Chapter 80

817 65 9
                                    

***DJ's POV***

"Love! I miss you so much! Kumusta ka naman diyan?" sigaw ni Mom sa background.

We're doing a video call at nag-uusap kami ni Dad tungkol sa pag-aaral ko dito sa Germany.

It's been three years since umalis ako ng Pilipinas and I got no time to come home. Bihira ko din silang makausap dahil pare-pareho kaming busy. Nagkataon lang na ngayong araw na ang lahat ay nasa bahay at ako naman ay nasa dorm ng school.

And we have our new family member now.... my cute little sister... She's already two years old and growing so fast. Karga-karga siya ni Mom habang lumalapit sa camera. Pinasa naman ni Dad ang phone kay Mom.

Oh I love to see my baby sis. She keeps on giggling while Mom and I talk. She's drawing attention to herself.

"Tuwang-tuwa saiyo si Baby Catelyn, love. Nami-miss ka niya... Say hi to Kuya, baby!"

"Ha---hi! Ayabyu!" at tipong inaagaw nito ang phone kay Mom para humalik sa camera... I can see her pouting her cute little lips... She's sooo adorable. Gustong gusto ko na siyang makita ng personal at makarga.

"I love you too, baby! Wait for Kuya... I miss you so much cutie! I miss you Mom!"

"Miss you too, love. Sana makauwi ka na sa darating na pasko."

"I'll try my best, Mom."

"Nak, may ipapakilala ka na ba sa amin?" bigla nitong pagseryoso.

"Hahaha. Si Mom talaga... Yaan ninyo po makikilala mo rin siya."

"So you have a girlfriend now?"

"Uhmmnnn. Sort of."

"Ano??? Anong sort of? Anong meron kayo?"

Si mommy talaga napaka-mausisa kahit kailan.

"Kind of complicated... Pero okay naman..."

"Baka kung ano na iyan ha? Sige pakilala mo na nang makilatis ko naman..."

"Sure thing, Mom."

"Hey love! Did you know that I got to talk to Blake last week? I called sissy and she was with him..."

I heard Dad talked in the background. Parang sinasadyang iparinig sa akin ang sinasabi niya.

My heart skipped for a moment. I haven't heard anything about 'them' since I left. I chose not to.

"Talaga, love? Sa akin di na nakakatawag ang mokong na iyon. Anong sinabi niya saiyo?" sagot naman ni Mom.

Nakalimutan nila yatang nasa linya pa ako. I can see my little sister playing with the phone now. I make funny faces to get her attention. Tuwang-tuwa naman ito. But my ears seemed to be focused sa pinag-uusapan nina Mom and Dad. I got curious all of a sudden.

Ang kaso biglang tumawa ng malakas si Catelyn dahilan para hindi ko maintindihan ang sinabi ni Dad tungkol sa kanila. I only heard her name... Cheska... or was it selective listening?

Where is she now? What happen to her?

Pero nanaig pa rin ang pride ko and I tried to ignore the information about her and her family.

"Ahhh. Mom I have to go... I need to review... 'Call you again some other time. Bye everyone! Bye bye baby!"

"Huh? Alis ka na? O sige sige. Tawag ka lagi ah. Mag-iingat ka diyan. I love you, love... Please find time to come home pag walang pasok... We miss you here..."

"Yes Mom I'll try."

"Bye son! Take care!" sigaw ni Dad sa background.

"Bye Dad! Bye everyone."

At pinatay ko na ang video call.

Sa tatlong taon kong pamamalagi dito sa Germany ay wala akong ginawa kung hindi ang mag-aral. Una, para patunayan sa parents ko na worth it ang pagpapa-aral nila sa akin dito. Pangalawa, gusto ko siyang kalimutan katulad ng gusto niya... I don't even know kung nagawa niya na iyon sa akin...

She was right. Maraming magagandang babae dito that could get my attention.

I have a girlfriend now named Tiffany. She's an Irish girl at sa Germany din siya pinag-aral ng parents niya. She's a sweet and a very fine lady. Iyong tipong hindi makakabasag ng pingan.

I met her in one of our school events. At first I thought she's a snob but later on I learned that she just really doesn't want to mingle with anyone. She's a loner. I was a bit challenged then when every guy in school couldn't pass the barrier she set with herself. My curiosity took me in trying to know her reasons and to break that barrier.

One day I saw her crying in the aisle going to the locker room. We're the only people there so I went to ask her if she's okay. I even offered her a hanky.

I never expected that moment that she would confide all her troubles to me... but she did. She said his boyfriend in Ireland broke up with him. I felt sad for her. From then on she became my company and the last thing I know, she's already my girlfriend. However, we hardly talk to each other inside the university campus because we are of different courses. Once a week would be the most. And those times that I'm with her are times that I could escape from all the memories I have with my bestfriend. I tried and am still trying to forget Tsiko... three years and counting... but I'm failing.

I never brought a thing with me that could make me remember her. I left all of them in the Philippines. That's part of the plan. But everytime I see a blue eyed lady, she automatically invades my memory.


***Cheska's POV***

San Francisco, California.

I'm bored right now. Kakatapos lang ng exam sa isa sa mga major subjects namin. It's kinda stressful kaya I decided na puntahan ang kaibigan ko sa restobar niya. Isa na ito sa pinakasikat na Filipino inspired restobar sa buong San Francisco.

"Eyyy... It seems that you wanna eat those people alive."

Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Laurent sa likuran ko.

"I'm not staring at them... I was just thinking of the exam a while ago..."

"Gutom lang iyan... Here!... your fave... Pasta de Laurent..."

Bigla akong naglaway pagkarinig ko pa lang ng pangalan ng sinabi niyang pagkain. Isa ito sa specialty niya... Pasta in laing and creamy white sauce... Sarap! Eto rin ang bestseller sa menu list ng restobar niya.

"Yan! Yan! Thank you so much my friend! Alam mo talaga ang pampakalma ko..."

Nilapag nito ang pagkain sa harap ko and he sat in front of me.

"Oo alam ko kung gaano ka katakaw... Yan talaga ang gamot mo... Food is life!" sabay tawa nito.

Sinimulan ko ng lantakan ang pasta. Simula kasi ng umuwi kami dito sa bahay namin sa California ay iyon na ang isa sa mga naging libangan ko... lalong lalo na kapag nai-stress ako... ang kumain. Mabuti na lang at isa ako sa mga pinagpalang nilalang na napakalakas ng body metabolism. Na kahit gaano karami kumain ay hindi pa rin tumataba...

"Ang dami mo sigurong alaga diyan sa tiyan mo..."

"Shut up.."

"Eh kasi ang payat-payat mo pa rin... Para kang si Auntie."

Napangiti ako ng maalala ko si Mommy Ninang... Oo nga pareho lang kami halos ng built nito.

I have a constant communication with them lalo na kay Tita Patricia. Sa kanya ko kasi pinapadala ang mga gawa kong painted canvas. Sa Pilipinas na ito napi-frame at naka-display for sale sa gallery ni Mommy Ninang kasama ang mga gawa niya. She offered me to become her business partner sa kanyang art gallery business.

Painting is a part of my life now. Dito ko nalalabas lahat ng emotions ko, frustrations, happiness and all. My ultimate outlet kapag nalulungkot ako... Kasama na ang paminsan-minsang pagsagi sa aking isipan ng isang taong hinding hindi ko naman makalimutan....

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon