Dondi's POV
Katulad ng inaasahan, hindi kami nagtagal ni Lola sa birthday party ng kaibigan nya. Bukod sa wala naman kami masyadong kakilala, nakakailang lang rin na bukod sa pinagtitinginan ako ng mga bisita ng kaibigan ni Lola, kung kani-kanino pa ako inirereto na parang matagal na kaming magkakilala.
Ang tutoo, yan ang hindi ko maintindihan sa ibang tao, kapag nalaman nilang walang karelasyon ang ibang tao, tingin nila malungkot na ang buhay at kung kani-kanino na nila inirereto. Hindi ba pwedeng choice ko talaga na walang akong girlfriend kasi ayoko pa talaga?
"Napagod ka ba apo? Pasensya ka na at medyo ginabi tayo, oras na saba ito ng pag-tulog mo" tanong ng Lola ko habang nasa daan kami pauwi sa bahay.
"Ayos lang naman po Lola, wala naman akong duty bukas kaya pwede akong magpuyat at gumising ng tanghali bukas" sagot ko
"Pasensya ka na rin at nakatuwaan ka ni Melba na ipakilala sa lahat ng dalaga sa party nya. Noon pa namang bat aka pa eh, giliw na giliw na yun sa iyo. Ang tutoo nun, inirereto nya ang Papa mo sa anak nya noon pa. Kaya siguro sa iyo bumabawi kasi hindi nagkatuluyan si Papa mo at yung anak nya" sabi ni Lola
"Ayos lang po La, medyo nakakailang pero wala naman pong problema. Hindi naman nila ako mapipilit kung ayaw ko" sagot ko
"Eh bakit nga ba ayaw mo pang mag-girlfriend? Hindi ka naman naming pinipigilan ng Lolo mo. Sa dinami-dami ng mga dalagang nagkakagusto sa iyo, wala ka man lang napupusuan sa kanila?" tanong ni Lola
"La, ilang beses po ba nating pag-uusapan ang tungkol dyan. Wala pa po yan sa isip ko. Marami pa po akong gustong gawin sa buhay ko" sagot ko
"Katulad ng?" tanong ni Lola
"Ang makapag-tapos po ako ng pag-aaral ko galing sa sariling pag-sisikap ko" sagot ko
"Ilang beses din ba naming sasabihin sa iyo na pwede ka namang bumalik sa pag-aaral kahit kelan mo gusto. Alam mong nasa bangko lang ang perang ipinapadala ng Papa at Mama mo para sa pag-aaral mo" sabi ni Lola
"Wag na po natin yang pag-usapan La, yun din naman ang isasagot ko sa lahat ng sasabihin nyo" sabi ko at tumahimik na lang si Lola at alam kong naiintindihan nya kung saan nanggagaling ang mga pinag-lalaban ko.
"Hindi pa nga pala kita natatanong" biglang sabi nya
"May sinasabi kasi ang Lolo mo kanina tungkol sa iyo. Iba raw talaga ang aliwalas ng mukha mo. Taman ba ang kutob ng Lolo mo na in-love ka na? Kaya ba wala kang interest na maging kaibigan man lang yung mga ipinakilala ni Melba sa iyo kanina?" tanong ni Lola
"Alam mo po La, hindi ko po alam paano nyo nasabing may ibang aliwalas ang mukha ko, samantalang pareho pa rin naman ang tingin ko sa sarili ko kanina" sagot ko
"Siguro nga hindi tungkol sa isang babae ang aliwalas ng aura mo ngayon apo. Siguro nga mas masaya ka lang kaya nakikita sa mukha mo yung saya mo. Kwentuhan mo nga si Lola, ano ba ang dahilan at masaya ang apo ngayon?" sabi ni Lola
"Wala naman po akong maiku-kwento Lola. Wala namang bago sa araw ko ngayon, maliban sa kamuntik nang mawala yung cellphone ko, buti na lang at naibalik sa akin agad" sagot ko
"Talaga ba apo? Kamuntik nang mawala ang cellphone mo, aba mainam naman at naibalik talaga sa iyo. Kaya siguro masaya ka nga. Ito naman kasing Lolo mo, kung anu-ano ang iniisip. Kesyo in-love ka na daw, yun pala naibalik lang ang nawalang cellphone mo kaya masaya ka" sabi ni Lola
"Syempre naman po Lola, regalo nyo po sa akin 'tong cellphone ko kaya sorang importante sa akin. Kaya nga po sobrang saya ko nung naibalik sa akin" sagot ko
"Paano naman nawala apo? Ninakaw ba sa iyo?" tanong ni Lola
"Hindi po La, naiwan ko po dun sa tindahan ng prutas kung saan ko binili yung fruit basket na ipinang regalo natin kanina" sagot ko
"Aba mabuti na lang at walang ibang nakakita, mabuti na rin at mabait ang may-ari nung tindahan" sabi ni Lola
"Mabait po talaga si Mama Rio, pero hindi po sya ang nakita nung cellphone ko. Yung anak po nyang si Anna ang nagbalik nung phone ko" sagot ko
"Anna? Sya ba yung ikinu-kwento mong bumangga sa kotse mo?" tanong ni Lola
"Sya na nga po at walang nang iba" sagot ko
"Akala ko ba may kasamaan ang ugali ng babaing yun, mabuti at hindi nagka-interes sa phone mo" sabi ni Lola
"Mabait naman po si Anna Lola, kahit may kasungitan. Hindi lang po siguro maganda yung una naming pag-kikita kaya ganun sya kasungit sa akin. Pero si Mama Rio, sobrang bait po, kaya naniniwala akong mabait din si Anna" sabi ko
"Mukhang iba na yata ang ihip ng hangin apo, ilang araw pa lang ang nakakaraan eh, sobrang inis ka dyan sa Anna na yan na halos isumpa mo. Ngayon ko lang narinig sa iyo na mabait naman pala ang Anna na yan" sabi ni Lola
"Nag-sorry naman na po kami para sa kung anumang atraso na meron kami sa isa't-isa. Iniisip ko nga po La kung ano ang magandang iregalo kay Anna" sabi ko
"Bakit mo naman sya reregaluhan?" tanong ni Lola
"Kasi nga po di ba, ibinalik nya yung phone ko. Kung iba yun, malamang hindi na bumalik sa akin yung telepono ko kasi latest model kaya 'to kaya hindi malayong pag-interesan ng makakakuha" sabi ko
"Ibig mo sabihin, gusto mong bayaran yung kabaitan nya? Apo, kahit kelan hindi nababayaran ang kabaitan ng isang tao, tandaan mo yan" sabi ng Lola ko
"Alam ko po yung Lola, hindi naman po bayad ang ibig kong sabihin eh, parang pasasalamat lang sa abala" sagot ko
"Ano naman ang nasa isip mong iregalo sa kanya?" tanong ni Lola
"Wala pa nga po akong maisip eh" sagot ko
"Ano ba ang hilig ng Anna na yun?" tanong ni Lola
"Hindi ko po alam. Wala naman po kaming pagkakataon na mapag-usapan yung ganyang mga ka-personal na bagay. Hindi pa nga po kami nakakapag-usapan ng mahinahon, kahit po kanina nung kinuha ko yung nawawalang phone ko sa tindahan nila, nasungitan pa rin ako" sabi ko
"Medyo naguguluhan ako sa sinasabi mo apo. Paanong sinasabi mong mabait ang Anna na yun kung palagi ka naman sinusungitan?" tanong ni Lola
"Kasi Lola, nung pagpasalamat ako sa kanya sa text, sumagot ng 'walang anuman'. So naiiisp ko, siguro kung kakausapin ko nang maayos si Anna, lalabas ang tunay na kabaitan nya" sagot ko at may nakita akong matipid na ngiti kay Lola Cora.
"O sya, ipagluluto ko na lang sya nang masarap na adobong manok, para lumabas na ang sinasabi mong kabaitan ng Anna na yan. Baka kapag natikman nya yung luto kong adobong manok eh hindi ka na nya sungitan" Lola Cora
"Talaga La" excited kong tanong
"Oo apo" nakangiting sagot ni Lola
"Salamat po, siguradong magugustuhan nya ang luto mo, isa sa mga specialty mo ang adobong manok eh" sabi ko at ngayon palang sobrang excited na akong matikman ni Anna ang masarap na luto ng Lola ko. Siguradong hindi nya ako makakalimutan.
************************
Hoy Dondi, Si Lola Cora ang magluluto bakit ikaw ang hindi mamakalimutan? Pwedeng pakidagdagan po yung Adobo Lola Cora, favorite ko po yan eh. Ang tanong, favorite din kaya ni Anna ang adobong manok? 😉😛😊.Maraming salamat po and God bless 🙏🙏🙏🙏🙏
![](https://img.wattpad.com/cover/176393220-288-k273230.jpg)
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...