Chapter 69

700 66 11
                                    

***Cheska's POV***

Ilang araw na rin kaming nagkikita ni Angel sa loob ng classroom pero nakapagtatakang tahimik ito.

Di ko pa rin tuloy makalimutan ang ginawa ni Dale... ang kampihan niya ito sa harap ko at iwan ako.

Hindi siya nangugulo ngayon tulad ng dati. Dahil ba nandito si Luke? Or in-assume niya ng panalo siya kay Dale dahil sa nangyari? Pwes, magsama silang dalawa.

"Chikko."

Napalingon naman ako kay Luke.

"Care to tell me?"

"Huh?"

"You've been silent for the past days."

Di ko napansing tahimik din pala ako. Ang dami ko kasing iniisip. Una, pinaghahandaan ko ang paglabas ni Mama ng clinic. Sa wakas ay makakasama na namin siya. Pangalawa, ung mga exams namin na paparating. Hindi ako makapag-review ng maayos dahil sa kakaisip kay Dale at kay Angel. Bakit nga ba kasi sobra akong apektado?

"I'm fine. I'm just thinking about the exam."

"Me too. Do you want to do the review with me?"

"Hmmnnn. Parang gusto ko iyan."

"In my condo?"

"Nope. In our house. We'll start it right after class. Is it fine with you?"

"Sure."

Nakahawak ako sa braso ni Luke nang lumabas ng classroom. Nakita ko si Dale na nakatayo sa may puno. Baka hinihintay niya si Angel.

Nakita rin niya kami ni Luke pero umiwas siya ng tingin.

Ah, siya pa ang may ganang di mamansin, ha? Okay fine.

Sinadya kong mapadaan kami sa harap niya.

"Luke, can we watch movie bago tayo mag-review? I mean mall muna tayo? And doon na lang pala tayo sa condo mo magri-review." medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Dale.

Nakakunot ang noo nitong napatingin sa akin.

Inirapan ko siya. Akala niya ba siya lang ang may karapatan?

Let's see.

Nakita ko na lang na tumalikod na ito at umalis. Hinabol siya ni Angel ng nagtataka.

"Are you sure?" tanong naman ni Luke.

"Yeah. Of course."

"You really don't have to do this Chikko.... But if you think it will help you... I'm fine with it." nangiti na lang ito.

Alam kong alam niya ang ginawa ko kanina.

"Thanks."

Buti pa si Luke naiintindihan ako. Samantalang siya, naturingang bestfriend pero walang pakiramdam. Sabi niya mahal niya ako. Nasaan na ang pagmamahal na iyon? Nawala bigla dahil kay Angel? Mas mahal niya ba si Angel kesa sa akin?

Ganito nga siguro ang pag-ibig. Masakit. Nakakaloka.

Tinuloy namin ni Luke ang pagri-review. Effective naman dahil nawala sa isip ko si Dale ng panandalian. Nakapag-focus ako sa lessons na niri-review namin. Hindi ko magagawa ito kung mag-isa lang ako.

Hindi pumayag si Luke na hindi ako ihatid sa bahay pagkatapos.

Nagulat kami pagpasok dahil nandoon na si Papa at kausap niya si Dale sa sala. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.

"Hi Papa." Hinalikan ko ito sa pisngi.

Si Papa lang ang gusto kong batiin.

"Hi Sir. Hi bro." bati naman ni Luke sa kanila.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon