***DJ's POV***
Nag-text sa akin kanina si Cheska na sunduin ko siya sa trabaho niya ng alas-5. Magpapaalam na daw kasi siya at last day niya na ngayong araw doon. Sinabi niyang sabay na kaming umuwi para makuha niya na ang mga natitirang gamit niya pa sa bahay.
I was happy but at the same time sad. Dahil tuluyan na siyang mag-iiba ng bahay. Pero masaya na rin ako dahil tila bumalik na ang pagiging mag-bff namin.
But she doesn't know na higit pa doon ang nararamdaman ko para sa kanya.
Handa na akong sumugal.... sabi nga ni Tito Marco na I should at least try my luck!
---
Pagka-galing ko sa office ni Tito Marco ay dumiretso na ako sa palengke.Medyo napaaga ako ng konti kaya naghintay na lang ako sa kanya sa labas ng tindahan.
Sa wakas ay namataan ko na siyang lumabas.
Tsk! Tsiko again... Kailan niya ba balak tangalin sa sistema niya ang pagsuot ng cap? Mas bagay sa kanya ang nakalugay.
Di ko namalayang kumakatok na pala ito sa salamin ng kotse. Bumaba pa rin ako para personal siyang pagbuksan.
"Ba't kailangan mo pang bumaba? Bubuksan lang ang pintuan eh." nagmamaktol na sabi nito.
"At bakit may cap ka na naman?"
"Eh alam mo namang palengke 'to. Madaming tarantado dito."
Di na lang ako nakipagtalo sa kanya. Anyway, it's her last day sa lugar na ito.
"Ano nga pala ang sabi ni Tito Blake? Babalik daw ba siya agad sa US?" tanong ko habang nasa biyahe kami pauwi.
"He's planning to take me sa US."
Bigla kong nahawakan ang preno dahilan para mapasubsob kami pareho sa unahan. Buti na lang at naka-seatbelt kami.
"Ano ba?! Hindi ka nag-iingat!"
"Pumayag ka?"
"Na ano?"
"Na sumama sa kanya?"
"Pinag-iisipan ko pa... Balak ko munang hanapin si Mama at ang mga kapatid ko. Tapos saka na siguro."
"So pag nahanap mo sila sasama na kayo sa amerika?"
"Pwede. Ayoko na kasing malayo kay Papa. Ilang taon kaming nagkahiwalay."
Ngayon pa lang ay parang nasasaktan na ako.
Sabagay... Ano nga ba naman ang halaga ko sa kanya? I don't have any reasons to make her stay. Alam kong pangarap niyang makarating ng amerika para makasama ang Papa niya. Sino nga ba ako para komontra?
Natahimik ako hangang sa makarating kami ng bahay. Wala ako sa sariling ipinasok ang sasakyan.
Nakababa na kami pareho ng kotse at papasok na ng bahay nang bigla siyang magsalita.
"Dale... ba't ang tahimik mo na? May problema ba?"
"Wala. Sige deretso ka na sa kwarto at kunin mo na ang mga gamit mo."
"Okay. Salamat."
Ngunit nagtaka ako dahil hindi naka-lock ang main door.
Bigla akong kinabahan.
"Bakit?"
"I locked this a while ago, right?"
"Aba malay ko. Sa kabilang bahay ako galing. Bakit? Bukas?"
Tumango lang ako at tuluyang binuksan ang pintuan.
Parang kakaiba ngayon.
"DJ!"
BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...