***May's POV***
I was shocked nang tuluyang suntukin ni Marco si Edward. Gumanti rin ang asawa ko at nagpalitan na sila ng suntok.
Pero mali. Hindi sila dapat nag-aaway sa bagay na ito.
"Tama na ano ba?!"
Di ko na napigilang sumigaw dahil ayaw nila magpaawat.
"Hindi mo kilala ang anak mo, Edward! Now why don't you ask yourself why? At nang hindi ka nang-sisisi ng ibang tao."
Marco is screaming now. Tila lumabas ulit ang dating inis nito kay Edward. I know he was just triggered.
"It's because of you!... kahit kailan mang-aagaw ka ng atensiyon!"
Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang pag-iisip ni Edward.
Kasalanan ko ba?
"Oh really?! Ako pa talaga ang nang-agaw ng atensyon? Pakingan mo nga ang sarili mo, bro. Mukhang ikaw yata ang lasing eh."
"Stop it, Marco!" Saway ko dito. Alam kong hindi ito titigil kakasagot kay Edward.
"As always, May. Ako na naman ang mali... Well... sorry..... again!"
Nagwalk-out na ito. I know he's hurt. Pero wala akong magawa. Gusto ko siyang habulin pero nagdalawang-isip ako.
"Sh*t! Bullsh*t!" narinig ko pang nagmura ito bago pumasok ng sasakyan at umalis.
Nakaalis na si Marco pero nakatayo pa rin si Edward. He's breathing hard at nakahawak pa sa magkabilang bewang. He's full of pride.
Nakaramdam ako ng inis sa kanya sa pagkakataong ito. Basta-basta na lang kasi umi-eksena nang hindi muna nagtatanong.
Namataan ko si DJ na nakaupo na sa isang plant box sa gilid ng gate. Lasing nga ito. Agad ko siyang pinuntahan at pinilit na itinayo.
"Come on love, pasok na tayo. Ano bang nangyayari saiyo?" pero hindi niya na ako sinasagot. Nakatulog na yata ito.
Tinulungan naman ako ni Edward na i-akyat sa kwarto niya si DJ. Agad naman na itong lumabas pagkatapos namin siyang ihiga sa kama.
Pinunasan ko si DJ at pinalitan ng damit.
Ang kawawa kong anak. Hindi ko alam na may pinuproblema din pala siya.
I should have thanked Marco pero ito pa ang napagbuntunan ni Edward. Tinalo na naman kasi ng selos... I don't know why until now ay hindi pa rin siya maka-move on kay Marco.
Marco has Kyla now, na pinsan niya pa. Masaya na ito sa buhay may pamilya.
Edward is just insecure.
May pagkukulang ba ako?
Bigla kong naalala ang kinakaharap kong problema... Baka nga malaki na ang pagkukulang ko... Kaya nagkakaganito na ang lahat... Pati ang anak ko.
---
Ngayon ko lang napansin ang loob ng kwarto ni DJ. Ang tagal ko ring hindi nakapasok dito.I saw a teddy bear sa mismong kama niya. Katabi niya ito sa pagtulog?
Ito ang teddy bear na regalo ko sa kanila ni Cheska noong malilit pa sila. Cheska's bear has DJ's name na nakaukit sa puso... Ganoon din kay DJ na pangalan ni Cheska ang nakalagay...
I'm wondering kung bakit nasa kama niya ito. Matagal na itong nakatago.
Hindi kaya..... si Cheska ang gumugulo sa isip niya?
I know how he cares for her. Si Patricia pa nga mismo ang nagpatunay... Pero may nililigawan siyang iba... walang iba kundi ang anak ni Lizzy.
Nakaramdam ako ng inis nang maalala ko na naman ang nangyari sa mall.

BINABASA MO ANG
My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)
FanfictionBarber Series 2 Mayward of the next generation. Kung nabasa niyo ang My May, My Enemy you will have the idea kung sino sino ang mga characters dito. Enjoy reading guys! Hope I still get the same support from the previous stories. All votes and comme...