Chapter 22

713 63 11
                                    

***Cheska's POV***

Nakakapagod.

Kung pwede nga lang talagang hindi na magtrabaho.

Kaso hindi, kailangan kong pag-ipunan ang limang taon ko sa kolehiyo. Oo nga't libre na ako sa bahay at pagkain pero ayoko namang laging ganito, baka mabaon na ako sa utang na loob.

Gusto ko na ring bumukod ng tirahan.

Una, nahihiya na ako na halos libre na lang ang lahat, tapos ngayon pinag-aalala ko pa si Dale sa pagkakasakit ko.

Hindi niya ako obligasyon. Nagpunta siya dito sa Pilipinas para mag-aral at hindi para magkupkop ng isang ulilang katulad ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya sa akin?

Hindi naman ako baldado at abusado para hayaan siya.

At higit sa lahat, natatakot na ako. Unti-unti na akong nahuhulog sa kanya na hindi naman dapat. Wala namang malisya sa kanya ang mga ipinapakita niya dahil sa pagkaka-alam naman niya ay isa akong tomboy.

Pero babae ako. Babae akong nagpapangap lang na tomboy. Kung tutuusin hindi magandang tignan na magkasama kami sa iisang bahay.

Napakabait din ni Dale at ayokong abusuhin iyon.

Kailangang mag-desisyon na ako bago pa ako mahulog sa kanya ng tuluyan. Ayoko ring masaktan. Di nga ba may nagugustuhan na itong ibang babae?

Kailangan ko nang magpaalam sa kanya ng maayos.

---

Mag-aalas 9 na ng gabi nang makarating ako sa bahay nila.

"Cheska, nandiyan ka na pala. Kain na tayo."

"Hindi ka pa kumakain?"

"Hinihintay kita. Nagpunta dito si Tita Pat galing trabaho at may dala siyang ulam."

"Nagwo-work pala si Tita Pat?"

"Oo. Bakit?"

"So absent siya ng isang lingo noong may sakit ako?"

"Well, yes. Yaan mo na iyon. Manager  naman siya doon."

"Bakit hindi mo sinabi? Nakakahiya. Imagine one week siyang wala sa office, eh di natenga iyong mga trabaho noon."

"Okay lang iyon. Hayaan mo na. Siya naman ang may gusto. Okay fine. Pinakiusapan ko siya. Pero no need to worry."

"Dale... sabi ko ayokong na-oobliga ang ibang tao dahil sa akin. Nahihiya na tuloy ako kay Tita Pat."

"Kain na muna tayo para lumamig na iyang ulo mo, okay?"

Di na ako tumangi nang maghain na siya sa mesa.

"Your cap."

"Sorry." Hindi pa rin talaga ako sanay.

"Ahm.., Dale."

"Cheska..."

Halos sabay pa kami.

"Sige una ka na."

"Sige kaw muna."

At sabay talaga kami.

"Wala ka ba talagang naalala sa nakaraan mo?" si Dale.

"Nakaraan?" Nagulat ako sa pagtatanong niya.

"I mean... before you were adopted by your Nana."

"Wala masyado, bakit? Bigla ka naman yatang naging interesado sa nakaraan ko?" pinilit kong ngumiti.

"What if... I was part of your past?"

"Papaano mangyayari iyon? Eh di sana kilala kita."

"But I heard you once... You were calling me in your dreams... the nickname you used to call me... before.."

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon