44 - Facebook Page

809 115 9
                                    

Anna's POV

Grabe pasado alas dose na wala pa si Mama Rio, anong oras pa ako makakauwi para makapagbihis at makapasok sa school. Baka kapag sinundo ako ni Dondi, hindi pa ako tapos magbihis.

"Boyet, ano ba ang sabi ni Mama, bakit hindi na sya nagpasundo sa iyo?" tanong ko.

"Maaga raw syang aalis kasi may pupuntahan daw sila ng Ninang Candy mo ngayong umaga. Dito na lang daw sya didiretso pagkagaling nya dun sa pupuntahan nya." sagot ni Boyet.

"Eh saan ba kasi sila pupunta, may maagang raket ba sya?" tanong ko ulit.

"Anong malay ko, bakit kaya hindi ikaw ang magtanong. Tawagan mo na kasi para alam mo kung matatagalan pa sila o baka naman malapit na silang dumating dito" sagot ni Boyet.

"Ayoko ngang tawagan si Mama, baka pagalitan ako. Alam mo naman yun, ayaw ng tinatanong kung saan sya pumupunta, sasabihin na naman nun, sa tanda ba naman nyang yun hindi pa nya alam ang pupuntahan nya." pangangatwiran ko.

"Eh wala na akong magagawa dyan. Pati na rin ikaw, wala kang magagawa kundi ang maghintay." Nakakairitang sagot ni Boyet.

"Ang mabuti pa, i-text mo na si Dondi na baka late ka nang maka-uwi kasi hihintayin mo pang dumating si Mama Rio." Biglang sinabi ni Dondi at nagpainit ng mukha ko.

"Anong sinasabi mo?" pagkakaila kong tanong.

"Aysus, sa akin ka pa ba mag-mamaang-maangan? Narinig ko kayong nag-uusap nung minsan na nandito yang si Dondi para sa pa-tutor mo sa kanya. Pinapagalitan mo sya kasi ilang araw nang late ka nyang sinusundo sa bahay." sagot ni Boyet at nanlaki ang mga mata ko.

"Gago ka, bakit nakikinig ka sa usapan namin?" sabi ko.

"Hindi ako nakikinig, narinig ko nga lang yun sinabi mo." Paliwanag ni Boyet. "Ako naman eh magtatanong laang pinsan, pwede mo namang sagutin, pwede ring hindi. Pero mas maganda kung sasagutin mo. Pangako, hindi ko sasabihin kay Mama Rio." Sabi ni Boyet

"Bakit ano ang gusto mong malaman?" tanong ko.

"Ikaw ba ay kasintahan nyang si Tisoy?" tanong ni Boyet at kamuntik ko nang maihagis sa kanya ang mangga na nasa tabi ko.

"Siraulo, anong kasintahan ang pinag-sasasabi mo dyan. Hindi pa ako pwedeng mag-boyfriend, magagalit si Mama sa akin kapag ginawa ko yan." Sagot ko. "Saka wag ka ngang malisyoso, hindi komo sinusundo ako ni Dondi sa bahay, eh ibig sabihin nun boyfriend ko na sya." Dagdag ko.

"Manliligaw? Nanliligaw ba si Tisoy sa iyo?" tanong nya.

"Hindi po nanliligaw sa akin si Dondi, magkaibigan lang kami." Sagot ko.

"Kay inam naman palang kaibigan nyang si Tisoy, akalain mong hatid-sundo ka." Malisyosong sinabi ni Boyet.

"Nagmamagandang loob lang yung tao, kasi nga tinutulungan ko sya sa school." Sagot ko.

"School! Saglit laang at may itatanong nga pala ako sa iyo." Sabi ni Boyet. "Buksan mo yung FB mo, tapos search mo yung YabSung na page." Utos nya sa akin.

Bigla akong kinabahan nung narinig ko ang pangalan nung FB page na pinapahanap ni Boyet.

"Bakit hindi ikaw ang maghanap, pakialam ko dyan sa FB page na sinasabi mo." Tanggi ko.

"Naiwan ko yung phone ko sa bahay eh." sabi ni Boyet. "Sige na, pakihanap na, para makita mo na picture nyo ni Tisoy ang header nung page na yun." Sabi ni Boyet na ikinalamig ng buong katawan ko.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon