***DJ's POV***
Maaga akong nakauwi ngayon. Wala kasi si Tito Marco sa office. Nasa site na naman ito.
Dumiretso na ako ng bahay para makipag-jam naman sa pinsan kong si Laurent. Wala kasi itong masyadong kilala dito sa Maynila bukod sa amin at nina Tita Kyla. Close din ito sa pinsan naming si Marla.
Si Laurent ay nakakausap ko lang through social media at video calls pero bihira kami nitong magkasama. Siya lang din ang nag-iisang anak ni Tita Laura at sa US siya lumaki samantalang ako naman ay sa Germany. Marunong din itong magtalog dahil kay Mamita, ang lola namin sa father side.
We have a close family ties lalo na't dalawa lang sina Dad at Tita Lau na magkapatid. Dagdag pang magbestfriend ang mommy ko at si Tita Lau.
Rinig ko ang ingay na nangagaling sa loob ng bahay. Mukhang nagkakasiyahan sila.
Kaya naman pala.
Naipon yung tatlong magbabarkada. Si Mom, si Tita Laura at si Tito Blake. Wala pa rin si Dad.
Hmmnnn. I'm wondering if Tsiko is here. Hindi ko pa siya nakikita. Pati si Laurent?
"Love, nandiyan ka na pala... I invited everyone here for dinner mamaya. Ayun nagluluto na ang chef natin. Tulungan mo na sila doon sa kitchen." si mommy.
"Mom, you know that I don't know how to cook..."
"Hay naku ewan ko lang kung hindi ka tutulong kapag nalaman mo kung sinong nandoon. Puntahan mo na."
Pagkatapos kong humalik sa kanila at magbigay-galang ay dumiretso na ako sa kitchen.
"T-tsiko? Laurent?"
"Oh, hi Dale. Lika! Tulungan natin 'to si chef Laurent para sa dinner mamaya. Ang galing niyang magluto. Nakakatuwa."
I felt sudden jealousy upon seeing them together.
Close na agad sila nito? Patawa-tawa pa si Tsiko habang binibigay ang mga lulutuin sa pinsan ko.
"Bro! Don't just stay there. Lika na! Masaya ito. Para matuto ka din." si cuz Laurent.
"No, thanks! Kayo na lang. Taga-kain lang ako eh."
"Ay ang daya! Halika na kasi. Gusto kong matuto ka din para hindi na ako ang nagluluto lagi saiyo. Hahaha. Just kidding! Wait! Bihis ka muna pala tapos balik ka dito."
Tinignan ko siya and she smiled at me. Nawala bigla ang selos na naramdaman ko. This girl!
Nagpalit lang ako ng damit sa kwarto at bumalik na sa kusina.
Nagtatawanan pa rin sila. I don't like seeing her na halos nakadikit na ang katawan kay Laurent habang naghihiwa ng mga gulay. Laurent is trying to teach her how to do it.
"Ako na diyan, Tsiko. Manood ka na lang. Just sit there." agaw ko ng atensiyon niya.
"Ayoko nga. Gusto ko ring matuto noh."
"Lika na." pilit ko siyang hinihiwalay kay Laurent.
"Aww!"
Nahawakan ko ang siko niya.
"What the---!"
"Tsk! Nahawakan mo iyong sugat ko!"
"Sugat? Ba't ka nagkasugat? Patingin?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Eh eto kasing pinsan mo, nabanga ako kanina. Di na nga ako nakapasok sa school."
"Hey... I said sorry already. I didn't mean it." si Laurent.
"I know. Sinasabi ko lang kung bakit nagkaroon ako nito."
"I won't meet you kung hindi kita nabanga. Hahhaha!"
"Yeah! Hahhaha!"
Aba't tuwang-tuwa pa siyang nagkasugat dahil kay Laurent?
"Tsiko, I want coffee please... can you make me a cup please?"
I'm trying to get her attention. Call me selfish but I don't want anyone taking it from me.
"Okay... hindi ka ba nagmeryenda? Sayang! Hindi mo na naabutan iyong ginawa kong hotcakes kanina. Matakaw din kasi itong si Laurent. Hahhaha!"
"Ay grabe... ako talaga? Mom took it. Nasarapan siya sa hotcake mo."
"Ikaw ba hindi?" tanong nito kay Laurent.
"Of course! You made it kaya masarap."
"Thank you."
"Ehem! Can I have the coffee sooner, Tsiko?" pagdi-demand ko sa kanya.
"Ay sorry... okay po ser! Eto na po ser! Ay wait... sige gawan na lang din muna kita ng hotcake habang di pa ngsasalang si Laurent... O, kaw muna maghiwa ng mga ito."
I thought she's gonna ignore me. Thanks God I'm still her bestfriend.
Naiiling na napatingin sakin si Laurent.
"What's with the stare?"
"I know you, bro."
"Of course, you know me. We're cousins right?"
"Yeah right." Umiling-iling ulit ito habang inaabot kay Tsiko ang mga itlog.
"Ako na niyan." Hingi ko sa kanya ng mga itlog.
Binigay niya naman sa akin at nagpatuloy na siya sa paghihiwa ng mga gulay.
"Tsaraaaan! Here's your coffee and your pancake, Sir! Do you need anything else?"
"You." I wasn't aware na iyon ang lumabas sa bibig ko.
I saw her blush? Tama ba ako ng tingin?
"Ah I mean... thank you... you can have a share."
"Okay na kami. Tapos na kami kumain ni Laurent. Wag masyado madami kainin mo kasi malapit na mag-dinner."
"What time ba umuuwi si Uncle Edward, cuz?"
"Maya pa iyon. Siguro mga 7pm."
Nakita kong natigilan si Tsiko. I know iniiwasan niya si Dad. But she doesn't have a choice today.
Di bale, I'll make sure that she won't feel awkward pag nakasama namin si Dad.

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...