***DJ's POV***
Medyo late na akong nagising. Dali-dali akong bumaba.
Nagulat ako dahil naabutan ko pa si Dad.
"Dad, you're still here?"
"Ahm, yeah. Late ako nagising, eh. Wala kasi ang mommy mo. Wala din nag-asikaso ng mga gagamitin ko."
"Uy si Dad. Na-miss na agad si Mom." biro ko sa kanya.
Ngunit di maipinta ang mukha nito.
"I'm late already. Ang dami kong meetings ngayon. Tsk."
So sinisisi niya pa si mommy dahil late siya?
"Sana po nag-alarm kayo or sinabihan niyo ako para ako na lang ang nanggising sainyo. Bukas Dad gisingin po kita."
"Eh ikaw nga din late, di ba?"
Sasagot pa sana ako pero tumalikod na ito.
Not a good morning for Dad.
Ako? I'm happy kahit wala akong tulog. I was chatting with Tsiko 'til 3am.
Nauna pa rin si Dad na umalis sa akin. Ni hindi niya na kinain iyong breakfast na niluto ni Aling Aida.
Masaya akong pumasok ng school. I feel inspired each day na nakakasama ko si Tsiko at alam kong walang ibang pomu-porma dito. I just need to make sure, though.
Natapos ang uwian at balak kong sunduin siya sa classroom nila.
"DaleJohn! There you are. Mom, andito na siya."
"Ay iho, nandito ka na pala. Your dad asked me to fetch the both of you para sabay-sabay na tayong mag-lunch."
Nagulat ako dahil nandito sa loob ng campus si Tita Lizzy.
"Po? Si Dad?"
"Yeah. You can call him if you want."
At inaabot nito sa akin ang phone niya.
"It's okay, Tita. No need. Ahm kaso po... I have a prior commitment na kasi."
"Cancel it at samahan mo muna kami. Mas importante naman siguro saiyo ang makasamang mag-lunch ang daddy mo, right?" ngumiti pa ito ng pagkaganda-ganda.
In fairness angelic face si Tita, kahit may edad na siya.
Pero paano nga ba ito?
"Alright, Tita. Sige po. Alis na lang po agad ako pagkatapos kumain."
"Yeah. So... let's go?"
"I have my car, Tita. Kayo po ba may dala din or sa akin na lang kayo sasabay?"
"No. I have my car as well dala ng driver ko. Pero si Angel saiyo na lang sasabay. Doon na lang tayo magkita-kita sa pina-reserve kong resto, alright?"
Wala akong nagawa kundi isama si Angel sa kotse.
Nagpalinga-linga ako pero hindi ko na nakita si Tsiko. Maybe she left early.
Nasa kotse na kami nang mag-open ng conversation si Angel.
"Ahm DaleJohn... Ilan na ba ang naging girlfriends mo?"
Napatingin ako sa kanya.
"Wala pa."
"Wala pang ano? Wala pang seryoso?"
"No. Wala pa talaga."
"Really? As in... virgin ka pa?"
Muntik na siyang masubsob ng aksidente kong maapakan ang brake.

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...