Dondi's POV
Mabuti na lang hindi ako na-late kahit may aberya ako kanina papuntang trabaho. Malayo pa lang malaki ang ngiti ni Jun nung makita nyang paparating na ang kotse ko. Sya ang papalitan ko sa shift. Nakakatuwa lang na sya ang karelyebo ko sa unang araw ko dito sa bangko at least alam kong hindi ako mahihirapang mag-adjust sa kasama ko sa trabaho. Mag-batch kami ni Jun sa training ng pagiging security guard, kaya magkakilala kami, palibhasa magka-edad kami kaya siguro magkasundo kami.
Tatlo kaming nakadestino sa bangkong ito pero yung isang kasama ko mamayang alas dos pa ang shift. Ok lang naman sa akin ang pang-gabing shift pero si Jun mas pinipili nya ang pang-gabi kasi may klase sya sa hapon.
"Ang aga mo pre" sabi nya
"Hindi ko pa kasi kabisado kung saan magandang dumaan kaya mga ilang araw din akong aalis ng maaga sa bahay para malaman ko yung iba-ibang route" sagot ko. "Ayos lang bang mag-park ako dito?" Tanong ko
"Oo naman, yung kotse lang naman ni Boss Lance yung nagpa-park dito sa parking natin, hindi naman napupuno itong parking space natin eh" sabi ni Jun
"Ayos, hindi ko na kailangang humanap ng parking" sabi ko
"Sigurado ka bang ok ka lang sa branch na 'to? Medyo magulo sa lugar na 'to kasi malapit sa talipapa" tanong ni Jun
"Oo naman, kesa dun sa Caloocan. Sa EDSA palang stress na ako sa traffic. Atleast dito wala pang isang oras nandito na ako galing sa bahay. Buti ka nga walking distance ka lang dito sa bangko galing sa bahay nyo" sagot ko
"Oo nga, minsan sumama ka sa akin, para makilala mo naman ang nanay ko" sabi ni Jun. "Sige magpalit ka na ng uniporme para makauwi na ako" dagdag nya.
Eto na, officially umpisa na ang trabaho ko sa bagong branch na 'to. Sana naman eh hindi maging pangit ang araw na ko kahit bad trip ko naumpisahan ito.
Anna's POV
Ang lakas makasira ng araw ng mestisong bangus na yun ah. Inaamin ko, kami ang may kasalanan, pero tama bang five thousand ang hingin nyang pampagawa nung kotse nya na obvious naman na second hand. "Gago ba sya?" malakas ko sinabi
"Gago talaga, tulog yata yun nung nagmamaneho eh" sagot ni Boyet. Hindi ko naiwasan na tingnan sya ng masama kasi sya naman talaga ang may kasalanan bakit nasanggi namin ang kotse nung mayabang na yun.
"Sumasagot ka pa talaga ha, ikaw naman ang may kasalanan kung tutuusin. Kung ako ang nabangga mo ipapakulong talaga kita dahil sa katangahan mo. Bakit kasi hindi ka nag-iingat alam mo naman na lamang ang huli dun kasi pinasok natin ang one way" sabi ko
"Malay ko bang biglang susulpot ang kotse ni tisoy" hirit pa ni Boyet
"Tumigil ka na nga, dadagdag ka pa sa pagkasira ng araw ko eh. Anak ng baka, may exam pa naman ako mamaya, paano na ako makaka-focus kung bwisit na bwisit ako sa mayabang na mestisong bangus na yun. Utang na loob Panginoon wag naman po sanang mag-krus ulit ang landas namin at baka hindi ko sya matantya" sabi ko
"Teka lang pinsan, bakit ka ba galit na galit eh tinakbuhan naman natin si tisoy, so walang nawala sa atin" sabi ni Boyet
"Anong walang nawala? Tanghali na, siguradong tira-tirang prutas na naman ang mabibili natin sa palengke. Humanda ka kasi siguradong tatalakan tayo ni Mama Rio mamaya" sabi ko
Pagdating namin sa palengke saka lang ako nakahinga ng maluwag kasi mabuti na lang may mga nabili pa kaming prutas na paninda. Pagkagaling sa palengke, dumiretso na kami sa pwesto namin at inayos yung mga paninda namin.
Pinili ko na mag-review na lang kasi hindi pa naaalis ang inis ko sa maagang kabwisitan na inabot naming kanina. Nanggigigil talaga ako sa mayabang na yun. Hindi lang mayabang mapagsamantala din. Ang kapal talaga ng mukha nyang humingi ng limang libo para sa kakarag-karag nyang kotse.
"Good morning Anna" narinig kong may bumati sa akin. Nung tumingi ako para malaman kung sino ang bumati sa akin, isa rin palang taong pwedeng sumira sa araw ko.
"Walang maganda sa araw Jun kaya utang na loob lubayan mo ako" sabi ko at pinahalata ko talagang naiirita ako sa presensya nya.
Security guard 'tong si Jun dun sa bangko sa kanto. Hindi nakukumpleto ang araw nito kung hindi dadaan dito sa tindahan namin para mag good morning bago tuluyang umuwi sa kanila.
"Ang aga mo namang magsungit, mabuti na lang maganda ka pa rin kahit masungit ka" sabi ni Jun. "Kapag bumili ba ako ng tinda mo, mawawala ang pagiging masungit mo?" tanong nya
"Kung singkwenta pirasong mansanas ang bibilhin mo malamang mawala ang pagsusungit ko. Pero pwede ba kung wala ka namang bibilhin eh umalis ka na. Hindi mo ba nakikita na nag-rereview ako?" sabi ko
"Yan ba yung para sa exam natin mamaya? Tapos na akong mag-review kaya pwede na akong matulog pag-uwi ko ng bahay" sabi ni Jun.
Kaklase ko si Jun sa isang subject. Pareho kaming business administration ang course na kinukuha sa college. Working student sya at tanging nanay lang nya ang kasama nya sa buhay. Mas matanda sya sa akin nang ilang taon, pero kapareho ko, hindi rin sya kumukuha ng full load bawat semester kasi nagta-trabaho sya.
"O pwes ako hindi pa tapos mag-review kaya tantanan mo ako" sabi ko
"Pabili muna nitong pinya, ikaw daw ang pipili sabi ni Nanay kasi kapag ikaw daw ang pumili siguradong matamis" sabi ni Jun
Malapit lang ang bahay nila Jun sa tindahan namin at sa bangkong binabantayan nya, walking distance lang kaya suki ko na rin ang nanay nya. Mabait naman yang si Jun, at alam ko ring gusto nyang magpalipad hangin sa akin pero sa umpisa pa lang ipinaparamdam ko nang wala pa akong balak magkipag-boyfriend. Saka hindi rin naman sya uubra kay Mama Rio.
"Pakisabi nga pala sa nanay mo, may nakuha na akong mangosteen. Pinagbilin nya kasi yan sa akin" sabi ko kay Jun. "Eto naman yung pinya"
"Sige babangitin ko sa kanya, eto ang bayad ko" sabi ni Jun at iniabot sa akin ang bayad nya. "Magkita na lang tayo mamaya sa school" pahabol nya bago tuluyang umalis.
"Pinsan, makisig naman yang si Jun, bakit ayaw mo sa kanya?" biglang tanong si Boyet
"Eh ano naman kung makisig, tigilan mo nga yang kabaliwan mo Boyet, dadagdag ka pa sa pagkasira ng araw ko" sabi ko
"Bakit ba kasi sira pa rin ang araw mo eh umabot naman tayo sa palengke. Nakabili tayo ng sariwang prutas at higit sa lahat natakbuhan natin si Tisoy. Oh di ba lahat na lang pabor sa atin sa araw na ito." Sabi ni Boyet
"Hindi ko kasi makalimutang yung kakapalan ng mukha ng mayabang na mestisong bangus na yun eh. May mga ganong tao pa rin pala, mapagsamantala. Kapag naiisip ko kumukulo ang dugo ko eh" sagot ko
"Ingat ka pinsan, baka yung si tisoy ang itinadhana para sa iyo" sabi ni Boyet
"Gago, anong itinadhana ang sinasabi mo dyan. Hoy, kahit kelan hindi ko magugustuhan ang mayabang na yun" deklarasyon ko
"Ganon ba, eh wag kang magsasalita ng tapos. Baka bukas makalawa magkita kayo ulit nyang si tisoy tapos kainin mo lahat ang sinabi mo" pang-aasar sa akin ni Boyet
"Eh kung itong buong pakwan kaya ang ipakain ko sa iyo." Sabi ko
"Nagpapaalala lang naman ako, hindi mo masasabi kung ano ang tadhana mo". At sumasagot pa talaga ang mokong na 'to.
"Lintek na, at ang dami mo pa rin sinasabi. Ayusin mo na lang yang mga buko at mamaya lang darating ng yung mga suki natin para pik-up-in yan." Sabi ko saka ko itinuloy ang pagre-review ko kesa makinig sa kung anu-anong sinasabi ni Boyet at pati ang tadhana idinadamay pa. Malabong magkita kami uli ng mayabang na tisoy na yun kasi mahal ako ng Dyos, hindi nya hahayaan na mag-krus uli ang landas namin dahil siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan.
************************
With conviction ah Anna, hindi kaya tama si Boyet. Baka dumating ang araw at mabusog ka kasi kakainin mo ang mga sinabi mo kasi ngayon pa lang pumapasok na sya sa sistema mo eh. 😉😛😊
Maraming salamat po and God bless 🙏🙏🙏🙏🙏
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
Fiksi PenggemarSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
