Chapter 46

592 43 4
                                    

***Cheska's POV***

Nagmamadali akong lumabas ng gate dahil mali-late na ako. Kailangan ko pang maglakad palabas ng subdivision dahil maagang umalis si Papa at dala niya ang aming sasakyan.

Ewan ko din ba kung bakit di ako naisipang daanan ng mokong na Dale na iyon. Kung kailan ko naman siya kailangan...

Sa unang subject ang reporting na gagawin ko. Patay na! Bakit kasi di ako nakatulog ng maayos kagabi?...

Bitbit ang gamit ay halos dalawang hakbang ang bawat lakad ko.

Ni hindi ko na napansin nang may biglang bumanga sa akin.

"Aray!"

Subsob ako sa gilid ng kalsada sa lakas ng impact. Ang tigas naman kasi ng bumanga sa akin.

Alam kong may gasgas ang siko ko dahil ito ang unang tumama sa semento. Mabuti na lang at naka-pants ako ngayon kung hindi, hindi malayong magkasugat ako pati sa tuhod.

"Oh sorry! I didn't see you... Sorry! Are you, okay?"

Napa-angat naman ako ng tingin sa taong nagsalita. Hindi agad ako nakasagot.

Hanep!... hunk na hunk ang itsura nito. Mukhang kagagaling lang nito sa pag-dya-jogging.

Inilahad niya ang kamay niya para makatayo ako. Hindi na rin ako nagpakipot at kinuha ko ang kamay nito.

Ngayon ko lang siya nakita sa lugar na ito.

Naramdaman ko ulit ang hapdi sa siko ko. Nakita kong may dugo na ito.

"Oh shit you got wounded! Come here let me see it... Oh I'm really sorry."

Pilit niyang kinukuha ang braso ko.

"I'm fine."

At maglalakad na sana ako palayo.

"Where are you going?"

"I'm late already."

"But you're bleeding."

Tinignan ko naman ulit ang sugat ko. Dumudugo na nga.

Tss! Naman eh! Kung kailan nagmamadali!

Sa inis ko ay inirapan ko siya at naglakad ako pabalik ng bahay.

Hindi ako pwedeng pumasok ng ganito.

Sinundan niya naman ako hangang gate.

"Do you live here?" Parang di makaniwalang tanong nito.

Nilingon ko siya. Nagtatakang tumango lang ako.

"Cheska? Are you Cheska?"

Napakunot naman ang noo ko. Paano nito nalaman ang pangalan ko?

"I'm Laurent."

"So?" Nabigla din ako sa sagot ko.

"I mean, how did you know me?"

"I'm your dad's bestfriend's son."

"Huh? Bestfriend ni Papa?.... and you're his son?"

Parang ang tagal rumehistro sa utak ko ang sinabi nito.

Inisip ko kung sino ang bestfriend ni Papa na tinutukoy nito. Wala naman akong matandaan bukod kay Mommy Ninang.

Baka nangugulo lang ito.

"I don't know any of my Papa's friends aside from Mommy Ninang."

Pumasok na ako sa loob ng gate. Wala akong panahong makipag-lokohan. Sobrang late na ako at patay na ako sa Prof namin.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon