Chapter 45

654 49 5
                                    

***DJ's POV***

"Oh kumusta ka na? Hindi na tayo nagkikita. Madami ka na bang natutunan?"

Tito Marco was asking me.

"Of course Tito Marco. Magagaling po itong mga tao mo. Di pa man ito nadi-discuss sa school pero alam ko na."

"Good! At least you're proud of it. Eh kumusta naman ang lovelife mo? Nakapagtapat ka na ba sa bestfriend mo?"

Natahimik ako sa sinabi ni Tito.

Umiling lang ako.

"Tsk... wag kang magmamana sa akin. Hahahaha. Dakilang torpe. Gayahin mo ang daddy mo. Ambilis!"

"Really Tito? Akala ko po, baliktad? Hahahaha."

"No... Akala mo lang iyon. Ganito ako ka-jolly pero hindi ako matinik sa tsiks. Siguro kasi mabilis ako ma-inlove eh. Pero 3 beses lang ako nagmahal. Hirap masaktan eh."

"Talaga Tito? So si Dad matinik sa tsiks?"

"Aba, oo naman. Siya nga agad ang nanligaw doon sa campus crush noong panahon namin eh."

"Hindi po si Mom ang campus crush ninyo noon?"

"Hindi. Napakasimple lang kasi noon ni May at napakatahimik kaya hindi siya pansinin. Yung tipong nerd ba. Hindi nakikihalubilo. Aral-bahay lang ang nanay mo. Pero may nagka-crush na din sa kanya noon... Naaalala ko nga ang Tito Sean mo. Isa ring torpe. Di rin nakapanligaw kay May. Ako naman, naging bestfriend ko na noon ang nanay mo hangang ngayon."

"Si Dad po?"

"Naku, yun nga campus crush agad ang diniskartehan. Ayun gusto naman siya at pinatulan din agad."

"Sino po iyon?"

"Wag mo nang itanong. Baka marinig pa tayo ng Tita mo patay na naman ako. Basta nakita mo na iyon----"

"Sinong nakita?" biglang sabat naman ni Tita Kyla na hindi namin napansing pumasok ng room.

"Ah... yung isang engineer doon sa site. Nakita niya na iyon. Si Eric. Yun... si Eric nga."

Tinignan ko si Tito Marco at pinandilatan ako ng mata. Sinasabi niyang tumahimik na lang ako.

"DJ. How's your mom and dad?"

"They're fine Tita."

"Di ba sila nag-aaway?"

Nagtataka akong napatingin kay Tita Kyla. Umiwas naman ng tingin si Tito Marco.

"Bakit po? Hindi naman po. Dad is even sweet to Mom nitong nakaraang mga araw. Akala mo nga mga teenagers."

"Ah talaga? Magaling talaga si cuz..."

"What do you mean, Tita?"

"Wala. Sabi ko magaling talaga iyang daddy mo, lalo na sa business. Di patatalo iyan. Diyan na kayo... Hon, order ako ng food ano gusto mo? Kaw DJ?"

"Okay na po ako Tita. Pauwi na rin po ako."

"Okay, sige mag-iingat ka. Ikumusta mo ko sa mommy mo. One day dadalawin ko kamo siya."

"Opo, Tita. I'll tell her."

Lumabas na ulit si Tita Kyla.

"Tito Marco, what's that?"

"Ang alin?"

"Yung sinasabi ni Tita."

"Aba, malay ko. Wag mo ng intindihin mga pinagsasabi ng Tita mo. Sige na... Punta muna ako sa office sa taas. Ingat ka na lang pauwi.... at diskartehan mo na yung bff mo bago pa maagaw ng iba. Wag kang pahina-hina."

Natawa na lang ako kay Tito Marco. I love this side of him.

Akala mo maloko sa babae pero hindi... kahit ubod ito ng gwapo, one-woman-man siya kay Tita. Lagi pa nga daw itong outside de kulambo pag nagtatampo si Tita Kyla.

---
Maaga naman akong nakauwi.

Papasok ako ng bahay nang marinig ko ang ingay sa sala.

Mukhang may bisita kami.

Nagulat ako nang makapasok sa pinto.

"DJ darling, you're here! Come on! Kiss your Tita! Oh I miss you!"

Nandito ang paborito kong tiyahin. Ang nag-iisang kapatid ni Dad sa US. Kasama nito ang pinsan kong halos kasing-edad ko din. 2 years lang yata ang gap namin nito.

"Tita Lau! I miss you too! Cuz, Laurent! Hey!"

"Hahaha. Surprise, bro!"

Naunang yumakap si Tita Lau at pinupog ako ng halik sa pisngi. Lagi siyang ganito kapag nagkikita kami. Kamukha ko raw kasi si Dad.

"Oh my young Edward!"

Kinurot pa ako nito sa pisngi.

"Oh love, andiyan ka na pala. Kadarating lang nila Tita mo. Sorpresa daw. Hindi man lang nagpasundo sa airport." si mommy.

"Yeah, it's a surprise! Your dad doesn't know this either. Where is he?"

"Hay naku, Lau... Maya-maya pa ang dating noon. Come on nagluto ako ng meryenda. Sana magustuhan ninyo. Laurent, come on."

"Oh! I miss the food you cook, Dale! And I miss you even more!"

Sobrang close si Tita Lau kay mommy. Dale din tawag niya dito pati ni Tito
Blake. Sila naman ang magkakabarkadang tatlo.

"Wait, I know Blake is here in the country, right? Haven't seen him for a long time."

"Yeah. Nandito siya pero madaming inaasikaso. We haven't talk that much. Diyan lang siya sa kabilang bahay pero wala pa yata ngayon. Maybe later, puntahan natin... You know what? He already found his family. She's with her daughter in that house... then si Chery nasa.... hospital pa."

"Hospital?"

"Hmnn. Yup.... She had this traumatic experience when they got separated... Like us.., nagpagamot din."

"Really? Poor brother... Hope he's fine..."

"They're fine now, Lau. Mamaya tawagan ko si Cheska na pumunta dito. You'll like her."

"Cheska? Who's Cheska, Auntie? Is that Tito Blake's daughter?" biglang tanong ng pinsan kong si Laurent kay mommy.

"She's your Tito Blake's long lost daughter, Laurent. Naku, she's beautiful and sweet. You'll like her.., Ayan bestfriends sila ni DJ."

Napatingin naman sa akin si Laurent.

"Really, bro? Oh can't wait to meet her. Tito Blake has been telling me about her, before. Oh! good thing he found her."

Naku. Mukhang may bago na naman akong karibal. Close pa mandin itong pinsan ko kay Tito Blake.

"Yeah. Later you'll meet her." napipilitan kong sagot.

Maya-maya pa ay dumating na si Dad.

"Sissy? Laurent? Oh! what brings you here?"

"Surprise brother! Hahahaha. I miss you that's why. We were supposed to visit mom and dad in Germany but they said you're here with Dale and DJ so.... we went here..."

"Miss you too, Laura!" sabay yakap at halik nito kay Tita.

They're really sweet to each other.

"You're DJ is like your clone, brother. But he's more cute than you are." asar nito kay Dad.

"I know. I'm aging... he's young."

"Oh... love... Nandiyan ka na pala."

"Hi love.." humalik naman ito kay Mom.

"Dale, we've got a lot of things to talk about... Can we sleep together later?" paglalambing ni Tita kay mommy.

"Tsk! The great third-wheel is here!"

Natawa na lang kami ni Laurent sa expression ni Dad.

"And the jealous guy is still alive!" sabay tawa ni Tita Lau ng malakas na ikinasama naman ng tingin ni Dad.

Para silang mga bata. Sana may mga ganito rin akong kaibigan pagtanda ko.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon