Chapter 59

585 49 12
                                    

***DJ's POV***

Andito na kami ngayon sa hospital. Mom is in a bad state. Kailangan niya ng immediate operation. Samu't saring kaba ang nararamdaman ko. Hanga't alam kong hindi pa okay si Mom ay hindi ako mapapalagay.

Hindi naman daw talaga ito nalunod. She fell from the small boat dahil hinimatay siya at tumama pa ang kanyang ulo sa bangka. Huli na raw nang mapansin ito ng mga kasama niya. She's even on her life-jacket nang mahulog siya sa dagat.

I've been praying hard for her safety and recovery. Sana um-okay na agad siya.

Si Tito Marco ang agad kong natawagan dahil nagtatampo pa rin ako kay Dad. This is his fault anyway. Wala sanang mangyayaring masama kay Mom kung binigyan niya ito ng attention at priority. I thought he loves her very much... pero bakit hinayaan niya itong lumayo?

"Dale.... Kain ka na muna... Di pa tayo kumakain simula kanina... Si Tita Pat pinauna ko na sa canteen." si Tsiko na umupo sa tabi ko.

"Okay lang ako."

"Kailangan mong kumain. Mamaya magkasakit ka. Sino pang mag-aalaga kay Mommy Ninang?"

Napatingin ako sa kanya.

"I really appreciate your concern, Tsiko... Siguro kung wala ka... Di ko na alam ang gagawin ko... Salamat."

"Bestfriend nga di ba?" and she pinched me on the cheek.

Bagamat nagulat ako pero di ko napigilang mapangiti.

"Namiss ko iyan."

"Ah ganon! Lika!" She tried pinching me again pero umiwas na ako. Masakit kaya.

"Wala ka pala, eh!"

"Lumaki ka na kaya mas masakit ka na mangurot, no!"

"Hahahaha!"

Ngunit bigla rin akong sumeryoso. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko.

"Mommy Ninang will be fine. She's a strong woman."

"I know. Tulad mo."

Tumango siya.

"She's my idol."

Maya-maya ay dumating na si Ninong.

"DJ, what's the result? How is May? Ngayon ko lang nalaman. Kasalanan ko ito... Sana sinamahan ko siya o di kaya di ko na lang pinayagang umalis."

"It's not your fault, Ninong...."

"Hope everything is fine... Ngayon nga lang ulit kami nagkita tapos may nangyari pa sa kanya." malungkot nitong sabi.

"Hindi daw po talaga nalunod si Mom, Ninong. Bale nahulog siya kasi hinimatay siya. Then tumama pa ang ulo niya sa bangka..."

"What? Oh my God! Anong sabi ng doctor? Kailangang makausap ko siya... May mga kaibigan ako dito sa Cebu Doctors."

"Ililipat na po ng room si Mom from emergency... Pero for operation siya as soon as possible."

"Eh ang daddy mo, natawagan mo na?"

Napailing ako.

Parang naintindihan ni Ninong ang ibig kong sabihin bagama't nagtatanong pa rin ang kanyang mga tingin.

"Tito Marco is coming over... Baka kasama niya na po si Dad."

"Oh si Marco? Naku.. Mukhang magri-reunion pa ata kami dito, ah."

Nakatingin lang sa amin si Tsiko.

Inilabas na ng emergency room si Mom at inililipat na sa isang private room. Kausap naman ni Ninong ang doctor na nagkataong kaibigan niya pala.

"I need to talk to her husband before I conduct the operation, pre." ang sabi ng doctor kay Ninong.

"Sige. Parating na yata si Pareng Edward... Please do everything to save her, Pare."

"I know. Parang di ko naman alam ang halaga ng pasyenteng ito saiyo, Pre.... anyway... I'll do my best."

Napatingin ako sa doctor. Did I hear it right?

"Salamat." sagot naman ni Ninong.

Ayokong mag-conclude pero....

Tama nga kaya iyong sinabi ni Tita Pat? Na gusto rin dati ni Ninong si Mom? What if hangang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya? Bakit tila may alam ang doctor?

Hindi ko na lang masyadong pinansin ang narinig ko.

Ilang saglit ay nag-ring naman ang phone ko.

'Nandito na kami sa airport, DJ. Saang hospital iyan?' Si Tito Marco.

'Sa Cebu Doctor's po. Sino po ang kasama ninyo, Tito?'

'Sino pa eh di ang daddy mo. Naku malaman ko lang na may kinalaman ito sa pagkakaganyan ng mommy mo, malalagot ito sa akin.'

I know how Tito Marco protects and cares for my mom.

'Ni hindi niya nga alam na nagpunta kayo diyan sa Cebu... Sabi niya pa hindi daw kayo magkasama... Anyway.., papunta na kami diyan...'

'Sige po, Tito Marco... Ingat po kayo. See you.'

I ended the call.

"Pupunta ang Tito mo? Eh si Tito Edward?" tanong naman ni Tsiko.

"Magkasama sila."

Napakunot naman ang noo nito.

I understand her. Alam niya ang nangyayari.

Kahit ako ay hindi ko pa kayang harapin si Dad ngayon. Pero para kay Mom ay gagawin ko.

Nailipat namin ng maayos si Mom sa isang private room. Wala pa rin itong malay.

Hawak-hawak ni Tita Pat ang kanyang kamay.

"Naman kasi eh. Tigas din ng ulo mo day!" kinakausap nito si mommy nang tila naiiyak.

"Hay naku... Kasalanan tong lahat ni Edwardo..." dugtong pa niya.

I keep silent. Somehow I agree with Tita Pat.

"Wala pa rin ba ang daddy mo?" Tanong sa akin ng doctor.

"I need him to sign some papers."

"Parating na po, Doc."

Ganoon ba kapag inooperahan?

Bigla akong kinabahan sa sinabi ng doctor. Is there any possibility of....

No! Hindi maari. Mom will survive. I know she will.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon