Chapter 32

635 67 10
                                    

***DJ's POV***

Nakauwi ako ng medyo mas maaga ngayon. Hindi na muna ako isinama ni Tito Marco sa site.

Balak ko ring samahan muna sa Tsiko sa bahay nila. Alam kong nalulungkot pa rin ito sa nalaman nila.

Agad akong dumiretso sa kitchen para sana uminom ng tubig pero naabutan ko sina mommy sa dining. Sinusubuan ni daddy ng pagkain si mommy.

Lagi ko naman silang nakikitang ganito lalo na noong maysakit pa si mommy pero parang iba yata ngayon...

Hmnnn. Strange.

Parang blooming si mommy na ewan and dad seems to be happy.

Ngayon ko lang siya nakitang ngumingiti.

"Love, enough na... Ang dami ko ng nakain. Baka bangungutin na ako niyan..." reklamo ni mommy.

"You need this.."

"Tumigil ka Edwardo ha. Nakakadami ka na."

"Love wala akong sinasabi... Napaka-advance mo mag-isip.... Aray!"

Nagtatampo ako but I couldn't help but smile upon seeing them like that. Mom is happy and I could see it in her face.

"Oh love andyan ka na pala... Lika! Sabay ka na. Dito ka sa tabi ko dali."

Umupo naman ako sa tabi ni mommy at napapasulyap ako kay dad.

Parang nag-iba yata ang ihip ng hangin?

Anong meron?

Mom served me food nang nakangiti.

"Anak... kausapin natin mamaya si Cheska ha... Samahan mo ko sa kanya."

Tumango lang ako at kumain.

"We'll talk later too, son.."

Napatingin ako sa kanya.

Mababa ang tono niya na tila nakikiusap?

Tumango lang ako sa kanya. Nakakapagtaka.

Tungkol saan naman kaya ang pag-uusapan namin?

I saw mom hold and press his hand. Parang inassure nito si daddy na everything is fine.

It felt awkward. Naninibago talaga ako kay Dad.

"Kumusta ang studies mo, love? Di ka naman ba nahihirapan? Nandito lang ako ha... I can help you. Pareho tayo ng linya, remember?"

"Okay naman po, mom. Pag nahihirapan po ako... si Tsiko... I mean... I consult Cheska on it."

"Matalinong bata din talaga si Cheska." mom praised Tsiko.

"Parang ikaw." si Dad at ngumiti ng todo kay mommy.

"You were our validectorian, walang nakakatalo saiyo, love."

"Kaw naman ang kalaban ko... You were competing with me di ba? Pero siguro kung di ka nainlove dun kay ano... baka natalo mo ko.."

"Ayaw ko ng maalala iyon, love. Saiyo lang ako nainlove... tandaan mo iyan."

"I know... And you were my inspiration kaya ako nagta-top..." hinawakan ni mommy ang pisngi niya.

Para silang mga teenagers na nag-uusap.

Napapailing na lang ako.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam akong aakyat muna sa kwarto.

Nagbihis lang ako at bumaba ulit. I remember mom said a while ago na kakausapin niya si Cheska.

Oh shoot! Di pa nga pala alam ni mommy na nandito sa Pilipinas ang kaibigan niyang si Tito Blake. Bakit nga ba hindi ko nasabi sa kanya?

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon