***Cheska's POV***
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa canteen. Hindi ako nakapag-almusal kanina kaya naisipan kong dito na lang din mag-lunch tutal wala naman din si Papa sa bahay.
Nakapila na ako para mag-order sana ng pagkain.
"Hey, T-bird. Nandiyan ka pala! Ba't absent kayo ng ex ko ng ilang araw? Saan kayo nagpunta?"
"Oh hi! Wala naman, binantayan niya lang ako sa bahay kasi nagkasakit ako. Kawawa nga iyon eh. Umabsent lang ako, aabsent din." pang-aasar na sagot ko dito.
Alam ko na kung paano ko siya iinisin.
Nakita kong dumilim ang mukha niya.
"Wait, akala ko ba hindi ka na interesado kay Luke kasi may iba ka na namang idini-date di ba..... who happen to be my bestfriend?"
"Hindi naman na talaga ako interesado kay Luke. But I'll make sure na hindi siya mapupunta saiyo."
"Oh what a selfish girl you are, dear. Bad iyon. Anyway, wala ka naman atang magagawa kung ako lagi ang sinasamahan ng ex mo di ba? He's enjoying my company..."
"Magsasawa din saiyo si Luke. He doesn't like boring girls like you."
"Oh really? Sa pagkakaalam ko kasi ikaw ang na-bore sa kanya... Pero di naman siya boring... Hindi kaya di ka lang talaga maka-adjust sa kanya noon?"
"Hoy T-bird, eto tandaan mo! Sinisiguro kong mawawalan ka ng mga kaibigan mong nilalandi. Kasama na ang bestfriend mo. Kunwari ka pang tomboy tomboy ka eh halata naman ang pagkakagusto mo sa kanila. Gagamitin mo pa ang pagiging boyish mo kunwari. Napaka-opurtunista!"
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.
"Hindi ako malanding katulad mo at lalong hindi ako oportunista." mahina kong sigaw sa kanya.
Nakakakuha na kami ng atensiyon ng ilang estudyanteng kumakain din sa canteen.
"Really? Oh ayan nga di ba nakuha mo na ang ex boyfriend ko? Ngayon naman ay si DaleJohn ang puntirya mo. Pero hindi ako papayag. No way! Magiging isang pamilya kami sa ayaw at sa gusto mo. Either kami ni DaleJohn ang magkatuluyan or si mommy at si Tito Edward.... at least one of that is for sure.... So mawawala ka rin sa landas namin."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Anong sinasabi nitong si Tito Edward at ang mommy niya ang magkakatuluyan? Or siya at si Dale?
"Lakas mong magsinghot ng katol, lam mo yun? Stop hallucinating!" sagot ko sa kanya. Pero ang totoo nasasaktan ako sa sinabi niya. Paano kung totoo nga? Eh madalas nga daw magkita sila at ni Tito Edward... pati na rin si Dale.
Nawalan ako ng ganang kumain kaya naisipan kong umalis na lang ng canteen.
"Wait and see... T-bird! When that time comes... Ni makalapit sa bestfriend mo di mo na magagawa...." at tumawa pa ito ng pagak.
I'm hurt. Di lang para sa akin kundi para kay Mommy Ninang. Kumusta na kaya siya? Alam kaya niya ang mga nangyayari?
I tried calling her pero naka-off ang phone niya.
Napagpasyahan ko na lang na umuwi.
Papasok na ako ng gate nang mamataan kong bumaba ng taxi si Tita Patricia.
"Hi Tita Pat! Kumusta po?"
"Hi Cheska! Naku mas lalo kang gumanda dyan sa buhok mo... para ka ng si May ah... Kumusta na kayo ni DJ?"
"Po? Ahm okay naman po, di pa po ulit kami nagkikita... May work yata siya ngayon.... Ngayon lang po ata kayo nadalaw dito.."
"Oo may pinapakuha sa akin si May eh. Tara sa loob sama ka."
"Ay hindi na po. Hintayin ko pa po si Papa ngayon."
"Wala kasi akong kasama. Alam kong mga katulong lang ang nandito."
"Huh? Bakit po? Nasaan po sila? Si Mommy Ninang?"
"Nakabakasyon ang ninang mo. Si DJ at Edward sa trabaho naman nila."
"Kaya pala hindi sumagot sa tawag ko si Mommy Ninang..."
"Naka-off ang phone noon ng isang lingo kaya wala kang aasahan doon."
"Ganoon po ba? Sana ma-enjoy niya ang bakasyon niya. Siyanga po pala Tita Pat... gusto ko pong makita iyong gallery ni Mommy Ninang. Saan po ba banda iyon?"
"Ay sumama ka kaya sa akin ngayon pabalik? Ayan... para di ako maburo doon. Dalaw ka sa akin doon lagi. Yung mga paintings na lang ni May ang lagi kong kausap eh. Hahhaha."
Natawa din ako sa kanya.
"Ay sige po gusto ko iyan."
Sa wakas makikita ko na din ang art gallery na iyon.
Kailan na nga ba ako huling nag-paint? Kailangan kong ma-achieve ang ganda at kalidad ng mga paintings ni Mommy Ninang.
"Wait lang po Tita Pat. May kukunin lang po akong gamit sa loob."
"Sige... sabay na tayo papunta. Pasok din muna ako dito."
---
Nagtaxi kami pabalik ng gallery.Pagbaba ko ng taxi ay napatingin ako sa taong bumaba din ng sasakyan. Gusto ko sanang magtago pero huli na dahil nakita niya na ako.
Pero mas lalo akong nagulat dahil sa isa pang bumaba din ng sasakyan. Naka-alalay pa ang una rito.
Parang sumikip ang dibdib kong di ko maintindihan. Kusang napakunot ang noo ko.
"Edward? Anong ibig sabihin nito?" narinig kong sabi ni Tita Pat.
Hindi na ako nakapagsalita. Wala akong maisip na sasabihin.
"Oh hi Patty. Nandiyan ka pala... Cheska?"
Napatingin naman ako sa kanya pero di ko mapigilan ang galit na nagregister yata sa mukha ko.
"Pat... It's not what you think, okay?"
"Edward, wala akong karapatang manghimasok sa buhay ninyong mag-asawa. Pero may karapatan akong mag-advise kay May ng gagawin niya bilang pinsan na nagmamalasakit. Tsk! Di ka na natuto."
"Pat, please... Hindi totoo ang nakita mo... I mean... it's not what you think."
"So multo ka? Di ka totoo? Haay Edward. Bahala ka na sa mga pinaggagawa mo. Sana lang di masira ang pamilya mo... Alam ko na kung bakit wala si May ngayon... Hay naku! Buti na lang talaga single ako! Naku!" sabay tingin nito sa kasama ni Tito Edward na nakuha pang ngumiti.
"Oh there you are baby girl. Ikaw iyong kasama ni May noong isang araw di ba?"
Hindi ko siya sinagot pero nakita kong napakunot ang noo ni Tito Edward.
"Yeah. We meet her and May sa mall. Mukha nga silang magkapatid or mag-mommy. I thought anak ni May. Inaanak pala siya... But she looks like her."
Tinignan naman ako ni Tito Edward. Parang pinag-aralan nito ang itsura ko. Napayuko na lang ako.
"Lika na Cheska. Tatawagan ko pa si DJ." hila sa akin ni Tita Pat.
"Pat... please... let me handle this."
"Edward... easy.. wala pa akong gagawin. Just make sure na hindi mo niloloko ang pinsan ko. Ako ang una mong kalaban."
Tuluyan na akong hinila ni Tita Pat sa loob ng gallery.
"Ta*na babaeng iyon! Ang landi talaga! Walang pinagbago! Kakagigil! Bwisit!"
"Tita.."
"Hay naku... pasensiya na. Di ko lang talaga mapigilan... Kaya pala nag-eskapo na naman iyong isa... May problema na naman..."
BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...