yaan mo makakabawi din ako saiyo."

"Saka ka na magpasalamat. Lika na kain na tayo. Lutong bahay itong kakainin natin. Nagpunta si Manang kanina at nagluto na siya."

Pagkalapag niya ng bag niya ay agad na kaming pumunta sa dining.

"Ahm, Tsiko.... would you mind removing your cap? Nasa harap kasi tayo ng pagkain."

"Sorry... Ba't ngayon mo lang ako sinita?"

***Cheska's POV***

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Alam ko naman ang table manners. Pero nasanay lang din talaga ako.

"Nag-alangan ako eh. Baka gerahin mo ko. Pero yes, honestly di magandang tignan. Kung si daddy niyan, mahabang sermon na naman ang narinig ko..."

Unti-unti kong tinangal ang sumbrero sa ulo ko. Napanganga ito ng kusang lumugay ang mahaba kong buhok.

"W-hy are you hiding those beautiful hair?"

Bigla naman akong na-conscious.

"Wag mo na akong tignan please, nako-conscious kaya ako."

Alam kong nag-iinit na ang mukha ko.

"Sorry. I just can't help it."

"Kain na tayo. Lumalamig na ang pagkain..... By the way, sabi mo kanina nani-nermon ang daddy mo. Is he strict?"

Pag-iiba ko ng usapan nang makita kong sa buhok ko pa rin siya nakatingin.

"Oo. Napaka-strict niya. Pero kampi naman kami ni mommy. Minsan wala din siyang nagagawa."

I felt jealous sa kwento niya. Buti pa siya may pamilya.

"O ba't natahimik ka?"

"Wala. Kain na lang tayo."

***DJ's POV***

Ba't ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang itsura niyang iyon. Her long hair na hindi maalis-alis sa isip ko.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon