Chapter 58

686 63 25
                                    

***DJ's POV***

Narating na namin ang room ni Mom. I'm excited to see her. Kaso nga lang nang-iinis na naman itong si Tsiko. She's been staring on Ninong Sean from time to time.

I admit I feel jealous.

Naka-surfing shorts lang kasi ito at nakasando kaya kita ang ka-macho-han nito. Someday I'll have that kind of body.... Yun pala ang mga tipo niya.

Ninong knocked on the door.

Pero walang sumasagot. Pinihit niya ang knob pero naka-lock ito.

Is she there? Mukhang walang tao.

"I think itinuloy niya ang pag-island hop. Kanina kasi sa breakfast sabi niya balak niyang pumunta sa ibang islands dito."

Medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Mag-island hopping si Mom ng mag-isa?

"Abangan ninyo na lang siya dito or doon sa beach... or inquire kayo doon sa reception... baka may list sila ng mga sumama sa island hopping. Malalaman ninyo kung anong oras ang balik nila."

"Sige Sean. Salamat."

"Thanks, Tito Sean." nagpapacute na sabi ni Tsiko dito.

"You're welcome... Cheska, right? See you around."

"Una na po kami Ninong. Thanks po."

Pumunta si Tita Pat sa reception area at kami naman ni Tsiko ay dumiretso sa dalampasigan.

"Ang ganda ng dagat!" ang sabi nito.

"Oo ang ganda." Pero sa kanya ako nakatingin.

Sumimangot naman ito.

"Gusto mong maligo?"

"Maya na lang kapag nandito na si Mommy Ninang. Para mas masaya."

Tumambay lang kami sa dalampasigan para hintayin ang pagbalik ni Mom galing sa kabilang isla.

Maya-maya lang ay may mga parating na bangka na kaming natatanaw.

But for some reason, my heart beat fast.... bigla akong kinabahan.

"Tabi-tabi! Paraanin ninyo! May nalunod!"

"May nalunod! May nalunod!"

Ilan sa mga sigaw na narinig namin.

Out of curiosity ay lumapit ako kasunod si Cheska papunta sa kumpulan ng mga tao.

"Dalhin na ito sa ospital! Kailangang madala ito kaagad. Nasaan na ang ambulansiya?!"

Nakipagsiksikan ako sa mga taong nakapalibot sa mga taong dumating.

May nalunod daw? I got curious as well.

Ngunit nang ilatag na ang katawan ng sinasabi nilang tao sa isang emergency stretcher ay halos panawan na ako ng ulirat.

It's Mom!

"Mommy Ninang?! Si Mommy Ninang! Dale!" sigaw ni Cheska habang tinatawag ako.

Hindi ako agad nakakilos.

Mom? Si mommy!

Tinulak ko ang ibang tao para makapunta ako sa kinaroroonan niya.

"Mom! Mom! Manong? Ano pong nangyari?"

"Nalunod siya... Paraanin ninyo muna kami. Kailangang madala siya agad sa ospital."

Agaran naman ang pagresponde ng  medical team ng hotel at agad na naisugod si mommy sa ospital.

Sumunod kami nina Tita Pat sa ospital sakay ng taxi.

All of us are praying for her as we don't know yet exactly what happen to her.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon