Anna's POV
"Bakit ka umalis, bakit hindi mo ako hinintay?", "Nakauwi ka ba nang maayos?", "Wag mo na yan gagawin ulit please, nag-aalala ako sa iyo" , "Please naman Sung, wag ka nang magalit sa akin"
Hindi tumigil sa kakasend si Dondi ng message sa viber, pero tinitiis ko pa rin na wag mag reply sa kanya. Kung tutuusin, wala naman talaga akong dapat ikagalit, nakarating naman ako sa klase ko kanina nang matiwasay at hindi rin late. Pero, kapag naaalala ko ang babaing may alambreng buhok, bumabalik ang inis ko.
"Nasa bahay ka na ba?" tanong ng message ni Paolo.
"Oo, ngayon lang, sobrang traffic eh ang init-init pa." reply ko. Maya-maya tumatawag na ang kaibigan kong bading. "Hello" sagot ko sa tawag nya.
"Kanina ka pa umalis, ngayon ka lang nakarating ng bahay?" paninita ni Paolo.
"Traffic nga" maiksi kong sagot. Wala ako sa mood magpaliwanag kasi pagod na pagod ako sa byahe.
"Kung hindi ka nag-inarte eh di sana, maayos kang nakauwi kahit ma-traffic" sagot ni Paolo.
"Tumawag ka ba sa akin para lang sabihin yan?" tanong ko.
"Ay ang init ng ulo beh? Ang suplada lang? Ano ang pinaghuhugutan ng pag-susungit?" sagot ni Paolo.
"Bakit ka ba kasi tumawag, pagod na pagod ako beh. Ayoko na ngang kumain ng hapunan, mas gusto kong matulog na lang." sabi ko.
"Nagkausap na ba kayo ni Dondi?" tanong ni Paolo.
"Hindi, bakit may dapat ba kaming pag-usapan?" tanong ko.
"Bakit wala ba? So ibig sabihin ba, balik ka na sa dati? Waley na hatid-sundo ng lalaking maputla? Ibig bang sabihin break na ang YabSung?" tanong ni Paolo.
"Mukha namang hindi na nya kailangan ang tulong ko. Dun na lang sya sa Vanessa nya." Wala sa sarili kong sinabi at huli na para bawiin ko ang sinabi ko kasi nag react na agad si bakla.
"Ay gagang 'to, sabi na nga ba eh, nagseselos ka dun sa Vanessa." Sagot ni Paolo.
"Of course not." Tangi ko, ako pa ba ang aamin, syempre hindi.
"Neknek mo Cristina, wag kang sinungaling. May gusto ka talaga kay Dondi eh, ayaw mo lang umamin. Hindi ka na naawa dun sa tao, nag-alala sa iyo, kasi umuwi kang mag-isa" Patuloy na deklara ni Paolo.
"Sus maniwala ka dun, may ibang kasama na yun pauwi, hayaan mo na sya." Sabi ko.
"Gaga ka, hindi sumabay sa kanya umuwi si Vanessa, nakita namin sya ni Isay na umalis ng campus mag-isa. Pwede ba itigil mo na yang kaartehan mo, at baka dumating ang araw na makahanap ng iba yang si Dondi dahil hindi na makeri ang kaartehan mo." Sabi ni Paolo.
"Eh ano naman ngayon, eh di humanap sya ng iba, fake lang naman yung relationship namin." Sagot ko.
"Oo nga naman. O sige hayaan na lang natin si Dondi na makahanap ng tutoong forever nya. Siguro nga tama lang na tigilan nyo na yung pagpapanggap nyo. Sa dami ng nagkakagusto kay Dondi, malamang wala pang isang lingo may kapalit ka na agad." Sabi ni Paolo at biglang bumilis ang tibok ng dibdib sa sinabi nya.
"Hindi nya gagawin yun." Sabi ko.
"Bakit naman hindi, aber? Technically, single naman sya talaga kaya free syang makahanap ng babaing bagay sa kanya." Sabi ni Paolo.
"Excuse me, anong ibig mong sabihin , hindi ako bagay sa kanya?" tanong ko kay Paolo.
"Bakit importante ba kung bagay man kayo o hindi? Paalala ko sa iyo beh, fake girlfriend ka lang naman. Alam mo Cristina, kaibigan kita at syempre mas kampi ako sa iyo kesa kung kanino man, pero please naman bawas-bawasan mo naman pag-iinarte, kasi hindi ka naman tutoong girlfriend ni Dondi. Alam mo ba para sa akin mas mabuti nga kung titigilan nyo na yang palabas nyo, para wala nang pretention, at makagalaw na kayo nang maayos at hindi na kailangang isaalang-alang pa kung ano ang iisipin ng tao sa inyo." Mahabang sinabi ni Paolo at sinasabi pa lang nya, nalulungkot na ako.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
